Dawn POV Ibinato ko ang hawak kong baso sa pader dahil sa sobrang galit at inis kasama na ang sobrang sakit na nararamdaman ko. Gulong-gulo rin ang aking pakiramdam, hindi ko pa rin maunawaan ang aking sarili. Lahat ng mga sinabi niya ay lubos kong dinibdib. I can still remember every word he uttered, na para bang hanggang ngayon ay nasa harap ko pa rin ito at sinasabi ang mga impormasyon na lubhang nagpaguho ng aking mundo. Hindi ko maunawaan kung bakit ngayon niya pa ito ilalabas na para bang wala lang rito ang lahat? Tapos Ang pinapakita pa nitong aksyon at ang mga sinasambit nitong salita ay hindi ko lubos maisip na maririnig o makikita ko ngayon. He changed a lot ngunit sapat na ba iyon para magtiwala ako sa mga sinasabi niya? Bakit pakiramdam ko marami pa rin akong hindi alam?