Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Vaughn habang naglalakad na kami sa hallway ng St. Lukes. We’re going to Dr. Soriano’s office. Alam ko na weirded out pa rin sya sa mga kinikilos ko kanina but I don’t care. The most important thing here is to know that he’s really okay. “What’s with the sudden checkup?” Nagtataka pero nakangiti na tanong ni Dr. Soriano. Isinuot nya ang kanyang eyeglasses nang makaupo na kami sa harap ng table nya. Tiningnan ako ni Vaughn na parang sinasabi nya na ako ang sumagot. “I just became a little conscious of our heatlh,” Ang tanging nasagot ko. “Are you two planning on having a baby now?” Nasamid ako nang marinig ang tanong ni Doctor Soriano habang si Vaughn naman ay hindi malaman kung ngingiti o ano ang irereact. Tumawa ang doctor. “Allright. I can do th