"Halika na, hija." Napatingin ako sa babaeng maganda, na kasing-edad lang ng Nanay ko.
Mga dalawang oras na siguro siyang nakaupo doon sa stool chair namin sa labas, kakahintay sa akin.
Nagulat ako nang kumatok siya sa aming pintuan, at nagpakilalang si Thea Hernandez. May sinabi pa siyang totoong pangalan niya pero hindi ko matandaan dahil maraming gumugulo sa isipan ko. Iniisip ko kung paano na ako ngayong wala na si Nanay? Paano na ang pag-aaral ko? Ilang beses na nga akong huminto dahil wala kaming pera na pang-tustos sa pag-aaral ko.
Napabuntong-hininga ako. Mukhang mauulit ulit.
Hindi na umabot sa libing ni Nanay ang ginang dahil minadali rin. Wala naman kasing naiwan na pera si Nanay sa akin kaya hindi ko na pinatagal ang libing. Sayang ang pangkape at tinapay na bibilhin kung i-extend ko pa ang burol. Simula nang iwan kami ng aking ama, hindi na bumalik si Nanay sa abroad. Wala na kasing magbabantay sa akin, kaya, nagtiyaga siyang maghanap ng trabaho malapit sa amin.
Pamilyar sa akin ang pangalan ng ginang. Pero hindi rin nagtagal ay bumalik sa alaala ko ang buong pangalan na binanggit ng aking ina. Thea Hernandez ang sinabi niya sa akin. Iyon ang pangalan na natatandaan ko na binanggit ng aking ina pagkatapos bawian ng buhay.
Ngayon ko lang talaga nakita ang babaeng nasa harapan ko. Pero naikuwento na siya sa akin ni Nanay noong nasa ospital kami. Kasamahan ito ng aking ina sa trabaho noon sa Dubai.
Muli kong tiningnan ang aming bahay. Hindi ko pa rin maiwasang malungkot ng mga sandaling iyon. Ilang taon din kaming nangupahan ng aking ina sa maliit na bahay na ito. Maraming masasaya at masakit na alaala akong mababaon sa pag-alis dito.
Tumingala ako sa langit kapagkuwan. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran sa akin sa pagpasok sa pamilya ng babaeng pinaghabilinan ni Nanay sa akin? Tumingin ako sa papalabas na ginang. Mukha namang mabait ito. Palangiti rin. Nakakailang lang kasi dahil mula siya sa mayamang pamilya. Samantalang kami, kabilang lang naman sa mga mahihirap na pamilya.
Tahimik lang ako sa biyahe ng mga sumunod na sandali. Samantalang ang ginang, walang katapusang kuwento tungkol sa mga anak niya. Hindi man lang nawala ang ngiti sa mga labi. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa pamilyang meron sila. Pangarap ko ding magkaroon ng masayang pamilya, ‘yong walang iniisip na problema.
Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti ng ginang, bakit napapangiti rin ako. Kung tititigan siya, walang bahid na pagyayabang habang ikinukuwento nito ang buhay niya. Hindi ko natiis na hindi siya tanungin kung paano niya nakilala ang aking ina.
Nakasama pala niya ang aking ina noong mga panahong wala pa siyang asawa. On-call cleaner din pala siya gaya ni Nanay. Pero masuwerte pa rin ang ginang dahil nag-oopisina siya. Samantalang ang aking ina, full-time cleaner naman. Pero hindi naman sapat ang ipinapadala ng aking ina, noong lumalaki na ako. Kaya, lagi akong humihinto sa pag-aaral kapag hindi kaya.
Grade 9 pa lang ako sa darating na pasukan. 'Yon ay kung pag-aaralin ako ng ginang. Medyo nakakahiya pero kakapalan ko ang mukha ko kapag nakausap ko siya ng masinsinan. Sana. Kahit sa public man lang. Naipangako ko kasi sa aking ina na magtatapos ako ng pag-aaral anuman ang mangyari. 'Yon lang ang tanging hangad ko sa mga panahong ito.
Sinundan ko ng tingin ang ilaw ng subdibisyong aming pinasukan. Ngayon ko lang napagtantong padilim na pala. Kung hindi pa ako nag-iba ng tingin, hindi ko mare-realize.
Nagga-gandahang bahay ang aming nadadaanan. Kaya sa tingin ko, maganda rin ang bahay ng ginang. Nakapikit na siya nang lingunin ko.
Hindi ko maiwasang tumitig sa maamong mukha niya. Maganda ang ginang kaya hindi malayong mamana iyon ng mga anak niya.
Napatingin ako sa bahay na hinintuahn namin. Maganda at moderno iyon. Ito na yata ang bahay ng ginang. Hindi ko maiwasang hangaan nang kusang bumukas ang malaking gate. Hindi na pala kailangan ng tagabukas dahil ginamitan iyon ng remote control ng driver.
"We're here, Yvette," nakangiting sabi ng ginang nang lingunin ko ulit. Gising na pala siya. Pinisil pa niya ang aking kamay mayamaya. "It would be best if you considered our place your new home from now on, so make yourself at home. I think you should start calling me Mama mula ngayon. Okay?"
Nakakaintindi pa rin naman ako ng ingles kaya tumango ako sa ginang. Pero nakakahiya kung Mama ang itatawag ko sa kan’ya.
Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng sasakyan. Yakap ko ang lumang backpack ko ng humarap sa sumalubong sa amin.
Hindi ko mapigilang mapahanga nang makilala ang lalaking yumakap sa beywang ng ginang. Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi. Kung hindi ako nagkakamali, isang sikat na bokalista ito noong kabataan nila Nanay. Wala na ito sa showbiz dahil mas pinili nitong iprayoridad ang pamilya, ayon iyon sa mga nabasa ko. Hanggang ngayon, sikat ang ilang kanta niya sa buong Pilipinas.
"Welcome to our humble home, Yvette. Call me Papa Keith simula ngayon. How about that?" Ngumiti siya sa akin. Kita ko ang mapuputing ngipin nito. Maging ang maamong mukha ni Papa Keith ay nakangiti rin. Nakaka-engganyong ngumiti.
Hindi ko akalaing magiging instant Papa ko ang sikat na bokalista na ito. Hindi rin maikakailang guwapo ito, kahit simpleng T-shirt lang ang suot.
"S-sige po," nahihiyang sagot ko dito.
Para akong nanaginip ng mga sandaling iyon. Kanina lang ay nalulungkot ako dahil iiwan ko na ang aming tahanan na ilang taon din naming tinirhan. At kahapon din, nagluksa ako ng sobra dahil iyon ang huling araw na makikita ko ang aking ina. Pero ngayon, bigla akong nagkaroon ng lakas para lumaban sa buhay. Nakangiti ang pag-asa sa aking harapan. Lalo na ng lumabas pa ang tatlo pa na anak ng mag-asawa. Hindi ko tuloy malaman kung bawal ba ang malungkot na mukha sa tahanang ito. Lahat kasi sila nakangiti sa akin. Mula sa babaeng anak na si Tabitha nila hanggang sa dawalang lalaki na magkasunod.
Napatingala ako ng mga sandaling iyon. Sabagay, marami silang pera. Wala silang gaanong problema kaya marami silang panahong ngumiti.
"Siguradong magkakasundo tayo, Yvette. Magkaedad lang pala tayo sabi ni Mama," masayang sabi ni Tabitha sa akin. Siya ang naatasan ng ina nito na ihatid ako sa aking magiging silid.
"Talaga? Okay lang ba sa'yo na maging magkaibigan tayo?" tanong ko.
Ngumiti na naman siya kaya ngumiti din ako. "Oo naman. Ayaw ni Mama ng mapangmatang tao. Isa 'yon sa tinuro niya sa amin. Kaya, kahit sino ay puwede naming kaibiganin. Dahil dito ka na titira, simula ngayon, kapatid na ang ituturing ko sayo. Okay ba?" Naglahad siya ng kamay kaya napatingin ako doon.
Malapad na ngiti ang iginanti ko sa kaniya sabay tanggap ng palad niya na nakalahad. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na kami sa paglalakad palapit sa aking magiging silid.
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Lumingon siya na nakalapat ang hintuturo sa pisngi.
"Twinnie! Tama! ‘Yan na lang ang tawagan natin. Sa tingin mo?"
Ang cute naman ni Tabitha sa reaksyon niya. Aayaw pa ba ako sa gusto niyang tawagan namin? Maganda nga, e. Pangarap k oding magkaroon ng kapatid kaya.
"Puwedeng-puwede, Tabitha. Maganda-"
"Call me Twinnie, please?" may bahid na lungkot na pakiusap niya.
Napangiti ako sa tono ng boses niya. "Twinnie..." saad ko na ikinangiti niya.
"Perfect! Anyway, here's your room, Twinnie." Dahan-dahang binuksan niya ang pintong hinintuan namin. "Tsaran!" Iminuwestra pa niya ang kamay na ikinangiti ko.
Napaawang ako ng labi nang makita ko ang kabuuhan ng aking silid. Inisang hakbang ko nga ang papuntang kama at naupo roon. Dinama ko pa ang malambot na kama habang inililinga ko ang aking paningin.
Grabe! Napakalambot ng aking kama. Para akong prinsesa ng mga sandaling iyon. Iyon kasi ang disenyo ng aking silid lalo na ang kama. Kulay pink din iyon. Sa mga palabas ko lang talaga nakikita ang ganoong klase ng silid.
"Ako ang nag-design niyan. Pero siyempre, sa tulong ni Yaya at ng mga katulong natin," masayang kuwento niya sa akin.
"Talaga?!" gulat na sambit ko. Pero hindi naka-iwas sa pandinig ko ang sinabi niyang natin. Ibig sabihin tanggap niya talagang dito na ako titira talaga.
Iniwan din naman ako kaagad ni Tabitha. May gagawin daw kasi ito. Iyon ang kinuha kong sandali para mag-ayos ng aking mga gamit.
Magkasabay kaming kumain nang dumating ang hapunan, maliban pala sa panganay na anak ng mag-asawa. May tinatapos pa raw na trabaho ito sa library. Hindi ko tuloy siya nakita.
Nag-lalagay ako ng mga damit ko sa kabinet nang may kumatok. Bumukas din iyon at iniluwa ang babaeng kasing edad ng ginang.
"Ako nga pala si Yaya Esang. Yvette ang pangalan mo, diba?" Tumango ako sa tanong niya. Ngumiti siya kaya ginantihan ko rin.
"Pinapatawag ka ni Ate sa sala. Babain mo muna saka balikan 'yan." Tukoy niya sa ginagawa ko.
Sumunod ako sa kan'ya sa sala. Nadatnan namin ang ginang na nanunood ng palabas.
"Maupo ka, anak," anito sa akin nang tingalain ako.
Naupo ako sa single sofa pagkuwa’y yumuko.
"Anong masasabi mo sa silid mo, Yvette!" nakangiting tanong ng ginang sa akin.
“Napaka-ganda po. Marami pong salamat. Pati rin po kay Tabitha,”
“Welcome, hija! Masaya ako kasi nagustuhan mo,”
Tumingin ako sa kaniyang kamay. May hawak siyang pamphlet. Kung hindi ako nagkakamali, pamphlet iyon ng isang eskuwelahan. Hindi ko lang alam kung ano ang nilalaman niyon.
"Bukas, maaga kang gumising dahil aalis kayo ng panganay ko. Sasamahan ka niyang mag-enroll sa eskuwelahan bago pumasok ng opisina."
"Is this the reason why you called me, Ma? Why me? Bakit hindi na lang kayo? And who is she, by the way?"
Parehas kaming natigilan ng ginang nang marinig ang boses na ‘yon. Bigla rin akong nahintakutan sa baritonong boses na iyon sa likod ko. Napalabi ako. Siya na yata ang kauna-unahang taong galit sa akin mula sa bahay na ito. Hindi ko alam kung lilingunin ba ito, o hindi.
Napaawang ako ng labi nang makita ang mukha ng lalaking galit. Naupo siya sa tabi ng ina.
Kung naguguwapuhan na ako sa dalawang bunsong anak ng ginang, mas higit pa sa panganay. Hindi naman ako na-inform na kalahi pala siya ni Adonis. Parang malalaglag naman yata ang lumang panty ko sa kagandahang lalaki niya.
Tumagilid ako sandali para tampalin ang ulo ko. Kung anu-ano na ang naiisip ko sa murang edad ko.
Pero, bigla akong nalungkot nang maalala ang tono ng boses niya kanina. Parang ayaw niya sa akin. Hindi kaya dahil sa itsura ko?
"Lower your voice, Thor! Wala kang kaaway dito. Wala namang ibang maghahatid kay Yvette dahil ikaw lang ang may drivers license sa inyong apat. Alam mo namang may lakad kami ng Papa mo bukas."
Tumingin ako kay Thor. Nabanggit na siya sa akin kanina ng ginang. Kabaliktaran pala sa naikuwento ng ginang sa akin kanina. Ini-expect ko pa naman na mabait din, at mahinahon kagaya ni Terence at Trevor.
Hay, kabaliktaran talaga siya ng nasa isip ko. Sayang naman.
Napalunok ako nang hagurin niya ng tingin ang aking kabuuhan. Nag-iwas na lang ako dahil iba ang paraan ng pagtitig niya. Marahil, sa klase ng pananamit ko. Lumang T-shirt at pantalong maong ang suot ko ng mga sandaling iyon. Sobrang kupas pa kamo ng pantalon. Kung ikukumpara sa mga suot nila, parang basahan ang suot ko.
"I'm sorry, Ma," malumanay na sagot ng binata.
Bigla akong napatingin sa kan'ya. Marunong naman pala magsalita ng mahinahon. Hindi kagaya kanina na parang nanghahamon ng kaaway. Mukhang mabilis makapukaw ng nerbiyos si Thor kapag nagagalit. Mahilig pa naman ako kape. Dapat bawasan ko na siguro.
"What's your name?" tanong niya kapagkuwan.
Natigilan ako bigla sa tanong niya. Diba, kakabanggit lang ng ginang ang pangalan ko? Nakalimutan niya kaagad? Ouch naman! Minus one ka na kaagad sa akin!
"Y-Yvette po," nauutal kong sagot sa kan'ya.
"Your age? Anong year mo na nga pala ngayong pasukan?" sunod-sunod na tanong niya sa akin na ikinataranta ko.
"17 po. Mag-grade 9 pa lang po sa pasukan," nauutal kong sagot sa kan’ya.
"What the heck! Grade 9 ka pa lang sa edad na 17?!" gulat na sabi niya na ikinayuko ko ng ulo.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. Marahil, naramdaman ng ginang kaya ito na ang sumagot.
"Ilang beses yata siyang nahinto sa pag-aaral, Thor, kaya nasa Grade 9 pa lang si Yvette. Tama ba ako, anak?" ani ng ginang sa akin at hinihingi ang kompirmasyon.
"O-opo," mahinang sabi ko. Tumango-tango ang ginang sa akin mayamaya.
Sabay kaming napatingin kay Yaya nang magsalita ito, at may iniabot ito sa ginang na telepono. May tumatawag rito kaya tumayo ang ginang para sagutin ang tawag.
Naiwan kami ni Thor kaya nailang ako bigla. Para tuloy akong hinahabol sa sobrang kabado.
"I don't like you," deretsahang sambit niya. Sumandal pa ito sa headrest ng sofa at tinitigan ako. "Wala ka bang ibang kamag-anak? Bakit si Mama pa ang nilapitan mo? Tutulungan kitang makapunta sa mga pinsan mo kung gusto mo."
Nagtagis ang bagang ko sa mga sinabi niya kasabay niyon ang panginginig ng kalamnan ko. Lumunok din ako ng laway. Napahawak ako sa tuhod ko na nanginginig na pala. Ramdam ng aking katawan ang sinabi niya, masakit.
"W-wala po akong kamag-anak kaya sumama ako sa Mama niyo. Sa kan'ya rin po ako naihabilin ng aking ina," mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung narinig niya sa sobrang hina.
Kita ko ang pagbahid ng inis sa mukha niya. "Damn! So you're an orphan?"
"O-opo," ani ko habang nilalaro ang mga kamay.
Bigla akong napatingin sa kaniya nang marahas itong tumayo ito. Rinig ko din ang buntong-hininga niya.
"Pakisabi kay Mama na matutulog na ako. God! I’m wasting my time here!" Tumalikod na siya pagkasabi niyon. Pero bigla siyang huminto sa paghakbang at lumingon sa akin. "6am sharp bukas. Dapat ready ka na. Ayoko ng babagal-bagal. Understand?"
Hindi pa man ako nakakatango nang tumalikod na siya ulit. Hindi ko tuloy alam kung anong ugali mayroon ang panganay ng ginang. Umiling-iling pa ako kapagkuwan.
Kinapa ko ang dibdib ko. Grabe. Ibang-iba si Thor sa mga kapatid niya. Mukhang sa kan'ya lang yata ako mahihirapang makitungo.