Family

1121 Words
THE MAFIA'S DEVIL SON CHAPTER THREE NAPAPALATAK na naiinis si Sky kapag naaalala niya ang babae sa Convenience Store nila. First time niyang masampal at all of people sa isang empleyado pa ng kanilang pag-aari. Kung hindi lang sana maraming tao kanina baka nahalikan na niya ito. At kung hindi lang ito maganda baka tinanggal na niya ito sa trabaho. Pero napangisi ang binata nang maalala ang kanyang sinabing parusa sa babae. He even chuckled when he imagine what he can do about the girl. At maghintay lang ang babae sa kanyang ganti. Maya- maya pa'y tinawagan na niya si Arthur. Nakahanda na rin siya, at alam niyang paparoon din ang kanyang mga barkada. Iisang alta sociedad lang naman ang kanilang ginagalawan. He wore a blue tuxedo with luxury black shoes. Bago lahat iyon na pinakuha niya sa Luxury Mall nila. Nagbilin din ito kay Arthur tungkol sa kanyang regalo. Nasa kubo si Sky habang hinihintay niya si Arthur. At bigla na lamang itong natawa nang maalalang muli ang dalaga sabay sambit sa pangalan nitong Moanah. "Tama ba ang nakikita ko! You're smiling while you're all alone!" wika ng isang tinig. Agad na napalingon si Sky sa pinanggalingan ng tinig. Si Storm pala iyon na nakabihis na rin. Lumapit pa ito sa kanya at sinalat ang noo ni Sky. Saka ito muling tumawa nang malakas. "Akala ko, nagdedeliryo ka langit!" turan ng binata. "Anong ginagawa mo ritong bagyo ka!" singhal ng binata. "Wala! Sumabay ka na sa akin napadaan ako para isauli ang wallet mo. And take note, napalitan ko na ang laman niyan!" saad ni Storm. "What?!" nanlalaki ang mga mata ni Sky. Ngumisi naman si Storm. "Chill! Alam ko namang marami ka pang wallet diyan!" ani nito. Pahablot na kinuha ni Sky ang bule wallet niya na hawak pa rin ni Storm. "Savings ko ito ulol! Lagi ka na lang naso- short sa money! Mabuti kung iyong berde ang kinuha mo iyon ang pang- jamming ko." Wika nito. "Iyan ang natangay ko kagabi pasensiya ka na. Maluho ang girl na naikama ko kagabi mayaman din kasi!" sabi ni Storm saka tumawa. Napailing-iling si Sky at tumayo na ito dahil natanaw niya si Arthur na dumarating. "Next time may tubo na!" tugon ni Sky at naglakad na ito palabas ng kubo. "What?! Well, wala naman nang next time dude!" sagot ni Storm na natatawa. Natawa na rin si Sky okay lang naman sa kanya at hindi siya nagagalit o nababahala. Kilala naman niya si Storm hindi na ito iba sa kanya. Hindi na rin nagtuloy si Arthur nang makita niyang papalapit na si Sky sa kanyang kinaroroonan. "Marami na bang bisita sa bahay?" agad na tanong ni Sky dito sabay senyas kay Storm na mauna na ito. "Konti pa lamang Senyorito!" sagot ni Arthur sabay yukod. Hindi umimik si Sky at sumakay na ito sa kanilang kotse. "Ang regalo ko kay Grandfather?" muling tanong ni Sky kay Arthur. "Heto po!" sagot ni Arthur sabay abot sa binata. Inabot naman iyon ni Sky at sumandal na ito sa upuan. Pumikit ito nang bahagya, ang mukha ni Moanah ang siyang unang lumitaw sa isipan ni Sky. Ang matamis nitong ngiti at ang mga maliliit niting biloy sa magkabilaang pisngi nito. Napamulat si Sky at ipinilig ang kanyang ulo. Nakamot niya ang sariling batok dahil sa biglaang paglitaw ng dalaga sa kanyang isipan. Magsasalita na sana ito nang makita niyang papasok na sila sa Mansiyon. Kung kaya't itinikom na lamang nito ang kanyang bibig. "Salamat!" sabi ng binata nang pagbuksan ito ni Arthur. Naglakad na ito hanggang sa loob ng Mansion. Marami- rami na rin ang mga bisita. Nakahinga nang maluwag si Sky hindi halatang galing siya sa kanilang resort. Namataan niya ang kanyang Daddy at Grandfather niya na kausap ang kanyang kuya Shawn. Lumapit si Sky sa mga ito saka nagmano sa kanyang Lolo. "Happy birthday Papie!" bati ng binata sabay abot sa hawak niyang regalo. "Salamat apo! But where have you been?" nakangiting sagot ng matanda. Nakamot ni Sky ang kanyang ulo at napasulyap sa mukha ng kanyang ama. "Saan pa nga ba Dad? Hindi ko alam kung kailan 'yan magtitino! He's look like a ghost here in the Mansion. Mahirap pa nga ni anino niyang hagilapin!" sermon ni Don Zachary. Sky rolled his eyes. "Here we go again!" ani nito. "Shut up, Sky! Dapat tumutulong ka na sa mga negosyo ng iyong ama. You're not young anymore!" baling ni Don Sebastian II. Nagkibit balikat si Sky at kumuha ng isang basong wine mula sa waiter na dumaan. Nilagok niya iyon at tumingin siya sa kuya niyang nakatingin din sa kanya. "Do I look very handsome brother? Nah, hindi ako pumapatol sa kapwa ko Adan!" nakangising wika ni Sky. "Sky!" awat ni Don Zachary. "What?" natatawang tugon ng binata. "Kadarating mo pa lang pinapakulo mo na naman ang dugo ko!" mariing turan ng kanyang ama. "Oh...hindi ko alam na pang- boiler na pala ang dugo niyo Dad! How could that be?" tila nanunuyang sagot ni Sky. Napakuyom ang Don sa kanyang kamao saka marahas na natitigan ang kanyang anak. "Stop it Dad! Hindi na kayo nasanay sa kanya, mas matigas pa ang kanyang bungo kaysa sa bato." Sabad naman ni Shawn. Huminga nang malalim si Don Zachary. "Will you both stop? Kaarawan ko ngayon magkasundo kayo! I need respect folks!" sabi naman ng matandang Buenavista. Natigil ang bangayan ng mag-aama. Nagkasya na sila sa kanilang mga pagtitinginan. "Papie, puntahan ko lang sina Storm baka ma- lechon pa ako rito!" pagpapaalam ni Sky. "Okay! Huwag ka na namang maglayas mamaya iho!" sagot ng matanda. "Hmmm...pipilitin ko po!" tugon ng binata at naglakad na ito papalayo sa kanila. "See, Dad? The way he talked, the way he act so stubborn!" baling ni Don Zachary kay Don Sa Sebastian. "Zach, may pagkukulang ka rin kay Sky! Imbes na intindihin mo siya sinesermunan mo pa." Sagot ng matandang Buenavista. "Dad, ibinigay ko na ang lahat nang gusto niya. Luho, pera, kalayaan at kung anu-ano pa! Kung tutuusin he have everything more than I have. Kaya paanong nagkulang ako sa kanya?" Paliwanag ni Don Zachary. "Oras mo Zach! Iyon ang kulang mo, kalinga ng isang ama! Hindi bale kay Shawn, may ina siyang gumagabay! Si Sky? Wala na siyang ina magmula noong bata pa siya. Baka nga hindi mo pa alam kung ano ang mga paborito niya. Hindi kita sinumbatan pinapaalalahanan lang kita!" saad ni Don Sebastian. Hindi nakasagot si Don Zachary, napainom na lang ito sa hawak niyang alak. Habang si Shawn ay nagpaalaam na sa mag-ama. Kapag kasi ang matandang Buenavista na ang nanermon wala ng sinumang nakakapagsalita kahit sino sa kanila. Dahil ito ang nagtatag sa kanilang mga negosyo maging ang kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD