Gregor Thomson sya ang tagapagmana ng Thompson Company at wala syang choice kundi tanggapin ang nakaatang na responsibilidad para sa kanya.
"Hey! Cous join me!" saad ni Lindsay pinsan nyang celebrity.
Ito ang nag iisa nyang naging kinakapatid dahil nakatira ito sa bahay nila nung mga bata pa sila. Palagi itong nasa bar kasama ang mga kaibigan nito madalas sya sumusundo sa mga lakad nya kaya naman kabisado nya na lahat ng mga lugar kung nasaan ito.
Makalipas nga ang 2 oras ay may tumawag na sa kanya para sunduin ito.
"Sir kayo po ba ang guardian ni Ma'am?"
turan ng nasa kabilang linya ng telepono
"yes, pupuntahan ko sya please take care of her okay," sagot nya rito.
At nakarating na nga sya sa isang malaking resto-bar na pinuntahan ng kanyang pinsan. Maraming tao at ang hirap nitong mahanap hanggang namataan nya ang kanyang pinsan na tila humihingi ng paumanhin kaya gad nya itong nilapitan at inalalayan dahil mukhang lasing na nga ito.
"Lindsay, Let's go! Miss I'm so sorry lasing na rin sya" turan nya sa babae.
Bahagya nya nasilayan ng mukha ng kausap nito at kaakit akit ito para sa kanya ngunit sa isip nya nasaan ang kasama nito parang marami na rin nainom. Namataan nya sa di kalayuan na tumayo ito pumunta sa dereksyon ng comfort room. Sinundan nya ito dahil nag aalala sya sa babae.
Wait! Bakit hindi sya pumasok sa Female comfort room? Dahil sa pag aalala ay sinundan nya ito and damn sa Male Comfort room ito napunta! May grupo ng kalalakihan na papasok kaya dali dali nya itong binantayan. Sa sobrang tagal nito ay marami nang boys na nagdagsaan kaya naman hinintay talaga nya ito.
"Ano bang ginagawa mo Gio?" nasambit nya sa sarili. Bakit bigla nalamang siya naging caring sa di nya manlang alam ang pangalan na babaeng ito.
Naulinigan niyang magbubukas na ito ng pinto nang cubicle kaya naman pinigilan niya ito sa kadahilanang maraming lalaking gumagamit ng comfort room.
Pinasok nya ito sa cubicle at dooy magkadikit ang kanilang katawan. Ramdam niya ang kabog ng kanilangmmga dibdib at samyo ng oanilang hininga. Pinigilan nya ang sarili ngunit ano itong kanyang nararamdaman..
Napakuyom nalang sya ng kanyang mga palad upang pigilan ang nadarama sa babae. Ang halimuyak ng kanyang pabango at tila kumakabog dibdib niya na tila nag aanyaya ito upang maglapat ang kanilang mga labi.
"No Gio hold it" sabi niya sa sarili
"Ah I'm sorry.." sambit niya ng pabulong ng maulinigan na wala ng tao sa labas ng cubicle. Nais man niyang itanong ang pangalan nito ay tila hindi na nito maalala pa iyon. Inalalayan niya ang babae upang makalabas ng banyo. Iisa lamang ang kanyang napatunayan.. nagkagusto na siya sa babae ng ganun ka ikling panahon!
"S-salamat" sabay tango ng babae sa kanya na tila balisa at nagmamadaling lumabas..
Nakaambang pioigilan niya ito ngunit hindi na nya nagawa nasa isip nalamang niya na sana magkita silang muli.
Samantala ang iniwan niyang si Lindsay sa table nila ay tila tulog na kaya naman hinawakan niya ito patayo at inalalayan papunta sa kotse. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang babae kung sino ang kasama niya pauwi at maayos ba lagay nito.
" Cous, ikaw pala! You're always by my side.." hikbi ni Lindsay
"Of course tayo lang naman ang nagdadamayan, Is there any problem?"
"Hmmm! Si Dad gusto nya ipadala sa US para mag aral. You know naman na hindi ko passion yan business! Nag away lamg kami.." tugon ni Lindsay.
Pinili nitong career ang pagiging artista at modelo. Ngunit isa sa kapatid ng kanyang ama na ama ni Lindsay ay gusto itong maging business woman na sya naman kasusyo ng kanyang mga magulang.
"Do what ever you want..but may point si Tito. Para rin ito sa future mo"
Sya lamang ang pinakikinggan nito pagdating sa mga suhestiyon. Matalini si Lindsay pero more on fashion ang nais nito.
"Pag iisipan ko" sagot nito.
Nakarating na nga sila sa tinutuluyan nitong Condo at inihatid sa kaniyang unit.
Sya naman ay umuwi narin sa kanyang sariling bahay.
Pagdating niya ay napaupo sya sa couch at doon ay naalala naman ang babae kanina. "sana nakauwi na sya ng maayos " talaga ba na nag aalala sya sa iba?
Never syang naging attracted sa mga babae lalo na kung ang mga ito ang nagpapakita ng motibo. Sa pagkakaalam niya ay okay naman sya na mag isa at walang commitment kahit na kanino. Sa puntong iyon ay doon na siya nakatulog sa pag iisip sa babae.