LAURA’S Point of View Lunes, pagkatapos ng morning class ko ay sinundo na ako ni Alice sa aking room. "Sabay na tayo mag lunch?" ngiting tanong nito sa akin. Napangiti na rin ako dahil alam naman niya na hindi ako tatangi. "Sige ba, wait mo na lang ako sa labas!" Inaayos ko ang aking mga gamit at sabay kaming bumaba. Pababa sa cafeteria ay nabaling ako sa tinuturo ni Alice na malapit sa gate. "Tignan mo siya! Ang kapal ng mukha para mag-pakita pa sa iyo.'" pang-gigigil ni Alice na sabi. Tumaas ang kilay, tahimik ko na kinakalma ang aking sarili. Nang makita ako ni Gabby ay mabilis itong tumakbo patungo sa kinatatayuan namin ni Alice. "Alice, gusto ko lang makausap si Laura. Pwede bang mauna ka na umalis?" hingal na sambit nito. Nagkatinginan kami dalawa ni Alice at pilit ako nitong