Chapter 8

1791 Words
LAURA’S Point of View Pagkatapos ng klase sa hapon, naroon na si Mang Ken sa gate ng eskwelahan. Hinatid ako nito papunta sa dromitoryo upang iwang ang mga natirang gamit ko doon. Inayos ko lahat ng mga gamit ko na mga naka karton at maleta sa dormitory nang muli kong naalala ang panahon na tumira ako sa kwartong ito. Pumasok sa ala-ala ko kung gaano kami naging masaya ni Mandy dito. Nang maalala ko ang kataksilan nila ay nanariwa na naman ang sakit ng loob ko. Ang sakit ng puso ko na naglagay ng harang para hindi na masaktan muli ito. Bago umalis ay nag-iwan ako ng maliit na sulat doon para kay Mandy. Ito na ang huling magagawa ko para magkaroon ng clousure sa pagitan namin dalawa. Paglabas ko ng kwarto ay nag-init at namula ang aking mga mata ng makita ang isang lalaki na papasalubong sa akin. Hanggang ngayon ay sumasakit pa din ang puso ko kapag nakikita ito. Matalim at malamig kong tinignan si Gabby na papunta sa kinatatayuan ko. Ngunit hindi ako nagpa-apekto at dire-diretso akong lumakad. Itinuring ko na lang itong isang multa na parang hindi ko nakikita. Kailangan kong maging matigas at manhid para hindi maipakita sa kanya kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya. Never! Ipinaramdam ko sa kanya ang sakit na ibigay niya ng malaman ko ang panloloko niya sa akin. Wala na akong pakialam pa sa kanya. Ngunit hindi ito nagpapigil at hinarangan ako pababa sa building. "Laura!" sambit sa pangalan ko sabay hawak sa kamay ko. Nakita ko sa mata nito ang pagsusumamo pero hindi ako maaring magpadala sa kanya dahil sinayang niya lang ang aking pagtitiwala. Matalim ko itong tinignan. "I need to go!" malamig kong tugon sa kanya. "Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Mommy na kaya ka naki-kipag hiwalay ay dahil sa application mo sa eskwelahan." paangil nitong salita. "Mas importante sa'yo ang trabaho kesa sa atin dalawa?" "Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo! Tapos na tayo." matigas kong sagot. "Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo na hindi mo talaga ako minahal at ginamit mo lang ako. Laura, you never loved me!" Napabuntong hininga ako sa sinasabi niya. Gusto ko i-explain ang sarili ko, pero para 'san pa? Wala na kami at wala ng point ang pag-uusap namin. Hinawi ko ang kamay nito na nakahawak sa kamay ko pero mas hinigpitan niya iyon. Naramdaman ko na humihigpit na din iyon at namumutla na ang palad ko dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Bitawan mo ko!" pilit kong tanggal sa kamay nito. "Nasasaktan ako, Gabby!" pasigaw kong sabi. "Nahihiya ka ba na nalaman ko ang tunay mong ugali? Hindi mo ba alam na malalaman ko ito? Minamaliit mo ba ako dahil sa pag-mamahal ko sa'yo?" agresibong tanong nito. Nasaktan ako sa sinabi niya. Kung pagsalitaan niya ako ay parang hindi niya ako kilala. Sa tatlong taong pagsasama namin, wala akong ipinakitang pakit at buong pagmamahal kong inalay ang puso ko. "Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil ba totoo lahat ng sinabi ni Mommy? Laura, bakit?" Nagpupumiglas ako, hindi ko na kaya pang manahimik sa pag-aakusa nito sa akin na parang ako pa ang may kasalanan sa kanya. "Gabby, sa sobrang tagal ng relasyon natin, hindi mo pa ba ako kilala? Sa tingin mo kaya kong gawin ang mga paratang mo sa akin? Sarili mong ina ang mismong naki-usap sa akin na hiwalayan ka. Hindi niya ako kayang tanggapin bilang manugang niya dahil wala akong pamilya. Pinapili niya ako, itutuloy ko ang pakikipag relasyon sayo ngunit tatatanggalin niya ko sa trabaho, o makikipag-hiwalay ako sayo upang maanatili ako sa aking pagtuturo." malinaw at mahinahon kong pagliwanag sa kanya. Hindi ko papalanpasin na maliin niya ako. Binalewala niya lahat ng sakripisyo ko para sa kanya. Mabuti at nakilala ko na siya. Tama lang na magkahiwalay nga kaming dalawa. "Nag-aral ako ng mabuti at nag-sipag upang makatapos sa pag-aaral. Nag-aral ako ng mabuti upang makamtam ang aking pangarap at trabaho. Kahit alam ko na hindi ako gusto ng nanay mo, pinilit ko pa din na ipaglaban ka. Ngunit tuso ang iyong ina, ginamit niya ang pangarap at trabaho ko upang makipag hiwalay sayo." dagdag kong sabi. "Gabby, alam mo, naisip ko pang pakasalan ka. Kahit na tanggalin pa ko sa trabaho ng iyong ina, ay maari naman ako mag-hanap ng iba pang trabaho. Gayunpaman, hindi mo nakita ang sakripisyo ko para sa ating dalawa. Binigyan mo ako ng isang malakas na sampal sa mukha ng sandaling makita ko kaya ni Mandy na magkasiping sa kama." Tinignan ko ito ng masama at muling hinawi ang kamay niya. Sa pagkakataong ito ay binitawan niya na ako kaya naman nakakuha ako ng tiyempo na umalis. Narinig ko ang pag-sagot nito habang papalayo sa kanya. "Hindi ko alam na ganyan pala ang nangyari." pag-aalinlangan sagot nito habang sinusundan ako. Sa huling pagkakataon ay hinarap ko ito. "Sinira mo ang pagtitiwala ko sa iyo! Pati pag-mamahal ko sinasayang mo. Binaliwala mo ang ilang taon na pag-mamahal natin. Dahil sa iyo, tiniis ko ang kahihiyang hindi ko naman dapat nararanasan. Lahat ng masasakit na salita mula sa nanay mo ay tinanggap at sinikmura ko. Alam mo ba kung gaano kasakit na sabihan akong ulila at hindi karapat-dapat sa'yo? I had enough!" GABBY’S Point of View Para akong sinampal ni Laura sa mga sinabi niya. Natauhan ako at nagsisisi kung bakit wala man lang akong nagawa sa mga panahon na inaapi siya ni Mommy. Kung alam ko lang, eh di sana naipagtanggol ko siya. Napaniwala ako ng aking ina na si Laura ay masama at manggagamit. Sana naniwala ako kay Laura. Alam ko na nasayang ko ang pagmamahal at tiwala na ibinigay niya, pero gusto kong itama. Kahit pa tinalikuran niya ako ay pilit ko pa din hinabol ito. Gusto ko marinig niya ang saloobin ko. Gusto ko malaman niya na kaya ko siyang ipaglaban sa magulang ko. Wala akong pakialam kahit itakwil nila ako bilang anak, ang mahalaga ngayon ay magka-ayos kami ni Laura. “Sorry, Laura! Humihingi ako ng tawad sayo. Alam ko, nagkamaliu ako, pero pinag-sisisihan ko na ang lahat. Hindi ko alam ang mga ginawa ni mommy. Sorry sa lahat ng nasabi at nagawang masama sa'yo ni Mommy." Kinuha ko ang kamay nito at nangungusap. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat nung una pa lang? Eh di sana nagawan ko na agad ng paraan!" "Sabihin mo sa akin kung may mag babago pa ba kung sinabi ko sayo? At ano ang mangyayari? Mag-aaway kayo ng mommy mo dahil sa akin? Kaya mo bang iwan ang nanay mo para sa akin? Kung sinabi ko ba lahat ng nararamdaman ko 'di ka matutulog sa tabi ni Mandy?" "Mis-understanding lang ang nangyari sa amin ni Mandy! 'Di ko alam ang buong nanagyari kung paano nagsimula." sabi ko na may pag-kabalisa sa mukha. "Laura, sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin para mapatawad mo ko! Para maging maayos ulit tayo! Lahat gagawin ko bumalik ka lang sa akin, please!" pagmamakaawa ko. Napatingin ako sa likuran ko ng marinig ko na may tumatakbo. Nakita ko si Mandy na papalapit sa amin. Nanlisik ang mata ko kung bakit bigla na lang itong sumusulpot kapag gusto kong kausapin si Laura. Inalis ko ang tingin ko kay Mandy at muling bumaling kay Laura. "Laura ----." Hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko ay nagsalita si Mandy. "Laura, kasalanan ko ang lahat! Huwag mo sisihin si Gabby. 'Wag mo siyang pahirapan! Maniwala ka." sabi ni Mandy. "Mandy, tigilan mo na kami at huwag mo na kaming guluhin ni Laura. Huwag mo na palalain ang sitwasyon! Huwag mo na kami pakialaman ni Laura!" malamig kong tugon dito. Nakita ko pa ang pagluhod ni Mandy kay Laura. Nagtataka ako kung ano ba ang ginagawa niya? Imbes na makatulong ay pinapalala niya lang ang sitwasyon. "Ako ang may kasalanan! May gusto ako sa kanyan kaya ko siya inakit. Nagsisisisi ako sa nagawa ko, ngunit..." pagmamakaawang sabi ni Mandy. May mga luha sa mga mata nito. "Mandy!" tawag ni Laura sa pangalan nito. Nakita ko ang walang emosiyon nitong mukha. "'Di ba kinausap mo ako kamakailan lang? Ang sabi mo ikaw ang mahal ni Gabby! Ang sabi mo pa nga katawan ko lang ang gusto ni Gabby, 'di ba?" sarkastikong sagot ni Laura. Nawindang ako sa sinabi ni Laura at napatingin kay Mandy. Nanlilisik ang aking mga mata at hindi ko mapigilan ang poot na aking nadarama. Hinawakan ko ang braso nito. Hindi ko na din nakontrol ang emosiyon ko. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Mandy. "Anong pinag-sasasabi mo kay Laura?" galit na tanong ko. "Hindi ko sinabi iyon!" sagot ni Mandy sa akin. "Alam kong galit ka sa akin kaya kung ano-ano ang mga sinasabi mo!" baling na sabi nito kay Laura. "Huwag ka gumawa ng mga kwento, Laura!" "Kahit na aminin mo man o hindi, sasabihin ko sa iyo na si Gabby ay hindi ganyang lalaki! Marahil ay kakampihan ka niya, ngunit hindi niya mamahalin ang isang babae dahil sa kanyang katawan. Para sa akin, maaring isa siyang masamang tao, ngunit nirerespeto niya ang katawan ng babae. Huwag mo na akong dramahan, wala akong time para sa ganyan. Kung gusto mo lumuhod, eh di lumuhod ka diyan habang buhay." malalim na sagot ni Laura sabay bungo sa aking balikat. Umalis ito dala ang kanyang mga gamit. Susundan ko sana si Laura ngunit pinigilan ako ni Mandy. "Gabby, hindi ko talaga sinabi iyon, maniwala ka!" pagmaang-maangan sabi nito. Hinawi ko ang kamay niya. Napalakas iyon kaya naman napa-upo siya sa sahig. "I will never love you! Never! I love Laura. Hindi mo alam ang pag-sisikap ko para lang makuha ang kanyang puso, siya lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko." Pagkatapos kong magsalita ay iniwan ko si Mandy doon. Umiiyak ito. Wala na akong pakialam, ang importante ay mahabol ko si Laura at maayos ang relasiyon namin dalawa. MANDY’S Point of View Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo. Pinunasan ko ang aking luha at matalim na tumingin sa papaalis na si Gabby. Napangisi ako. Hindi ko hahayaan mabalewala lahat ng plano ko. "Kahit anong gawin mong pag-tataboy sa akin, hindi kita papakawalan!" mahinang sambit ko sa aking sarili. "Laura namumuhi ang puso ko sa'yo! Hindi ko hahayaan na magkabalikan pa kayo ni Gabby, dahil sa akin lang siya." Ibinigay ko na ang buong sarili ko kay Gabby, kaya lahat ay gagawin ko maangkin ko lamang ang puso niya. Nang mawala na sa paningin ko si Gabby ay dumiretso na lang ako sa kwarto. Lahat ng gamit doon ay pinagbabalibag ko para may mapagbuntungan ng galit ko. May naisip na akong paraan kung paano makakaganti kay Laura. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko ang maaring makatulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD