LAURA’S Point of View Galit at padamog na may nagbukas ng pintuan. Napatingin kaming lahat ng makita si Rhea na papasok at dire-diretso nagpunta sa lamesa ko. Tama nga ang kutob ko na hindi titigil ito. Hinawi nito lahat ng mga nakalagay sa aking lamesa. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinignan ko ito ng matalim. Tumayo na rin ako dahil sa ginawa niya. Ginagalit talaga niya ako. "Hindi ka pa din ba titigil, ha?" tanong ko.Galit na rin ako dahil sa kahihiyan na ginagawa sa akin ni Rhea. "Tumigil ka na!" banta ni May. "Bakit ako? May, hindi porket na promote ka eh kakayan-kayanin mo na ko. Wala kang karapatan na pagsabihan ako, dahil ako mismo ang titigil pag gusto ko ng tumigil." Tinitignan ko ang ang mga susunod niyang gagawin. Napaka impossible talaga ng babaeng ito. Kin