Cacia’s POV Kanina pa ako palakad-lakad dito sa labas ng kuwarto ni Zelan. Maaga akong nagising kasi naalala ko na birthday ngayon ng kambal kong kapatid. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Gusto kong magpaalam sa kaniya na uuwi muna ako ngayong araw para maka-bonding ang mga kambal. Birthday kasi nila ngayon kaya isu-surprise ko sana sila. Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya? Late ba siya umuwi, puyat ba kaya hindi ko alam kung dapat ko ba siyang gisingin o mamaya na magpaalam. Kaya lang, sayang ang oras, e. Mahaba-habang oras din ang kailangan ko para sa ipe-prepare na birthday party, kung mamaya pa ako magpapaalam, magagahol ang lahat sa pag-aayos. Bumukas ang pinto ng kuwarto niya kaya nagulat pa tuloy ako. “Ay, puké!” sabi ko tuloy, “sorry.” Napatakip tuloy ako ng kama