Cacia’s POV Umalis si Zelan kaya malaya akong makakagalaw sa mansiyon. Pero bago ako lumabas sa kuwarto ko, tinapos ko na muna ang dalawa o tatlong chapter na sinusulat ko. Para naman makabawi ako sa ilang araw na hindi ako nakapagsulat dahil kinasal kami ni Zelan. Nag-isip ako nang magagawa kasi gusto ko ay nalilibang ako. Busy kasi sina Manang Selya, Manang Lowie at Ate Pila sa paglilinis ng buong manisyon. General cleaning ngayon kaya bawal silang istorbohin. Nakarating ako dito sa swimming pool area kasi narinig ko na parang may naglalangoy doon. Nagulat ako kasi nadatnan ko doon si Kuya Badong. Topless siya habang naglalangoy. Guwapo rin talaga siya kahit saan tignan. “Oh, ikaw pala, Ma’am Cacia,” bati niya sa akin nang nakangiti. “B-bakit hindi ka ata kasama ng boss mo na umalis