Cacia’s POV Nasa living area kami ni Mama Zobel habang nakatingin sa king size bed na inaakyat ngayon ng mga tao papunta sa kuwarto ni Zelan. Kakauwi lang namin galing sa ospital. Okay na ako ngayon, pero ayaw pa akong pagalawin ni Mama Zobel. Baka daw kasi mabinat ako. Nakakatuwa siya kasi ramdam na ramdam ko ang pagiging ina niya sa amin ni Zelan. Lalo na sa akin. Ramdam kong gustong-gusto niya ako. Napagalitan na naman nga si Zelan kasi nalaman niyang tatlo lang ang kasambahay namin dito. Pinapahirapan daw niya ang mga kasambahay niya sa gawain dito kaya siya na rin ang nagpasyang magdagdag pa ng kasambahay para hindi na raw mahirapan sina Manang Selya, Manang Lowie at pati na rin si Ate Pila. “From now on, you will sleep together with Zelan in one room,” sabi niya sa akin habang umi