Sa kasulukuyang taong 22xx, nagkaroon ng malawakan na anunsiyo sa telebisyon at mga social media tungkol pagbabawal na lumabas sa kani-kanilang bahay ang mga tao nang walang sapat na dahilan. Ito ay para pigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit na gawa ng EVOL virus.
Walang nakakaalam sa pinagmulan nito. Basta na lang nagkakaroon ng matataas na lagnat, paghirap sa paghinga, matinding p*******t ng buong katawan at pag-iiba ng kanilang kulay ng buhok ang mga tao tinamaan ng sakit. Nang lumaon ay natuklasan nila na may panibagong virus na humahalo sa hangin at tinawag nila ito na EVOL virus. Kakaiba ang virus na ito mula sa mga karaniwang virus. Ang sabi ng mga eksperto at doktor na namimili ng taong kinakapitan ang virus at hindi basta basta sila nakakahawa.
Samantala, ang mga taong magiging positibo sa EVOL virus ay sampilitang dinadala ng gobyerno sa isang espesyal ospital na malayo sa mga bayan para i-isolate. Ang nasabing ospital na iyon ay nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno at naroon ang mga napiling magagaling na doktor para gamutin at alamin ang lunas ng EVOL virus. Tanging mga makapangyarihan na opisyales lamang ng gobyerno ang nakakaalam ng eksaktong kinalulugaran ng ospital na iyon at kahit ang mga taga-media ay walang ideya kung nasaan ito.
Kaya kapag namatay ang isang pasyenteng dinala roon mula sa sakit ay abo na lang sila ibabalik ng gobyerno sa mga naiwan na pamilya nila. Dahil dito nagkaroon tuloy ng mga haka haka sa mga social media na wala talagang ospital at lihim lamang pinapatay ng gobyerno ang mga taong mag-po-positibo sa virus.
Bagot na ibinababa ko sa aking gilid ang hawak kong laptop mula sa pagbabasa ng mga panibagong balita sa mga social site. Wala pa rin pagbabago at mas lalo lang dumadami ang tinatamaan ng sakit sa bawat araw na lumilipas.
Napatingin ako sa kulay pink na kisame ng aking kwarto. Wala naman pinagkaiba sa akin ang pagkakaroon ng epidemya sa labas dahil pagkabata pa lamang ay bilang na ng aking daliri kung ilang beses lang ako nakalabas ng aming bahay. Ipinanganak na ako na mahina ang pangangatawan at suki na rin ako ng mga ospital. Sinasabi pa nga ng mga doktor na maswerte ako na nabubuhay pa ako ng 17 na taon mula ng maipanganak.
Ang hindi nila alam na mas malakas ang aking kagustuhan na mabuhay pa ng mas matagal at maging katulad nilang isang magaling na doktor.
Iyon ang dahilan kaya patuloy ako nagbabasa sa mga social site tungkol sa EVOL virus kahit ilang beses na ako sinasaway ng aking magulang na magpahinga na lang at huwag itindihin ang epidemya sa labas. May ginawa pa nga akong isang notebook kung saan isinulat ko kung ano ang mga sintomas nito, gaano katagal ang bawat sintomas, at anong treatment ang isinasagawa ng mga doktor sa mga pasyente.
Biglang napalingon ako kay mama na abala sa paghahanda ng aking gamot na iinumin. Dati siyang isang kilalang nurse ngunit nang simula maipanganak niya ako na mahina ay mas itinuon niya ang kanyang kaalaman sa akin. Inalagaan niya ako sa bawat araw na nakahimlay ako sa aking higaan. Alam ko na sinisisi niya ang kanyang sarili kaya sa ganitong paraan ay pinaparusahan niya ang kanyang sarili. Kahit pa sabihin ko kay mama na wala siyang kasalanan at sadyang ito ang ibinigay sa aking kapalaran ay patuloy pa rin niya sinisisi ang kanyang sarili.
"May masakit ba sa iyo, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama habang kinukuha ang aking temperatura, "Tatlong araw ka na inaapoy ng lagnat."
Iniling ko ang aking ulo para sabihin na walang akong ibang nararamdaman bukod sa aking lagnat. "Kung tawagin ko kaya ang doktor mo para papuntahin rito?" hindi napapanatag na sambit ni mama bago ako abutan ng gamot laban sa lagnat, "Ito ang pinakamatagal at pinakamataas na lagnat mo."
"Ma, ayos lang talaga ako. Marahil napagod lang ako sa pagbababad sa laptop ko," pagpapakalma ko sa kanya, "Saka baka abala ngayon si Doktora Andrea dahil sa epidemya."
"Vana, anak, hindi ako makakampante hanggang hindi sinasabi ng doktor mo na okay ka lang," pagpupumilit ni mama sa kanyang kagustuhan kaya sa huli ay hindi ko rin napigilan siya na tawagan si Doktora Andrea. Ngunit nakailang tipa na yata siya sa kanyang phone ay tila walang sumasagot sa kanya.
Inis na binaba ni mama ang kanyang phone at inis na binalingan si papa dahil may kausap na naman ito sa kanyang phone. Si papa kasi ang itinalagang mayor ng aming bayan kaya maraming tumatawag sa kanya para humingi ng tulong lalo na ngayon sa panahon ng epidemya. Halos doon na nga rin nauubos ang oras ni papa sa pagsagot ng mga tawag at pakikinig sa mga hinaing ng mga tumatawag sa kanya.
"Gil, hindi sumasagot si Doktora Andrea," pagsusumbong ni mama sa kanyang asawa, "Ano ang gagawin natin ngayon? Mas mataas na ang lagnat ni Vana baka mamaya mapano pa siya kung hindi siya matitignan."
Hindi naman malaman ni papa kung ibaba ang kanyang hawak na phone o kakausapin si mama. "Hoy Gil, naririnig mo ba ako?" inis na pagreklamo ni mama at napameywang na, "Mas importante ba iyan kaysa sa kalagayan ng anak mo?"
Napakamot naman ng batok si papa saka ibinababa ang hawak na phone. "Cecil, wala si Doktora Andrea ngayon sa bayan," pang-iinform niya kay mama, "Ang balita ay isa siya sa kinuhang doktor ng gobyerno para dalhin sa facility."
"Ano?!" histerikal na sambit ni mama sa nalaman, "Paano na ngayon si Vana?!"
"Ibinilin naman ni Doktora Andrea si Vana sa kaibigan niyang doktor," sambit ni papa bago niyakap si mama mula sa likuran para pakalmahin ito, "Cecil, tinawagan ko na siya kanina pa kaya baka papunta na rin iyon dito kaya kumalma ka lang."
Nakahinga nang maluwag si papa nang makita na medyo kumalma na si mama at gumanti na rin ng yakap sa kanya. Napangiti ako nang makita kung gaano kamahal nila ang isa't isa. Tuwing nakikita ko kasi sila na ganito ka-sweet ay hindi ko maiwasang mangarap na makahanap ng lalaking mamahalin ako katulad ni papa.
Pagkatapos ng kanilang paglalambingan ay lumapit naman sa akin si papa at binigyan ako ng halik sa aking pisngi. Kinapa kapa niya rin ang aking ulunan para alamin kung gaano kataas ang aking lagnat. Napansin ko sa kanyang mga mata na nag-aalala na rin siya sa aking lagay.
"Ang taas nga ng lagnat mo," sambit ni papa, "Sure ka na ayos ka lang at walang masakit sa iyo?"
"Ayos lang talaga ako, pa, ma," paniniguro ko sa kanila para mapanatag sila.
Agarang napatayo si papa nang marinig ang pagtunog ng door bell. "Nandiyan na siguro ang doktor na titingin sa iyo, anak," sambit niya bago umalis para pagbuksan ng pinto ang aming bisita.
Dumaan ang ilang minuto nang bumalik sina mama at papa kasama ang isang babaeng nakaputing roba katulad ni Doktora Andrea. Siya siguro ang doktor na kaibigan ni Doktora Andrea at pinagbilinan sa akin.
"Hi Vana, nice meeting you," nakangiting bati sa akin ng panibagong doktor at nakipagkamay sa akin, "Ako nga pala si Doktora Celeste Marie Mercado. Magkaibigan na kami ni Andrea since high school at naging magkaklase sa med school. Matagal na rin naikwento sa akin ni Andrea ang tungkol sa kaso mo at minsan hinihingan niya ako ng opinyon."
"Salamat po nakapunta kayo kahit mahirap ang bumayahe sa labas," nakangiting pasasalamat ko sa kanyang pagpunta sa aming bahay.
"Okay lang iyon, Vana," sagot niya, "Trabaho namin ang magligtas ng buhay hanggang sa makakaya namin."
Ibinababa niya ang kanyang dalang bag sa side table ng aking higaan. Naglabas siya ng ilang gamit tulad ng thermometer at nilagay ito sa aking kili kili. Hinawakan niya rin ang aking pulsuhan at binilang ang heart rate ko sa loob ng isang minuto. Tapos binabuka niya ang aking bibig at inilawan ang loob nito.
"Everything is normal," kunot noong sabi ni Doktora Celeste, "Bukod lamang sa body temperature," takang dagdag niya.
Pinagpatuloy pa ni Doktora Celeste ang pagtingin sa aking katawan. Kinuhanan niya ako ng sample tulad ng ihi at dugo dahil marahil may infection ako kaya ako nilalagnat. Ngunit parehong naging negatibo ang resulta ng kanyang pag-aanalisa. Kinuhanan niya rin ako ng x-ray ngunit wala rin siya nakita roon.
"This is weird," naguguluhang sambit ni Doktora Celeste at binasa muli ang ipinasa sa kanya na mga medical record ko ni Doktora Andrea.
Hanggang sa mahawakan ni Doktora Celeste ang aking buhok at bigla niya itong nabitawan na tila takot na takot.
"Oh my God!" hindi niya makapaniwalang sambit at naiiyak na nilingon ang aking mga magulang, "Bakit hindi ko agad naisip iyon?"
Naguguluhan namang tinignan nina mama si Doktora Celeste. "Bakit? Anong mayroon sa anak namin?" natatarantang sambit ni mama sa naging reaksyon niya, "Ano ang dignosis niyo sa sakit niya ngayon?! Malala na ba siya?!"
"I'm sorry to say this but... Vana is infected by EVOL virus," nakayukong hayag ni Doktora Celeste.