‘Welcome home, Pea...’ Ella tilted her head when those words reeled her mind again. Ilang minuto na ang nakakaraan mula nang makapasok siya sa mismong penthouse ni Constantine pero magpasahanggang ngayon ay tila naka-stuck pa rin lobby ang kanyang isip. Constantine used the word ‘home’, na para bang pagmamay-ari niya rin ang bahay nito. That was funny, kasi kahit sa panaginip ay hindi niya iniisip ang sarili niya na may-ari ng isang luxury house katulad ng tinitirhan ng binata. She was nothing but a squammy before AXIS took her in. Paano naman hahaging sa isip niya ang ganitong klase ng luho? The interior of his abode had more character than its lobby. Kanina pa siya nagugulat sa mga nakikita niya sa loob ng bahay ni Constantine. His place was simply the total opposite of what she wa