Chapter 3: Pissed

2236 Words
ATHENA’S POV “GUSTO mo bang sumama bukas, Ate Athena?” “H-huh?” nauutal kong sabi kay Graeson nang kausapin niya ako. Nasa hapag kami noon. Nagkukuwentuhan sila ni Isagani tungkol sa gagawing pag-akyat bukas sa bukid. Hindi na ako naging interesado sa pinag-uusapan nila kaya si Auntie na ang kinakusap ko tapos biglang singit siya no’n. “Tinatanong niya kung gusto mong sumama bukas sa bukid. Kukuha lang mga buko at i-tsek ko pwede na bang mag-kopra,” ani ni Isagani. “Ah– eh, baka umulan.” “Hindi naman yata. Hindi ko naman narinig sa balita na uulanin tayo bukas,” ani ni Grae sa akin. “‘P-pag hindi siguro umulan,” sagot ko na lang. “Sige. Mas maganda kasi umakyat kapag marami.” Bahagya akong ngumiti kay Graeson. “Ang sabihin mo, magde-date lang kayo doon ni Elwina,” singit ni Auntie. “‘Nay hiwalay na po kami ni Georgina kaya wala namang masamang makipagmabutihan sa iba.” “Pipili ka na lang, ‘yong taga rito pa. Paano kapag nalaman ng ama niya ‘yan?” Umiling-iling pa si Auntie. Napatikhim si Graeson kaya sinamantala ko na lang na sumingit para hindi na uminit ang hangin sa hapag. “Anong oras ba ang alis bukas?” tanong ko. “Mga alas otso daw kasi magluluto pa raw sila Elwina.” Sila? Sinong sila? Pati mga kaibigan ni Elwina? Hindi kaya ma-out of place ako? “O-okay.” Dahil sasama ang mga kaibigan ni Elwina, nagpasya akong hindi na lang sasama. Magkukunwari na lang siguro akong tulog bukas para iwan nila ako. Saka pupunta ako bukas sa bayan para tingnan ang bahay. Umalis kasi ang magulang ko papuntang Maynila dahil pinapunta doon ng aking mga kapatid. Pinapasama nga ako pero hindi ako pumayag dahil baka biglang tumawag ang boss ko na magbukas ng restaurant. MAAGA akong nagising kinabukasan pero hindi ako bumangon. Dapat magwawalis ako sa paligid pero mamaya ko na lang gawin kapag nakaalis na sila Isagani. Bigla akong napatalukbong nang marinig ang boses ni Graeson sa pintuan ng bahay. “Ang aga niya namang nagising,” naisatinig ko. “Ate Athena! Gising! Aalis na tayo mayamaya!” sigaw niya. Hindi ako sumagot kahit na anong tawag niya. Pero mayamaya ay nanahimik siya. Wala na akong marinig na boses niya kaya napaupo ako sa higaan ko. Buti naman. Tumayo ako at lumapit sa bintana ko. Akmang sisilip ako sa bintana nang bumukas iyon. “G-Graeson,” gulat kong sabi nang makita sa bintana. Gumamit pa pala siya ng hagdan. Nilakihan ko na lang ang awang ng bintana ko. Sliding lang kasi iyon kaya madaling buksan. Hindi naman ako nag-lock dahil mababait naman ang mga taga-rito. “Buti na lang gising ka na, Ate.” Hingal na hingal pa si Graeson nang tumalon mula counter ng bintana ko. “A-ano bang ginagawa mo dito?” Napalunok ako nang isara niya ang bintana. Hinihingal pa siya nang bahagya nang bumaling sa akin. Hinawakan niya lang basta ang kamay ko pero napabitaw din dahil sa kuryenteng dumaloy sa namin. Nang sa tingin niya ay nakabawi ako ay muli niyang hinawakan ang aking kamay at hinila niya ako papunta sa isang bintana na nakasara. Bahagya niyang binuksan iyon at sumilip. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak pa rin. Nakasilip pa rin siya sa maliit na awang ng bintana. “I didn’t know na mga bata pa ang kaibigan ni Elwina. Look.” Hinila pa niya ako palapit sa sarili niya pero natigilan siya nang mapansing nakatitig ako sa kanya. “Oh, I’m sorry, Ate.” Sabay bitaw ng kamay ko. “Kasi naman, ayokong kasama ang mga batang ‘yon. Baka mamaya makasuhan pa ako,” paliwanag niya. “Kaya matanda ang isasama mo?” Tumaas pa ang kilay ko pagkuwa’y sinimangutan siya. “Hindi naman sa ganoon. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga kakausbong pa lang. Ayokong umasa sila kaya sumama ka na, please? Ayoko silang kausap. Akala ko kasi mga kasing-edad na ni Elwina.” “Bata pa rin naman si Elwina, a. 21 pa lang siya.” “I know. Pero ang mga kasama niya, 19 at may 18 pa nga. Damn!” Napaupo pa siya sa higaan ko. “Nakita ka na ba nila?” “Oo. Lagi silang nanood kasi kapag nagba-basketball kami.” Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kaya pala.” “So, sasama ka na, Ate?” “Pag-iisipan ko pa.” “Oh, no. Ate Athena, please?” pilit niya sa akin. Napatitig ako sa guwapong mukha niya, at ganoon din siya pero bumaba din ang mata niya sa aking dibdib na ikinalunok niya mayamaya. “Bumalik ka na sa kabila, Graeson.” “Kailangan ko bang lumuhod?” biglang tanong niya na ikinailing ko. “Sasama na nga lang ako. Mag-aalmusal lang ako.” Tinalikuran ko na siya at lumabas ng aking silid. Doon naman ‘yan siguro sa bintana dadaan pabalik. Pero natigilan ako nang may mapagtanto. Wala akong suot na bra! “Sh!t!” Sabay takip ko sa aking dibdib. Ngayon lang nag-sync-in sa aking isipan kung bakit napalunok ang binata sa akin nang mapatingin sa aking dibdib. At akmang babalik ako sa silid ko nang maalalang nandoon pa si Graeson. Saglit pa akong naghintay. Baka bumalik na siya. Wala na akong marinig na kaluskos sa aking silid kaya nagpasya akong bumalik para tingnan kung umalis na ba si Graeson. Napangiwi ako nang makitang nandoon pa si Graeson at prenteng nakahiga. As if naman higaan niya. Napailing na lang ako. Nagpasya na lang akong pumunta sa kusina at magkape. May tira pa naman akong tinapay na binili ko kahapon. Hindi naman na sigurong bababa ang lalaking ‘yon? Sana lang hindi niya nakita ang dibdib kong proud na nakatayo. Pag-akyat ko sa silid ko, wala na si Graeson. Narinig ko kasi siyang nagpaalam kanina na lilipat na sa kabilang bahay. Hintayin daw nila ako kaya wala akong nagawa kung hindi sumama. TAMA nga si Graeson, mga bata pa ang sumama. Si Elwina lang ang sumama sa kanila na nasa 20’s. At halata sa mga mata ng mga dalagang kasama namin na attracted ang mga ito kay Graeson. Pero hindi nilalapitan ang mga ito ni Grae, sa likuran ko lang siya nakasunod at umaalalay sa akin kapag medyo matarik. Napapansin ko rin ang panaka-nakang paghawak niya sa aking beywang kapag inaalalayan ako. “Bakit ka pa kasi naka-duster,” dinig ko mula kay Graeson mayamaya dahil hawak ko ang dulong bahagi kapag humahakbang. Nang makarating kami sa patag na bahagi ay sumabay na siya sa akin, gano’n din ang dalawang dalaga. Bale, napapagitnaan naming mga babae ang binatang dayo. Ang isa kasi may kasamang lalaki din kaya may distansya sila mula sa amin. Talagang ginagawang date’an ng mga ito ang bukid. Magkukunwaring magkukuha ng buko pero ang totoo, gusto lang nilang makasama ang mga lalaking gusto, gaya na lang ni Elwina at Isagani. Kakaisip ko sa mga dalagang kasama namin ay nawala na ako sa sarili. Hindi ko napansin na malalim na butas ang nilubugan ng aking paa. “O-ouch!” daing ko mayamaya na ikinabaling sa akin ni Grae. Napatitig din siya sa akin imbes na tulungan akong makaalis sa butas. “Bro, tulungan mo si Ate Athena!” untag ni Isagani nang malingunan kami dahil sa daing ko. “O-oh. R-right, of course!” Natatarantang sagot ni Graeson. Lumuhod siya sa akin kapagkuwan. Napapitlag ako mayamaya nang hawakan niya ang aking paa. Napaangat din siya sa akin dahil mukhang naramdaman niya rin ang spark na naramdaman ko. Ilang beses na ‘yang spark na ‘yan, huh. “I’m sorry,” aniya. Tinanguhan ko lang siya para sabihing pwede na niyang tanggalin. Masakit na kasi hindi ko magalaw basta-basta kaya kailangang sabay kami nang galaw. Tumingin siya sa paa ko at maingat na tinanggal sa butas. Napaupo ako sa kahoy na inilagay ni Isagani sa aking likuran. “Hala, Ate Athena! Nagkasugat ka pa yata!” ani ng isang dalaga namin na may kasamang lalaki. May dugo kasing lumabas din. Ngumiwi ako nang may tanggalin si Graeson sa aking paa na bumaon na bahagi yata ng kawayan. Sunod kong ginawa ay lumunok nang maramdaman ang maiinit na hininga ni Graeson. Hinihipan niya kasi nang masuyo. “Masakit ba?” “H-hindi naman masakit ang tinanggalan mo ng kawayan. Pero masakit ang ankle.” “Oh. Nagka-sprain ka pa yata.” “O-oo. Namali din kasi ako ng hakbang kanina.” Sumimangot si Graeson sa naging sagot ko. “Bakit hindi mo sinabi?” Tumingin siya sa pinsan ko. “Malayo pa ba, bro?” “Actually, nandito na tayo. Kaso nandoon pa ang kubo namin.” Tinuro niya kay Graeson ang kubo. “Papangkuin na lang kita para hindi lumala.” “H-huh?” sagot ko lang. Pero ang totoo niyan, narinig ko naman ang sinabi niya. Ayaw ko lang kasi dahil kakaiba na ang tingin ng dalawang kasama namin sa akin. Nakakahiya kung pangkuin niya ako. Pwede ko namang lakarin– “Wala,” naiinis na sagot ni Graeson sa akin. Hinawakan niya muna ang aking paa ulit at hinilot iyon bago ako pinangko. Napakapit na lang ako sa leeg niya. Nagtama ang mata naming dalawa nang bumaling siya sa akin. Ramdam ko rin ang mabilis na paghinga niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Ako ang unang nag-iwas nang tingin at nginuso ang mga kasama namin. Nauna na kasi sila sa amin. Pakiramdam ko ang tagal naming makarating sa kubo. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit dahil naiilang na ako na magkadikit ang balat namin ni Graeson. Hindi rin sinasadyang napadikit ang labi ko sa leeg niya. Hihinto pa talaga siya tatapos titingin sa akin tapos ipapakita ang paglunok. At pagkatapos niyon, biglang seseryoso kaya naiilang na ako. “S-salamat,” nauutal kong sabi nang iupo niya ako sa sahig ng kubo. Bandang pintuan lang iyon. “No problem.” Imbes na tumulong kila Isagani, nakaabala pa ako. Ayaw naman pumayag din ni Isagani na sumama ako, kahit na si Graeson, kaya pinagkasya ko ang aking sarili na panoorin na lang sila. Kita ko nang kumapit sa braso ni Graeson si Chamae. Nilingon pa niya si Sharon na parang kinikilig. Paano paakyat sila dahil may itinuro si Graeson na isang puno ng bayabas. Nagpaalalay pa ang mga ito sa binata na ikinakataas ko ng kilay. Basta palitan lang ang dalawa na lumandi sa binata kaya maya’t maya ang iling ko. Kesa tingnan ko ang mga simpleng galawang ng mga dalaga, tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag-praktis ng lakad. Mukhang wala akong katulong mamaya pagbaba ng bundok. Saka parang okay naman na ang aking ankle. Nagagalaw-galaw ko na hindi sumasakit. Saka hindi naman malalim ang sugat ko kaya hindi ko masyadong ramdam iyon. Napangiti ako nang makahakbang ako. Wala na nga akong naramdaang sakit kaya tinuloy-tuloy ko na. At habang tumatagal ay bumabalik sa dati ang lakad ko. Mukhang maayos ang pagkakahilot kanina sa akin ni Graeson. Sa likod ng kubo ako pumunta. Nakakita ako ng bayabas doon. Marami ring hinog na pwedeng makain kaya pumitas ako. Nakailang subo na ako nang mapansin na nandoon pala si Isagani na nakatingin sa mga puno ng niyog, kasama niya si Elwina. “Hindi na ba masakit ang paa mo, Ate?” tanong niya nang makita ako. “Hindi na masakit.” Tumango ang pinsan ko at muling tumingin sa taas. “Ilang buko ang gusto mo, Ate Athena?” tanong ni Elwina sa akin. “Dalawa lang,” sagot ko. “Dalawa daw kay Ate, Mahal,” ani ni Elwina kay Isagani na kaagad namang nilingon ng pinsan at tinanguhan. May pa-Mahal na si Elwina kay Isagani. Ibig sabihin, sila na. Tumabi ako kay Isagani nang maipon na ang buko na kakainin namin. Napapameywang pa ako ng mga sandaling iyon. Nakabalik na rin sila Graeson. Lahat sila nakangiti. Mukhang nag-enjoy sa pamimitas ng bayabas. Nag-iwas ako nang tingin nang lumapit siya sa akin. “Nilakad mo kaagad?” Halata ang iritasyon sa boses niya kaya napaangat ako ng kilay. “Um. Namitas din kasi ako ng bayabas,” nakangiting sagot ko sabay turo ng mga nakuha kong apat na malalaki. “Sabi ko ipahinga mo kasi mahihirapan ka sa pagbaba niyan mamaya.” “‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Kahit tanungin mo pa si Isagani. Nakaakyat pa nga ako sa mangga.” “What?” Naningkit ang mga mata niya pagkuwa’y lumuhod sa akin. Hinawi niya bestida ko para makita nang maayos. “Namumula pa rin ang bukong-bukong mo,” aniya sa akin. “Hindi naman na nga masakit.” Pero bigla niyang diniinan ang kamay kaya napadaing ako. “Ano, hindi masakit?” may halong inis na tanong ng binata. “Malamang na sasakit kasi diniinan mo ng kamay mo! Kaloka ka!” inis na sabi ko. Napaupo ako at sinipat iyon. Sinamaan ko rin siya nang tingin at iniwan ang mga ito kapagkuwan. Naupo na lang ako sa kubo na naiinis. Hindi ko nga pinansin si Grae hanggang uwian. Kay Isagani ako nagpaalalay at kay Elwina. May inaalalayan naman siyang dalawang pabebe. Naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan kung bakit kasi kailangang pisilin ang aking paa. Bumalik tuloy ang sakit niyon at hanggang gabi ay iniinda ko dahil napuwersa na rin siguro nang pauwi na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD