ATHENA’S POV NAPABABA ako ng higaan ko nang mapagtanto ang oras sa aking telepono. Pasado alas-otso na! Ngayon lang ako nagising nang late. Tapos may pasok pa. "Sh*t! Sh*t!" Muntik pa akong bumangga sa maliit na basurahan ko nang higitin ko ang tuwalya na nakasabit. Inilang hakbang ko din ang pintuan at lumabas doon. Hindi pa man ako nakakarating sa banyo nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis kong iginiya ang sarili papunta doon para pagbuksan. Mukhang hindi naisara ni Graeson kagabi. Dumiretso na ng pintuan, e. “G-Grae,” anas ko nang mapagsino ang nasa pintuan. Hindi na ako nakahuma nang bigla siyang pumasok at yakapin ako. Paa na nga ang ginamit niya para isara ang pintuan. “Anong sabi ko sa ‘yo kagabi?” tanong niya nang isandal niya ako sa pintuan. “