Chapter 2: Dinner

1660 Words
GRAESON'S POV "ANG liit lang ng barangay na 'to, bro. Kaya imposibleng hindi ko kilala ang babaeng sinasabi mo. Natanong ko na rin si Nanay, walang Beth dito. Kaya tigilan mo na ang paghahanap sa kanya. Baka mamaya hindi taga rito ‘yon," "Damn! Hindi kaya multo siya?" Napatitig pa ako kay Isagani. "O 'di kaya engkanto? ‘Di ba, uso ‘yon dito?" "Baliw. May multo bang nahahawakan?” Sinuyod pa niya ako. “Mukhang nasarapan ka pa nga at hinahanap mo, tapos multo? Tsk. Tsk.” Umiling-iling pa ang kaibigan. “Ano 'yon, malakas siya kay Lord? At wala ring engkanto na ganoon, bro." Iniwan ako ni Isagani at nagpatuloy na lang sa pag-araro. Naiiling din siya sa akin nang lingunin ako. Nakaupo ako no’n sa pinakagilid habang nakalubog sa putikan ang aking paa. Ilang araw ko nang hinahanap siya at ngayon ko lang natanong kay Isagani kung may kakilala siyang Beth. Usually, hindi ko na hinahanap ang babaeng nakakatalik ko kahit na sabihing nasarapan ako sa kanya. Pero ang Beth na ‘yon? Ibang-iba. Hindi dahil sa naging wild siya at maging ako rin. May kakaiba lang akong naramdaman. At sa lahat ng naikama ko, siya lang ang bukod tangi kong niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo pagkatapos. O ‘di ba? At higit sa lahat, sa kanya ko lang nagawa ang mag-cuddle. As if magkarelasyon kami. Ah, isa pa pala. Hindi ko alam kung inis ba ang aking nararamdaman. Hindi ko na kasi siya nagisnan. Kaya parang umuusok ang butse ko. Iniwan niya lang naman akong mag-isa sa bahay na ‘yon! Napahilot ako ng sintido ko kapagkuwan. “Kung ako sa ‘yo, bro, umuwi ka na lang muna! Ang init dito tapos nag-iisip ka? Hindi kaya matutong ang isip mo? Baka lumala pa ‘yan mental na ang abot mo.” Natawa ako sa sigaw ng kaibigan. “Later!” Hindi pa nga ako nakasubok mag-araro uuwi kaagad ako? Pero ang sabi ko tutulong ako pero heto nagpapasaway lang ako mula pa kanina sa kanya. Bandang alas onse nang subukan kong mag-araro. Nahirapan ako sa una. Napapasunod ako sa kalabaw at natatanggal sa lupa ang talim kaya natatawa si Isagani. Ang dumi na ng sarili ko lalo na ang mukha ko kaya hindi ko na halos makilala ang sarili nang umahon. Mas marami ang practice ko kesa sa actual na araro. Kaya napilitan na lang din si Isagani na siya ang magpatuloy. Naupo na lang ako habang pinapanood ang kaibigan sa pag-araro. Hindi pa man nagtatagal ako sa kinauupuan ko nang may nakitang papalapit sa amin. “Isagani!” sigaw ng isang babae. Napasimangot ako nang mapagtanto ang kabuohan ng babaeng papalapit sa amin. Mukhang bata pa naman siya pero nakasuot siya ng bestida na parang sa Nanay na. May suot din siyang salamin na halos sumakop na sa mukha niya tapos kulay itim ang frame. “Uy, Ate Athena! Anong ginagawa mo dito?” Itinaas ng babae ang dala niyang basket. “Ah, nakisuyo sa ‘yo si Nanay?” Akmang sasagot ang babae nang mapatingin sa akin. Pero kaagad din niyang binawi at inilapag ang dalang basket na may lamang pagkain. Tinanggal din niya ang suot na lumang tsinelas at lumusong sa isang kahon ng palayan kung naroon ang kaibigan. Hindi naman siguro girlfriend ng kaibigan ang babaeng iyon dahil dinig kong tinawag niyang Ate. Napatingin ako sa dala niyang basket. Humangin kasi at papunta sa gawi ko kaya naamoy ko ang laman niyon. Nagugutom na pala ako. “Maghugas ka na ng sarili mo, bro, at kakain na tayo! May sapa doon.” May tinuro ang kaibigan kaya tumango siya dito. Iniwan ko ang dalawa na nag-uusap. Tiningnan ko pa ang babaeng nakapameywang. Parang Nanay na talaga. Tapos ang pagkakatali pa niya ng buhok, messy. Typical na Nanay. Pero mukhang matanda lang sa kaibigan ng kaunti at sa akin. “Wow!” naibulas ko nang makita ang malinis na sapa. Mabilis ang mga naging kilos ko pababa ng sapa. Kaagad akong naghubad ng damit at shorts. Tinanggal ko muna ang mga putik at sinampay ulit. Isang saplot na lang ang natitira sa akin. Ramdam ko rin ang putik kaya sa ilalim ako ng tubig naghubad para tanggalin din ang putik. Hindi pa man ako tapos sa paglaba niyon nang biglang dumating si Isagani at ang Ate Athena niya. “Tang’na, Grayson! Bakit ka naman naghubad! Wala ka sa farm niyo!” sigaw ni Isagani sa akin. Mabilis kong inilubog ang sa sarili ko at nilingon sila. Nakatalikod ang Ate niya at hindi maipinta ang mukha ng kaibigan. “I’m sorry. Wala namang tao kanina kaya dito na ako naglaba-labahan.” Alanganin ang mga ngiti ko sa kaibigan. Kaagad kong sinuot ang underwear ko. “I’m done,” ani ko. Saktong paglingon ng kasama ni Isagani ang pag-ahon ko sa tubig. Pero napaiwas siya nang tingin sa akin na hindi nakaligtas sa kaibigan. Kaya napahilot siya ng sintido niya. Damn! Hindi pa ba ito nakakita ng lalaking nakasuot ng brief? Hindi naman gano’n ako kasagwa. Saka maganda naman ang katawan ko kaya dapat hindi niya ma-miss iyon. Gustong-gusto nga ng ibang babae, e. “Paabot naman ng short at damit ko, bro,” utos ko sa kanya. Naiiling na lang ang kaibigan habang kinukuha ang sinampay ko. “Iwasan mo ang ganyan dito, Graeson. Wala ka sa Maynila,” seryosong sabi ng kaibigan sa akin bago inabot ang damit at shorts ko. “Sorry naman. Hindi na mauulit.” Tumingin ako sa kasama niyang nakatalikod. Mukhang maghuhugas din siya dahil maputik ang baba niya na umabot hanggang tuhod. Naglatag lang si Isagani sa may puno na malapit sa sapa para makakain kami. Kaming dalawa lang ang kumakain dahil kumain na daw ang pinsan niya. “Pipi na ba ang pinsan mo, bro?” “Hindi. Bakit?” mabilis niyang sagot. “Kanina lang sumisigaw ng pangalan mo, ngayon naman hindi nagsasalita,” komento ko. “Hindi ko alam kay Ate. Baka may problema lang. Saka hindi talaga sanay na may ibang tao na hindi kakilala.” “Ah, okay. Ilan na ba ang anak niya?” Natawa ang kaibigan. “Wala pang anak at asawa ‘yan. Pero hindi ko alam kung may nobyo. Hindi ko naman kasi nakaausap ‘yan si Ate. Sa bayan na kasi sila nakatira din kaya bihira kami magkita. Ngayon lang ulit.” Tumango-tango ako nang tumingin sa pinsan niya. Nangunguha siya ng tuyong kahoy na iuuwi daw niya para sa bahay nila na katabi lang din nila Isagani. “Akala ko kasi meron na.” Para kasing Nanay na ni Isagani ang ayos niya. Kaya napagkamalan ko. Sorry naman. “Hindi naman talaga mahilig ‘yan mag-ayos. Kung ano lang ang mahugot niyan sa damitan niya sinusuot niya. Wala ring pakialam sa sasabihin ng iba. Pero maganda naman siya, ‘di ba?” Tinitigan ko siya kanina habang nag-aayos ng pagkain namin. Siguro kapag tinanggal ang salamin at magpalit ng dami, baka. “I think so,” sabi ko na lang. Kaso hindi naman daw mahilig mag-ayos. Kaya hindi ko masabi pagdating naman sa ayos. Ang manang niya kasi. “Ate, bakit ka nga pala bumalik dito?” tanong ni Isagani sa pinsan. “B-bakasyon kasi,” tipid na sagot niya nang lingunin kami. “Wala kang pasok sa restaurant?” “Dalawang linggo kaming magsasara dahil sa renovation kaya nagpasya akong bumalik muna dito.” Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang boses niya. Pero kaagad ko ring pinalis sa aking isipan nang marinig ulit siyang magsalita. ATHENA’S POV PAGKALAGAY sa basket ng mga pinggang ginamit nila Isagani ay kaagad akong nagpaalam sa kanya. Tinanguhan lang ako ng kaibigan niya nang tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam na iba ang kasama ni Isagani sa palayan. Akala ko, ‘yong isang pinsan namin, hindi pala. Si Auntie dapat ang maghahatid kaso biglang inatake nang rayuma kaya inutusan na lang niya ako. Sumaktong kakatapos ko lang mag-general cleaning sa lumang bahay namin. Luma na rin pero maayos pa naman tirhan. Pag-uwi ko sa bahay ay natulog muna ako sa may duyan sa may likod. Doon lang ang presko kaya doon ko na piniling matulog. Nagising ako dahil sa maingay na tawanan sa likod nila Isagani kaya napatingin ako doon. Nagkakape at nagkukuwentuhan pala ang magkaibigan. Napatitig ako sa mukha ng kaibigan ni Isagani. Hindi ako magsisinungaling sa aking sarili, magandang lalaki siya. Ang ganda ng mga ngiti niya kahit ang mapilantik na pilikmata. Ang ganda rin ng mata niya at kissable lips. Kaso, mukhang playboy. Saka parang kaedad lang siya ng aking pinsan. Anim na taon ang agwat namin ni Isagani kaya baka ganoon din ang agwat namin ni Graeson. Ang sabi sa akin ni Auntie, mula sa mayamang pamilya daw ang bisita nila. Halata nga. At nakita ko ang sasakyan niya sa garahe nila Isagani kanina, pang-karera ang sasakyang dala niya. Napaiwas ako nang tingin nang mapako ang tingin sa akin ni Graeson. Mabilis akong bumaba sa duyan na muntik ko ng ikahulog. “Ang clumsy mo, Athena!” naisatinig ko na ako lang ang nakakarinig. “Are you hurt, Ate Athena?” tanong ni Graeson sa akin na ikinapikit ko. Bakit parang nasasagwaan ako sa pagtawag niya sa akin ng Ate Athena? Bahagyang ngumiti lang ako bilang sagot. “Ate, mag-iihaw kami ng isda dito. Dito ka na raw kumain mamayang gabi sabi ni Nanay!” ani sa akin ni Isagani nang tumingin sa akin. Tinanguhan ko lang siya at mabilis na pumasok sa pintuan ng kusina namin. Sinapo ko ang dibdib ko nang makapasok sa loob. Sana, hindi ako nakita ni Graeson. Baka mamaya iba ang isipin niya sa pagtitig ko sa kanya. Ang sagwa tingnan dahil matanda ako sa kanya. Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago lumipat sa kabilang bahay para tumulong sa pag-aayos ng hapag. Hindi pa magaling si Auntie kaya ako na ang nagsaing para sa hapunan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD