Chapter 15: Case closed

1102 Words
Ralph's POV Nandito ako ngayon kasama ang papa ni Maureen sa baba, kasalukuyan kaming nasa may sala at nag uusap. "Iho, tapatin mo nga ako. Lalaki sa lalaki, may nangyari ba sainyo ng anak ko kagabi?" "P-po?" ",May nangyari ba kako sainyo? naku ayusin mo lang na hindi yan mabubuntis anak kong yan. Lahat ng babae kong anak eh nakapag tapos ng pag aaral na walang madungis na record." "Pero Tito, bakit po parang ang kalmado nyo lang? Yung iba po dyan halos lumpuhin na po yung mga dinadala ng anak nila sa bahay pagkatapos na malaman na may nangyari pala" "Gusto mo pa bang gawin ko sa'yo yun? Para saan pa? Eh nagawa nyo na eh. Saka kilala ko ang anak ko. Alam kong hindi nya gagawin yun na hindi nya gusto. Sinubukan ko na ang anak kong yan at alam ko na ang ugali nya. Hinding hindi nya ilalagay ang sarili nya sa alanganin at responsible din sya na anak. Kaya ikaw, kung may nangyari naman pala sainyo, sana naman seryoso ka sa anak ko, dahil sa oras na saktan mo sya, ako mismo ang papatay sa'yo" "Makaka asa po kayo sakin Sir. Hinding hindi ko po papabayaan si Maureen. Di kaya po sinasaktan na sya ngayon ni Tita?" "Kilala ko din ang asawa ko. Hiding hindi nya gagawin yun. Isipin mo na lang na mayroon kang kakampi kahit paano sa ganitong pagkakataon. Ma swerte ka pa kasi kalmado ako" "Pasensya na po talaga kung hindi ko naiuwi si Maureen kagabi. Madami na po syang nainom na alak kaya things got messy na" "Huwag mong isisi ang lahat sa anak ko, alam ko na may parte sa'yo na gusto mo din ang nangyari" "Hindi naman po sa ganun tito kaya po hindi ko na sinubukan dahil baka ma disgrasya lang kami" Mabuti na lang dahil nadadaan pa sa magandang usapan ngayon ang mga lalaki eh. Nang makababa sila tita ay kita ko sa mukha ni Maureen na okay naman sya. Mabuti na lang daw at naiintindihan na ng mommy nya ang nangyari. "Ikaw naman iho, papanindigan mo itong anak ko. Kung ano man ang nangyari sainyo hindi ko na aalamin pa. At kahit naman mag deny kayo ay malalaman pa rin namin. Hindi kayo makakapag lihim sa amin dahil papunta pa lang kayo, pabalik na kami" "Opo tita. Naiintindihan ko po. Pero kung mamarapatin po ninyo, alam ko po na hindi ito ang tamang panahon at pagkakataon para mag tanong pero, pwede ko po bang ligawan si Maureen?" Nagulat si Maureen, hindi nya lang alam pero seryoso talaga ako sa kanya, di ko man maamin nang sobrang mararamdaman nya, eh torpe lang din ako kahit napaka playboy ko dati. "Alam ko po na mukha po akong hindi seryoso pero maniwala po kayo sana sa akin na mahal ko po ang anak nyo at hinding hindi po ako gagawa ng kahit na ano para masaktan sya" "Na kay Maureen na ang desisyon na yan. Kinausap nya ako at masyado akong naging sarado, hindi ko naisip na malaki na ang anak ko at kaya nya ng mag pasya para sa sarili nya. Hindi ko na kailangan pang pag sabihan sya. Ngayon, kung kami ang tatanungin mo eh aayon kami kung aayon din ang anak namin. Mas alam ni Maureen kung sino dapat ang pagkatiwalaan nya" Nang dahil sa mga sinabi ni tita ay napatingin ako kay Maureen, asked her if she's okay if I court her. "Yes, Ralph. You can court me. But it doesnt mean that we will act pda sa school ha" "Noted yan madam, ako ang bahala sayo" "Ngayon, umuwi ka na muna Ralph, siguradong hinahanap ka na din sainyo ng mommy mo. Tell her na dito ka nanggaling para makapampante sya" "Wait, you know my Mom?" "Fortunately, yes. Kilala ko ang mom mo way back college. Pina imbestigahan kita sa mga private investigators na kilala ko kaya nakilala ko ang Mom mo. Nung last week lang I sent her a message, nag meet kami and ayon sinabi ko na magkakilala kayo. What a coincidence right?" "Wow, its like red string tying us Maureen" "Whatever, sige na mag ingat ka pauwi and thank you" Sumakay na ako ng kotse. Naisip ko din na napakadaming nangyari simula pa kagabi kaya naman dapat ko muna itong itulog at ipahinga. "Hi son!' "Hi Mom! Sorry di na kita na text. I stayed sa isang hotel kagabi kasi i was so drunk and wasted. Ayoko naman po na mag drive kasi baka kung ano mangyari sa akin" "That's okay son." "Nga pala mommy, totoo ba na friends ka with Maureen's Mom?" "Oh yeah! The heck, mommy pala ng classmate mo yung best friend ko nung college? Alam mo ba solid din samahan namin back in the day? Grabe, I am so happy na ganun pa din sya ka paranoid when it comes to her daughter's whereabouts" "Bakit Mommy? May past issues ba si tita?" "Well, siguro naman naabutan mo yung paghihigpit nya kay Maureen diba? Ganun sya kahigpit sa mga anak nya. Lately din lang sya nagkaroon ng lakas ng loob na payag payagan nya si Maureen siguro naman narerealize nya na masyado na syang mahigpit" "Oo nga po eh kanina, nung inuwi ko si Maureen, hindi na sya masyado nag react ng negative, I guess kumalma na din sya knowing na anak nyo ako" "Buti na lang pala, well sige na kumain ka na don. Sabi ko kay manang magluto ng soup para mawala hangover mo. And finally you cant rest already" Umakyat na ako sa taas pagkatapos kong humigop ng maligamgam na sabaw na luto ni manang. Naalala ko ang mga nangyari kahapon at kagabi. Hindi ko inexpect na magiging ganun ka wild si Maureen. Masyado akong nadala ng ka inosentehan nya. Third Peron's POV Lumipas pa ang mga buwan at naging masigasig si Ralph sa panliligaw kay Maureen, hatid sundo at bigay nito lahat ng kailangan ng dalaga. Madalas din silang mag check kung may sintomas ba na buntis si Maureen, lalo na at hindi sila gumamit ng proteksyo0n ng araw na yun pero mabuti naman at hindi nag bunga ang gabing iyon. Maalaga si Ralph at nagulat man ang mga tao sa kanilang paaralan ay natanggap din nila ang relasyon nilang dalawa. Masaya sila kapag magkasama at hindi pa din naman nawawala ang pa minsan minsan na asaran lalo na kapag nakapaligid ang kanilang mga kaklase lalo na at ayaw ni Maureen ng pda. Masyado na syang nadala sa mga issues ng school nila noon kaya iniwasan nya na sya naman ang maging centro ng atensyon sa kanilang paaralan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD