Chapter 8: Keep the enemy close

1407 Words
Ralph's POV Bumble: "Hi, uhm sorry kung nag chat ako ulit. I mean I can right?" "yeah, pwede naman why?" "may nakalapit kasi sa'kin na guy ngayon, and uhm I don't want to be rude naman sa kanya pero gusto ko ng bumalik ng table namin ng friends ko pero kasi madami ata syang dalang kwento, again not to sound rude, hindi ako interesado sa mga kwento nya sa buhay" "haha I get it. you can say excuses to him like going to the powder room? comfort room?" "ayaw nya eh" "hmm sayang wala ako dyan. just keep yourself safe okay?" "okay I will try" Kawawa naman tong ka chat ko ngayon sa bumble hay. Nang tumingin ako sa lugar ni Maureen ay wala na sya. Naisip kong baka nag banyo sya kaya bumaba muna ako para kumuha ng isa sa mga paborito kong iniinom dito. Pahakbang pa lang ako ay nakita ko na ang pigura ni Maureen na may kausap na lalaki. Kinuha ko na ang paborito kong inumin at nag matyag muna kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanya. Maraming lalaki ngayon ang pinapairal na lang lagi ang kabastusan sa katawan nila o kaya naman eh nilalabas ang libog sa mga bar na napupuntahan nila. Kaya ito ako ngayon ay naka bantay kay Maureen. Pero kahit ata hindi ko na sya bantayan ay pinapakita na ng body language nya sa'kin na hindi sya kumportable sa pakikipag usap sa lalaki kaya lumapit na ako. "Oh babe! There you are! Akala ko you were gone na eh, yo what's up pare! Kunin ko na girlfriend ko ah? And please kapag hindi na comfortable ang girl na makipag usap sa'yo, please stop okay? Thanks bro, enjoy the night!" Agad ko ng hinila si Maureen pabalik ng table namin. Wala naman syang imik at tila ba naubusan ng energy dahil sa kulit ng kausap nya. "Kanina mo pa ba gustong makawala don?" "Hmm, oo. Ayaw nya tumigil eh, ayoko naman mag mukhang bastos na kausap" "Sya ang mas bastos Maureen, kita naman na ayaw mo na syang kausap pinipilit nya pa din ang sarili nya" "Pero thank you ah. Kung hindi ka dumating baka umiyak na ako" Hindi nya pa man sinasabi yun pero bumagsak na ang mga luha nya. Alam kong napaka tapang ni Maureen pero kailangan nya lang talaga ng taong makakaintindi sa kanya. Yun bang mahahanap ang soft spot nya, at masaya akong ako ang nakahanap nun sa kanya. Nang kumalma na sya ay binigyan ko sya ng jacket dahil halata na ang pagka lamig nya. "Hatid na ba kita? Baka din hinahanap ka na ng mga magulang mo" "Yes, please pero baka hanggang kanto na lang, para di ka na din malayuan." "Wag mo ng sabihan driver mo. May sasabihin ka sa'kin eh!" "Okay fine! Para lang matahimik ka. Pwede mo ba kong samahan na mag pagupit and pakulay na din ng buhok? I mean pwede ka tumanggi kung ayaw mo" "Hep hep! Paalam ba yun o ikaw na nagdedesisyon para sa'kin? Di pa nga ako nakakasagot may pa ganyan ka na?" "uhm sorry?" "Wow, ang isang Maureen Summers nag sorry sa akin? Dapat ko na ba tong i-post sa Saint Jude freedom wall?" "Ralph kasi! Seryoso ako. I want to change my look." "At bakit naman? Okay ka naman ngayon ah?" Di ko alam kung saang lupalop ko nahugot ang lakas ng loob para itanong yun kay Maureen. Lately kasi ay parang tutok nya lagi sa cellphone at hindi ko alam kung anong pinagkaka abalahan nya. Pero narinig ko sa mga girlfriend ng tropa ko na nag install din sya ng bumble. "Wala lang, gusto ko lang naman subukan. Pero wag na kung ayaw mo akong samahan" "Sasamahan naman kita, academically rivals lang tayo hindi naman sa totoong hamon ng buhay. Sige ba. Chat mo lang ako. Dalhin ko na din yung kotse para naman di ka na mahirapan kapag motor" "You don't really have to, you know I have a driver naman eh" "Give your driver a break once in a while lang Maureen. Kailangan din nila nyan" "Sure. I will take that advice. plus isa pa may commute day naman ako so that counts as their free day from me" "Eh pano naman kung free day nga sayo pero sa parents mo hindi? Kung kaya mo naman mag commute, do it. Or kaya kapag kaya ko naman pwede kita isabay. Kagaya na lang nito " "Pero ayoko naman na maging abala sa'yo eh" "Di ka naman abala eh" Pagkatapos kong masabi yun ay umiwas na lang ng tingin si Maureen, at di na nag salita pa. "Andito na tayo" "Salamat ulit kanina and dito, I owe you a lot na Ralph. Baka next na hingin mo sa'kin ang mag kusang pagka dethroned sa pagiging President's Lister?" "Heck, I would never. Let's fight fair and square. Sige na pasok ka na malamig na dito eh" "Oh yeah! Thank you again Ralph, have a good night!" "You too Maureen!" Inandar ko na ang makina at nag simulang kumabig ng manibela kasabay ng sunod sunod na kabog ng dibdib ko na sana ay di nya narinig dahil kung ako lang ang tatanungin ay rinig na rinig ko ang bawat kabog nito. Malala ka na Ralph. Habang nagmamaneho ako ay tumunog na ang Bumble Dating App sa phone ko, hudyat na nag reply na ang kaisa isang tao na kausap ko doon. Bumble Dating App user_girl: "Hi! nakauwi na ako galing sa bar! Thankfully naihatid na ako at naka alis sa toxic na lugar na yun. Ewan ko ba kung bakit ako sumama sa mga kaibigan ko, tapos iniwan lang din naman ako sa table namin, porket kasama nila mga jowa nila eh. How about you?" user_boy: "Hi! Uhm oo pauwi na din ako. Medyo toxic nga sa bar lalo na kapag may mga ganyan na ugali eh sila pa may lakas ng loob na mambaliktad ng nangyari eh, lalo na malakas ang loob kapag ramdam nilang wala namang resibo ang isang tao laban sa kanila" user_girl: "Well, that is surely deep. I am glad na may nageexist pa na katulad mo. That is great, if may kapatid kang babae, for sure magiging proud sya sa'yo for having that kind of mindset." user_boy: "You really think so? Sana nga proud sya sa kuya nya ngayon nasaan man sya" user_girl: "Oh I am so sorry, I am sorry for you loss ):" user_boy: "Yeah, she died because of accute leukemia. Walang cure kaya naman hindi na namin sya naligtas. Nakaka lungkot lang di ko sya nakasama ng matagal pero napalitan nasundan naman sya ng baby brother. Yung baby brother ko ngayon 3 years old na rin" user_girl: "She is definitely proud of her Kuya. Thank you for having that kind of mindset. Mas magaan sa buhay naming mga babae kapag lumalabas kami ng bahay kapag alam namin na meron pa ding lalaki ang kayang mag isip ng ganyan sa aming mga babae, thank you" user_boy: "You've been thanking me for a whole minute now. It's a no biggie. Dapat lang na ganyan ang mindset namin towards women. May mga lalaki lang talaga na hindi marunong eh kaya I am sorry for them" user_girl: "Yeah. Just like this one guy kanina, I was just minding my own business nang lumapit sakin at kinwentuhan ako ng mga bagay na ayaw na ayaw ko pa naman na marinig. Wala din syang sense of sensitivity. Salita lang sya ng salita without thinking kung tama pa ba mga sinasabi nya eh" user_boy: "So how did you got out of that situation?" user_girl: "One gentleman helped me, he pretended to be my boyfriend to lure and scare him" Wow, gaya gaya ng technique ang lalaking yun ah. Pero hindi kaya si Maureen 'to? Parang parehas sila ng kwento ah?" user_boy: "Oh really? Ganyan din kasi yung girl na tinulungan ko kanina sa bar. Same kayo nasa same exact position and situation kaya tinulungan ko na. Naisip ko kung buhay lang ang kapatid ko, di ko din gugustuhin na mangyari yan sakanya" user_girl: "as it shouldn't be, kaya mag tulong tulong na lang tayo para ma ease natin ang mga ganyan na happenings. anyways I have to sleep now! good night user_boy!" user_boy: "Good night user_girl!" Nang makapag out na si user_girl ay nagpatuloy na ako sa pagda drive at bigla naman nag text si Maureen "Ingat sa pag drive, goodnight :)"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD