Maureen's POV
That was a little bit intense, pero saan naman nakuha ni Ralph ang katapangan para pag sabihan nang ganon si Mommy and Daddy? Eh hindi na nga ako umimik kapag ganun eh. This man is really something else, minsan inaasar nya ako pero nandyan naman sya lagi para i-cover ang mga pagkakamali ko. Pumunta na kami sa usual spot namin. Malapit na mag lunch sa mga oras na yun pero mukhang wala kahit isa samin ang nagpapatinag sa gutom. Mainit na din at aaminin kong medyo dala dalawa na ang nakikita ko imbis na isa dahil sa gutom at init.
Tahimik lang kaming gumagawa at nagdidikit ng mga pang design pero biglang sabay na umungol ang mga tiyan namin, para bang sinasabi sa amin na kailangan na naming pumasok at kumain muna.
"Sa tingin mo galit na mga tiyan natin?"
"Yeah, I think we should eat na, past lunch na din naman. Magagalit na naman yun si Mommy kapag nalaman nyang di pa ako kumakain"
"Matanong ko lang, lagi bang ganun ang Mommy mo sa'yo? I mean okay lang naman na mag alala sa'yo kasi syempre babae ka tapos bunso pa. Pero parang may pagka controlling na yun eh"
"Ganun lang talaga si Mommy hayaan mo na. She is still my Mom and ang makakabuti lang para sa'kin ang intention nya"
"Yeah, right. I am sorry for asking"
"Never mind. Tara kain na lang tayo"
Nang makarating kami sa loob ay umupo na agad kami at naghain na din si Manang. Hinahanap ko naman si Ralph dahil hindi pala sya sumunod sakin.
"Manag, did you see Ralph? Akala ko nasa likod ko lang sya kanina?"
"Ay nandun po sa kusina Ma'am. Naghuhugas ng kamay"
Maya Maya pa ay may dala ng plato na may laman na mga pagkain at ulam si Ralph.
"Where did you go? At saka bakit ka may dalang plate na may mga pagkain na?"
"Ay oo nga pala. Sosyal nga pala kayo dito. Pasensya ka na ah. Nasanay kasi ako sa bahay namin na kukuha ka ng sarili mong plato. Wala kaming taga silbi don eh"
"Never mind. Upo ka na lang dito"
Akala ko naman ay doon na natatapos ang ritwal nya, pero biglang tinaas ang mga binti sa ibabaw ng upuan nya at saka nag kamay.
"Ah ay oo nga pala! Pasensya ka na ah. Nagiging balahura na ba ako? Naku di ko mapigilan eh"
"Okay lang. Kung dyan ka mas sanay go. Sino ba ako para naman kontrolin ka kung ano dapat gawin mo"
"Mismo, sino ba naman nga talaga ikaw para mag control sa'kin, diba?"
Natahimik ako sa sinabi nya. Alam kong patungkol iyon sa Mommy ko. Hindi naman talaga ganun si Mommy kung hindi lang talaga dahil sa nangyari noon. Masyadong komplikado ang lahat para pagdaanan nya ulit iyon sa akin.
"Uhm sorry."
"Okay lang. Nga pala kapag tapos na tayo kailangan natin ng picture together. Just remind me kapag patapos na tayo, I tend to forget that kasi eh"
"Sure sure"
Nang matapos na kaming kumain ay kinain ko lang ang usual dessert ko which is banana. Palagi akong may baon na banana sa school pero hindi ko kinakain sa harap ng mga kaklase ko, they think that it is weird kaya sa CR ko na lang kinakain yun kapag walang tao. Kapag kasi nakita yun ng mga kakilala ni Mommy eh mag sumbong sila at pati banana eh ma banned ni Mommy sa bahay.
"Mahilig ka ba sa banana?"
"Uhm? Why did you ask?"
"Nung isang araw kasi nakita kong meron kang dalawang piraso sa bag mo eh. Pasensya ka na. Napakialaman ko pa."
"Oh, just don't tell others about it."
"Eh bakit mo naman tinatago yan? Kakain ka lang naman ng saging eh, lahat naman ng tao kumakain nyan"
"But our classmates and schoolmates will think that it is odd"
"Odd odd, neknek kamo nila, hindi ba sila tao para hindi kumain ng saging? Ano yun? Wala namang logic don eh. Saka for sure they will not mind Maureen"
Hindi ko na lang pinansin pa ang comments ni Ralph, he will never understand din naman kahit pa ipaliwanag ko ang side ko.
Nang matapos na kaming kumain ay pinag patuloy na namin ang paggawa ng project. Nakalipas na ang tatlong oras at naging sapat na yun para matapos namin ang napaka ganda naming project.
"Okay, I think we are done? Look at our final project"
"Sige patingin nga ako"
Napa sobra ata ang urong ni Ralph sa side ko kaya halos magkadikit na ang katawan namin ngayon
"Wow, yan na yun? Grabe di ko akalain na ganyan pala kaganda ang gawa ng isang Ralph"
"You are so yabang talaga Ralph! Kasama mo naman akong gumawa nyan eh"
"lol halos mag reklamo ka na nga lang dyan eh"
"How dare you naman? Argh!"
Natawa na lang sya sa naging reaction ko. Lagi syang ganyan, halos awayin ako araw araw pero hindi naman kayang panindigan, idadaan nya na lang sa tawa. Sa lahat kasi ng kaklase namin sya lang ang nakakagawa ng ganyan. Halos lahat din ng classmate ko eh iwas na iwas din sakin. Kaya kahit na madalas nya akong asarin ay okay lang sakin, madalas din nya akong tulungan kapag may mga palpak na nangyayari sa buhay ko sa school.
"So tapos na tayo?"
"I think sa project goods na tayo pero sa pag way ng pag present, hindi pa.Kasi naman kailangan pa natin yan i-present sa buong klase"
"Oh? Diba expertise mo yan?"
"And so are you diba? Lets create na lang ng separate na sheets and then exchange tayo mamaya for approval tapos nyan go na tayo"
Nang matapos na kami ay akala ko kung ano na ang nangyari dahil nakita ko ng bagsak ang mukha nya
"Hey are you okay?"
"Ah oo, medyo di lang ako okay sa nasulat ko, pero sige ikaw na humusga dyan"
Ngayon ko lang sya nakitang maging down sa ginawa nya, most of the time contented na sya pero hindi sa ngayon.
After reading his work, I turned to his side at sinabing yun na lang ang gamitin namin pero nag pumilit syang parehas na lang ang gamitin namin. Wala naman akong nakitang mali sa suggestion nya kaya naman pinagbigyan ko na.
"Sige okay naman na lahat diba? Pasabi na lang sa parents mo ah mauna na ko. Salamat Maureen"
"Ingat ka"
I guess the night will be longer, di ko maalis sa isip ko ang mga pagbabago sa kinilos ni Ralph ngayong araw"
Ralph's POV
Nakakapagod nang sobra ang araw na to pero wala naman akong choice kung hindi mag attend pa rin ng oractice namin. Hindi na lang ginawang free ang gabi ko, grabe naman. Pagkatapos na pagkatapos ko sa paggawa ng project kila Maureen ay agad akong dumiretso sa school gym para mag warm up.
"Yo bro, di ka ata maaga ngayon?"
"Eh paano kakatapos lang ng project namin ni Maureen, akala ko nga walang training ngayon eh. Hindi man lang kayo humirit sa coach natin."
"Actually hindi naman si coach ang may kagustuhan nito, si Aldrin. Yung captain natin"
"Oh bakit naman daw?"
"Ewan ko ba dyan, siguro na pressure na ng coach kaya ganyan"
"Bad trip naman oh, wala man lang akong kain"
Imbis na kausapin ang captain namin ay nag training na lang ako, wala naman din talaga akong mawawala lalo na kung nalalapit na din ang laban.
Nang matapos ang practice ay agad akong nag shower nang may natanggap akong notification"
Text Message ni Maureen:
"Hey, I saw Aldrin's post on i********:, nag training pala kayo after mo dito?"
"Ah oo, kailangan daw eh. Bakit?"
"Diba wala ka pang kain?"
"Uhm oo, wala na kasing time kanina, pinagmamadali na kami eh"
"Uhm, stay at school na lang. Paparating na din naman yung order dyan. Kain ka ng marami, you did well today, Ralph"
Hindi na nag reply pang muli si Maureen, confused man ako pero naghintay naman ako dahil kawawa naman yung rider. Nang dumating yun ay kinain ko kaagad, nag send ako ng picture sa kanya at pinakitang kinakain ko na ang bigay nya.
Salamat, Maureen.