FLAME MORJIANA LAVISTRE
Napa lingon ako sa kapatid ko at pinsan.
"Bakit?" takang tanong ko. Dahil ang mga tingin nila sakin ay hindi ko mawari.
"Ah.. w-wala." sabay iwas ng tingin ni kuya Thunder. Kaya nag salubong ang kilay ko.
"Okay uuwi na ako." paalam ko at muling tumalikod na. Nagtataka pa rin ako sa pag iwas ng tingin ni kuya..
Kinuha ko ang susi ko at helmet saka mabilis na umalis.
THUNDER LAVISTRE
"Nakita niyo diba?" tanong agad ni Damon nang maka alis si Flame.
"Nakita mo diba pare?" tanong naman nito ulit kay Ken.
"Earl.." tawag ni Vlad kay Earl na agad din na parang nagising sa katotohanan.
"Nakita niyo ba ang pagbabago ng expression ng mukha niya? from nothing to a devilish turn?" tanong ni Earl sa'min.
Kitang kita ko iyon. Ang pag tangin nito na parang tuwang tuwa pa ito sa nakikita niya.
"Ibang tao ang na kaninang nakita natin. Hindi iyon si Flame." wika ni naman ni Demitri.
"Nakita ko nga kung paano naging malamlam ang mga mata nito." si Azi naman iyon.
"At para wala siyang alam sa nangyari sa kanya." si Storm iyon
"Tama kayo bigla siyang nag bago. Tapos bigla na namang bumalik sa dati." wika naman ni Ezekiel.
Nanahimik lang ako at nakinig sa kanila. Hindi ko rin naman alam kung anong ibig sabihin ng nakita namin.
"Hindi kaya may split personality si boss?" biglang tanong ni Ken. Na kina angat ko ng tingin.
"Huh? pero walang may ganyan sa'min," agad kong sagot. Dahil wala akong kilalang meron nun sa pamilya namin.
"Pero isa 'yun sa mga sign. Nung nahimatay siya sa party nung nakaraan. Bigla nakita din natin na nag bago ang ugali niya. Hindi tulad ng ibang may ganung disorder may bumubulong sa isip niya at parang baliw pero siya hindi tahimik lang.." mahabang paliwanag nito. Nakinig lang kami sa kanya.
"Tama po siya mga boss. Napansin ko din na hindi aware si Boss. Flame. Kailangan niyo po siyang bantayan ng maayos dahil baka mas lalong lumala ito." wika ni Mika na kina lingon ko dahil nakatalikod ako dito.
"Kailangan natin makausap si Dra. Madrid about this." agad na sabi ni Vlad.
FLAME MORJIANA LAVISTRE
Hindi ako agad naka uwi dahil tinawagan ako ni Don. Santiago. Kaya imbes na makapag pahinga na ako sa bahay kailangan ko pa siya puntahan.
"Asan si Santiago?" tanong ko sa katulong niya sa mansion niya dito.
"Nasa taas po." sagot nito. Pag ka sabi niya tinakbo ko na ito paakyat sa taas.
"Oh hija andito ka na pala." masayang sabi nito. Saktong pag akyat ko na siyang pag labas naman nito sa kanyang library.
"Para san at pinapunta mo ako dito?" deretso kong tanong. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking trouser na suot.
"Sumunod ka." utos nito. Na agad din naglakad patungo sa kanyang opisina dito. Sumunod na lang din ako tulad ng sabi niya.
"Gusto ko lang sabihin na. Huwag na huwag kang mag papadala sa emosyon mo." panimula nito at naupo ito sa isang single sofa. Ako naman sa isang mahabang sofa niya. Tiningnan ko siya ng nagtataka.
"Para san ba talaga 'to? Alam ko naman yun at pilit kong ginagawa." Irita kong sagot at pag tanong ko naman din sa kanya.
"Ang mga mararanasan mo na bigla ka na lang parang nag iibang tao. Pareho sa iyong ama 'yun. Labanan mo yan, alam mo ba kung bakit din siya umalis sa mafia?" mahabang wika nito.
"Dahil kay mama gusto niyang mamuhay ng tahimik at normal." sagot ko habang salubong ang kilay ko. Umiling naman ito at mapait na ngumiti.
"Dahil 'yun sa pagkakaroon niya ng isa pang pagkatao. Ang ama mo ay may split personality 'yun ay ang pagkatao n'yang murderer. Alam mo kung ilan napat*y ng papa mo noon bago ito tuluyang umalis?" mahabang kwento nito. Umiling naman ako sa tanong nito.
Dahil nang pumasok ako sa mafia o i take over ko ito. Wala akong oras para malaman ang past ng mga naging boss. Kahit si tanda.
"Pumat*y ang ama mo sa loob ng isang linggo ng Five thousand mafia's, gangster and yakuza." wika nito na kina tigil ng paghinga ko.
Natulala ako sa sinabi nito at tiningnan siya ng may halo halong emosyon sa mukha ko.
"Dahil lang iyan sa isa niya pang pagkatao. Matagal tinago ng tatay mo ang tungkol doon. Ang lolo mo lang ang tanging nakakaalam ng tungkol doon. Kahit ang inyong lolo ay takot sa papa mo. Ito na rin ang dahilan bakit ka ginagantihan ng lolo mo dahil nakuha mo ang parehong ugali ng iyong ama.." putol nito.
Ramdam ko ang pangangatog ng kamay ko at panlalamig nito.
Muli itong nag salita ulit. "Ang hindi lang kayo pareho ng iyong ama. Simula pa ng bata kami at nang mag high school. Loko loko ang papa mo. Ikaw para kang yelo na sobrang lamig." tuloy nito sa kanyang sinabi.
"Pero imposible na maipapasa ang ganung disorder." sabi ko. Finally naka pag salita na rin ako.
"Oo pero maaring magising." Makahulugan nitong sagot.
"So nagising dahil.." putol ko at tiningnan ko ito na agad naman kinatango niya.
"Nagising ng malagay ka sa pagkaka coma. Nang magising ka andun na 'yun nagising na rin siya." tuloy nito na kina tingin ko.
"Wala ka bang napapansin sa tuwing napapa sabak kayo sa operation, o nakakaramdam ka ng galit?" tanong nito. Na agad akong nagisip.
"N-nung oras na pinag bantaan nila kami at yung sa party ni Lucas Ricafort. May kakaiba akong nararamdaman. Then nawalan ako ng malay ng time na 'yun, pero iniisip ko non na baka nanghihina pa ako." pag ku-kwento ko. Umiling ito at ngumiti ng mapait.
"Pareho kayo ng papa mo, parehong nararamdaman noon. Akala namin may sakit siya dahil kapag umakyat ang galit niya nahihimatay siya o pagkatapos ng lahat. Then isang araw dumating na rin ang sagot sa mga nangyayari." wika nito.
Marami pa siyang sinabi tungkol sa sakit na iyon. Walang cure sa sakit kundi ang imaintain ko ang pagiging kalmado ng isip ko at ng emosyon ko.
Nag desisyon na akong umuwi dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.
-
Nang maka uwi ako naabutan ko silang nag hahapunan. Napansin ko din na nandito sila Blake at iba pang Dela Vega.
"Oh Flame ka----" hindi na ni nanay Fely na tuloy iyon ng tumakbo na ako paakyat ng hagdan.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nag hubad at nag tungo sa banyo upang mag quick bath. Matapos iyon nag bihis lang ako ng pajama na may ka terno ito.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Lutang akong nag lalakad pababa. Hindi kasi mawala yung mga sinabi ni Santiago sa akin about my Father.
Talaga bang magiging pareho kami? Yun ang tanong sa isip ko. Mahirap na nga kalaban ang tao pero mas mahihirapan pa ata akong kalabanin ang sarili ko.
"Ate!" sigaw ni Winter na kina gulat ko.
"Ano bang problema? Kanina pa kita tinatawag." tanong ni Winter. Tiningnan ko naman ito at nilagpasan bago sagutin
"Wala." tipid kong sagot at umupo na. Agad naman akong nag sandok ng pagkain ko.
"Ate sila kuya Thunder at Storm?" tanong naman nito ulit.
"Nasa UG naiwan sila don. Akala ko andito na sila." sagot ko. Napansin kong naka titig sila sa'kin.
"Bakit?" tanong ko naman. Nginitian naman ako nanay ni Blake.
"Hija kung may problema ka pwede ka mag sabi sakin okay?" mahinahon nitong sabi. Umiling ako agad.
"Kaya ko." sagot ko at kumain lang ng tahimik. Nilingon ko si ate Sky na nasa tabi ko lang.
"Mag usap tayo mamaya." sabi nito. Mahina lang pag kakasabi niya sapat na para marinig ko.
Hindi ako sumagot at nag pa tuloy lang sa pagkain ko.
LUCAS ANDREI RICAFORT
Sa ines ko sa secretary ko tinanggal ko ito sa trabaho dahil sinisiraan niya si Flame sakin.
Heto ako ngayon sa bar ng kaibigan kong si Liam.
"Ang sobrang pagmamahal nakakabulag yan pare." naka ngising sabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang sakin lang siya." matigas kong sabi. Andito kami ngayon sa VIP room ng bar na ito no girls kami pa lang dalawa.
"Hahaha bahala ka pero sinabihan kita. Tara sa baba." aya nito habang natatawa. Tumayo na lang din ako at nag lakad pag una palabas.
Habang naglalakad kaming dalawa. May nakasalubong kaming dalawang babae na maganda talaga ang mga ito.
"Hi girls. I'm Liam and you are?" tanong agad ni Liam na pa iling na lang ako. Kahit kailan babaero talaga, may girlfriend na yan.
"Huwag kami. Liam James Collins" wika ng babaeng maikli ang buhok na may highlights na pula.
"Oh come on Wendy ngayon lang naman eh. Pakilala mo naman ako dito sa babaeng may highlights na blue." pangungulit ng gagong 'to.
"Pare tama na yan!" awat ko dito at inakbayan pa ito.
"Let's go Wendy.." aya ng babaeng may highlights na dark blue sa buhok. Pareho din silang maikli ang buhok.
Mabilis naman silang umalis at nag tungo sa isang madilim na parte.
Nag ka tinginan kami at kapwa natawa na lang. Ilang oras pa lumipas habang kami nag sasaya na nag iinom biglang may malakas na parang may bumagsak na kung ano.
"Ang sabi ko! Hindi ako tumitable at hindi ako pick up girl!" sigaw ng malakas na boses ng isang babae.
"Ano yun?" tanong ni Drew. Tumayo na kaming apat at nilapitan ang gulong iyon.
"Tama na yan Sam!" rinig kong boses ng isang babae.
"Bakit? Napaka arte mo! if i know katu---" hindi na natuloy ng lalaki na bigla itong sipain ng babaeng may highlights na dark blue sa buhok sa p*********i nito.
"Sila yung kanina diba?" tanong ko kay Liam na tumango naman agad.
"Isa pang salita na lalabas sa bibig mo. Morgue huling hantungan mo." malamig nitong banta. Sabay kuha nito ng jacket at tumalikod sa'min kitang kita ko ang bungo nitong tattoo na may leeg nito. May kung anong design sa paligid ng ulo nito na may halong pula.
"Kilala ko ang markang yan." bulong Timothy. Kaya napa lingon ako dito.
"Huh? Saan mo nakita?" tanong ni Liam dito.
"Sa grupo ni F---" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng may malakas na kalabog kaming narinig.
Paglingon ko may kung anong mabilis na parating kaya napa yuko ako.
"Kaya kami tumalikod para sana tumigil na.." rinig kong wika ng Wendy. May hawak itong dagger na kumikinang pa sa talim.
"Kayo ang Angels ng Mafia Boss na si Flame Lavistre! Mga salot! Umalis kayo dit----" hindi na naman nito natuloy ang sasabihin niya. Ng bumukas ang pinto ng bar na kina hiwalay ng pintuan sa pag kaka dikit.
Ang music ay tuluyan ng nawala.
Kitang kita ko ang pag lakad ni Flame papasok sa loob ng bar ni Liam.
"Si Flame..." bulong ni Drew habang naka sunod ang tingin kay Flame.
"Tama na yan Wendy, Sam.." malamig na utos nito. Nakita ko paano ito bigyan ng isang yuko ito ay bilang pag galang.
Nakita kong palapit ito sa pwesto namin at tiningnan si Liam.
"Name your price para sa danyos ng dalawa. And ibalato niyo na sa'min yung lalaki." turo nito sa lalaking walang malay.
"Ah. . . O-okay sa office ko na lang.." kabadong sagot ni Liam. Tumayo naman ito at nag lakad, sumunod kaming tatlo.
Ganun din si Flame na prente lang ang paglalakad..
"Flame!" tawag ng babaeng may pula sa buhok.
"Kaya ko na umalis na kayo dito. Hindi ko kayo masasabay naka motor lang ako." sagot nito ng hindi man lang lumingon.
"Totoo ngang napaka lamig niya maki tungo." bulong ni Timothy.
Na unang pumasok si Liam sunod si Flame at kami naman.
"Here." agad na nag salita si Flame at inabot kay Liam ang itim nitong card.
"Okay.." napa kamot na lang si Liam at agad kinuha at inasikaso si Flame. Habang ang babaeng ito naman ay naka tayo lang at parang tuod na tahimik na walang galaw.
"Ahmm.. Flame alam kong kilala mo na ako pero sana mapag bigyan mo ako." panimula ko. Nilingon naman ako nito at tiningnan ng masama.
"Stop it Mr. Ricafort! Ayoko ng kahit anong isyu sa mga lalaki mas lalo sa mga katulad mong saksakan ng kulit." malamig nitong sagot. Na kina singhap ko ng hangin at ng kaibigan ko.
"But we can try?" ulit ko pa. Agad nitong kinuha sa kamay ni Liam ang card niya at umalis ng tahimik.
Ni isang salita walang lumabas dito. Padamog din nito sinara ang pinto.
"Mukhang basted ka pare." bulong ni Timothy habang natatawa..
THIRD PERSON POV
SA KABILANG BANDA. pang gi-gigil ang nararamdaman ng isang taong may galit kay Flame. Lahat gagawin niya maka ganti lang sa babaeng sumira ng plano niya at hangad niya.
Kahit pa makipag kasundo siya sa kay satanas gagawin niya maka ganti lang sa dalagang si Flame.
FLAME MORJIANA LAVISTRE
Naunang umalis sila Wendy at kuya Storm patungong UG hindi talaga ako pag papahingahin ngayon.
Alas onse na may tumawag sa'min na may nangyayaring gulo sa bar at kagagawan ng dalawang babae. Meron din bagong banta sa mafia na kapapasok lang ang nakaka gulat doon ang Black Organization pa.
Harap harapang trayduran ang gusto nito. Pero mas okay na yun para maaga pa lang alam ko na walang dapat pag katiwalaan.
Nang makarating ako ng UG agad akong pumasok sa loob.
"Bakit ito ginawa ng B.O? Akala ko ba loyal sila sa'yo Flame?" bungad na hysterical na tanong ni kuya Thunder.
"Wala akong idea. Then kung totoo yan edi ibigay natin ang hangad nila." bored kong sagot. Ano pa nga bang bago sakin, kapag may ganito?
"Pero Flame!?" sigaw ni kuya Vlad. Nilingon ko naman ito agad, nagulat ako ng pag sigaw nito.
"Uy.." kalabit sa kanya ni Damon.
"Ano gusto niyo gawin ko? Unahan ko sila? Ni hindi ko nga alam anong gagawin at anong gusto nila! Kung alam niyo kayo gumawa!" ines na sigaw ko at tumalikod na lang paalis ng underground.
Kung alam ko lang sana may ikikilos na ako. Pakiramdam ko na ngangapa pa ako sa underground. Oo masyadong oa ang 3 months at hindi pa ako makapag adjust, idagdag mo pa yung nalaman ko sa papa namin.
Nakaka p*ste lang sa isip literal!
-
F*ck what people think..