Pagod maghapon si Shasha sa dami ng costumer at deliver dahil nga malapit na ang pista ng mga patay. Nagpaalam siya sa kanilang amo at lumakad na siya. Tumingala siya dahil madilim ang kalangitan wala pa naman siyang dalang payong. Naglakad siya sa pedestrian lane para tumawid marami din ang kagaya niyang nagmamadali dahil papadilim narin. Kasalukuyan siyang naglalakad sa eskinitang daan papasok sa inuupahan niya. Bigla siyang natigilan ng parang may nakita siyang anino sa kanyang likuran na sumusunod. Napatigil siya wala siyang kaba ngunit bakit parang sumikdo ang kanyang dibdib...sumakit iyun at kumirot napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit. Napaluhod siya at pumikit. Biglang may lumagpas sa kanyang anino napaangat siya ng mukha at ng lingunin niya ito ay biglang nawala. Nawala ng bahagya ang kirot sa kanyang dibdib dali dali siyang tumayo at tumakbo patungo sa kanyang tinitirhan. Hangos na hangos si Shasha hindi niya maaintinfihan kung bakit siya nagkakaganun magmula ng makarating siya sa building na yun.. Nanghihina siyang napaupo sa upuang naroon. Pumikit pikit siya at sumandal talagang napagod siya plus ang nangyari sa kanya kanina. Nagmulat si Shasha nagulat siya nasa harapan siya ng isang malapalasyong nakakubli sa kagubatan. Nakadama siya ng takot at nanginig. Shasha....tawag sa kanya ng isang tinig. Lumingon lingon siya ngunit wala siyang makitang tao sa paligid. Shasha....muli may tumawag sa kanya. Nakakita siya ng pulang bulaklak umilaw iyun at napapikit siya. Pagmulat niya nakabukas na ang gate ng palasyong iyun tila nawala siya sa kanyang sarili at naglakad siya papasok. Nakita niyang napakaraming taong nakaitim doon nakatingin sila sa kanya at sabay sabay siyang inamoy. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil.sa takot. Sa kahabaan ng red carpet na nilalakaran niya ay natanaw niyang may nakatalikod na isang lalaki nakaupo sa animong upuan ng isang hari. Tumgil siya at lakas loob na nagsalita. "S-sino ka?" Utal niyang tanong. "At nasaan ako." Patuloy ng dalaga. Biglang umihip ang malakas na hangin at may aninong dumating itim na usok apat sila. Nakamaang siyang napatingin sa mga ito ngunit hindi niya makita ang mga mukha ng mga ito basta ang alam niya naglaban ang aninong dumating at ang lalaking nakaupo sa trono. Bigla siyang inilipad ng tatlong lalaking galing sa usok. Sa gulat at takot niya nawalan siya ng malay. Nagmulat ng mata si Natasha at naalala ang nangyari lumaki ang kanyang mata at mabilis bumangon. Inilibot niya ang kanyang paningin tumambad sa kanya na nasa bahay lang siya nakahiga sa sofa. Nakahinga siya ng maluwag. Thank you God...pipi niyang wika. Tumayo siya at nagpunta sa banyo naghilamos siya at nagmumog tiningnan niya ang kanyang orasan sa bisig mag-uumaga na pala! aniya. Ang aga niyang nagising ngayon ngunit bakit parang totoo lahat ang kanyang panaginip? Bumalik siya sa maliit na sala niya at umupo nahulog siya sa pag-iisip. Nang bumaba ang kanyang mga mata sa kanyangmga paa napalundag siya sa kanyang nakita...bakit puro putik ang kanyang mga paa?! "Oh God anong nangyari? saan ako nagpunta at puro putik ang aking mga paa?" Naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili. Dali dali siyang bumalik sa banyo at naligo. Hindi niya nakita ang apat na usok na lumabas sa kung saan. Biglang lumitaw ang mga ito sa loob ng bahay ng dalaga. "Hindi ba siya nasaktan?" Tanong ng isa sa kanyang mga kasama. Umiling ang dalawa. Nang papalabas na ang dalaga sa banyo ay biglang naglaho ang mga ito. Siya namang pagsikdo ng kanyang dibdib at kumirot ulit iyun hawak hawak niya ulit ang kanyang dibdib at kumapit sa pintuan ng banyo. Halos maluha siya sa sakit hindi niya alam kung bakit madalas ng sumasakit ang kanyang dibdib. Nang mawala ito ay halos pagapang siyang nagtungo sa maliit niyang kwarto. Nasaksihan ng apat na aninong naroon ang nangyari sa dalaga. "Bakit kaya siya nakarating doon?: tanong isa. Nagkatinginan sila. "Hindi kaya siya ang hinahanap ng lahat dahil sa kakaiba niyang amoy alam ng demonyong yun kung anong amoy ng nagtataglay sa makapangyarihang antidote na yun" turan din ng isa pa. Sumenyas ang tila pinakapinuno nilang tumigil sila. Nanahimik ang tatlo. "Bantayan parin siya at tawagan niyo ako kung may napansin kayong kakaiba malalaman natin yan oras na kusa siyang masugatan" bilin nito tumango ang nagsalita at naglaho na ito. Nagkulay pula naman ang mga mata ng tatlo para kahit nasa loob ng bahay ang dalaga ay nakikita parin nila kahit saan siya makubli pader man o bundok.