CHAPTER 1

1629 Words
Napatigil si Alana sa kanyang paglalakad nang mapadaan siya sa auditorium ng university. Papalabas sana siya ng Campus para hintayin ang ama niyang susundo sa kanya at madadaanan niya ang auditorium. Halos mabingi siya sa hiyawan ng mga naroroon, partikular na maingay ang boses ng mga kababaihan na halos mamaos na sa kasisigaw. Hindi niya alam kung ano ba ang mayroon sa loob. Out of curiosity, she walked slowly towards the auditorium's gate. Napalabi siya nang makita niya na nagba-basketball lang pala ang taga engineering na kalaban ang taga business ad. Nang makita niya ang kaibigan niyang si Kevin na nasa team ng business ad ay napangiti siya. Kapitbahay niya si Kevin, mas matanda ito sa kanya ng ilang taon pero naging magkaibigan sila nito noong elementarya pa lamang sila. Nagsimula iyon noong minsan siyang isinasabay nito papuntang eskwelahan kapag hinahatid ito noon ng ama nito. Mabait ang lalaki kung kaya't nakagaanan niya ito ng loob. Humakbang pa siya palapit sa loob ng auditorium at nagkataon naman na napalingon sa kinaroroonan niya ang kaibigan niyang si Kevin. Kumaway ito sa kanya at hindi niya inakala ang pagsigaw nito. "This shot is for my baby girl! Hi, Alana!" Iyon na ang tawag sa kanya ni Kevin dahil ang tingin nito sa kanya ay nakakabatang kapatid nito. Pinagtinginan siya ng ilang nanonood dahil sa pagsigaw na iyon ni Kevin. Hindi naman siya nahiya dahil alam niya na maraming nakakaalam ng pagkakaibigan nilang 'yon ni Kevin. Halos lahat ng vacant time nila ni Kevin ay magkakasama naman kasi sila. Hiyawan ang lahat ng tinira ni Kevin ang bola sa loob ng ring pero sumablay iyon. Natawa na lamang siya sa pagpakitang gilas na iyon ng kaibigan niya. Pero mas lumakas pa ang hiyawan nang maagaw ng taga engineering ang bola. Napatingin siya sa lalaking ngayon ay may hawak na bola. Matangkad, fair complexion, and handsome like hell. His sultry bicep was made him look striking inside the court. She nearly passed out as he looked at her, gave her a wicked grin, and winked shamelessly. "All right, this one is also for the angel of the university. Sana sa pag-shoot ng bola na 'to sa ring ay maso-shoot din ako sa puso mo, angel Alana!" Sumaludo pa ito sa kanya. Mas nakakabingi ang hiyawan ng lahat sa pagkakataong ito. May nagsisigaw ng, "Go, Joachim, go!" at mayroon din ng, "I-shoot mo na sa puso ni Alana, Joachim!" Para siyang matutunaw sa sobrang hiya. Sising-sisi siya kung bakit pa siya pumasok dito. Gusto niyang tumakbo palabas sa auditorium pero parang ipinako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. How dare him to humiliate her like this! Hindi sila close na dalawa, ni hindi sila nag-uusap maliban sa bigla na lamang itong sumilip sa bintana ng classroom nila para lang kumindat sa kanya. Magkaibigan ang pamilya nila lalo na ang Tito Joaquin niya at ang Daddy niya... at palagi silang imbitado sa lahat ng okasyon ng mga ito at ganoon din ang mga ito sa kanila pero talagang hindi niya nakikita ang sarili na maging close kay Joachim. Dahil sobrang magkaiba sila ng lalaki. She wants a peaceful life, while he wants trouble. She's a one-man woman while he changes his girlfriend every other day—like how he changes his boxers. Hindi niya naman sana problema ang pagkababaero ni Joachim pero ewan ba niya kung bakit niya parang pinproblema naman ang bagay na 'yon. Ilang doble ang ingay nang i-shoot ni Joachim ang bola sa ring, bumilis ang pintig ng puso niya habang hinihintay ang bola na makarating sa ring. At walang mintis, shoot ang bola! Supposed to be ay hindi siya interesado roon pero ewan ba niya kung bakit pa siya tumigil doon. Basta na lamang siyang natauhan nang marinig ang hiyawan ng teammates ni Joachim dahil panalo na ang team ng mga ito. Pinagkaguluhan na rin ng lahat ang binata dahil ito ang mas maraming puntos at nagpanalo sa team nila. Nang lumapit si Kevin sa kanya ay saka lamang tila bumalik sa huwisyo ang t***k ng puso niya. Napatingin siya kay Kevin na nagpupunas ng pawis nito. "Dumating ka lang, tapos biglang naging sharp shooter si Joachim Contreras." Nakangiti ito. Pabiro naman siyang napaismid, "Sabihin mo ay talo talaga team mo dahil sa 'yo. Pinahiya mo pa ako sa pa-shout out mo sa gitna ng court." Natatawa niyang pang-aasar kay Kevin. "Tsamba lang 'yon!" "Wala naman akong pake! Sige na, mauuna na ako sa 'yo." "Sumabay ka na lang kaya sa 'kin?" "Huwag na, ayan o hinahanap ka na ng teammates mo!" Itinuro niya ang ilang teammates nitong nakatingin sa kanila. "I can leave them for you, baby." "Dadaan pa ako sa bookstore ngayon." "Puwede naman kitang samahan," pagpupumilit pa nito. Naging seryoso na rin ang mukha nito. "Huwag na, susunduin ako ni Daddy." Tumingin siya sa suot niyang relo. "He may be waiting for me outside right now, Kevs." "Okay, pero bukas ay dadaanan na kita sa inyo, puwede ba?" "Bye! 8:00 AM ang pasok ko bukas, if that suits your schedule, then fine!" Nagmamadali na siyang lumakad palayo. "Kahit pa 6:00 AM ang pasok mo ay kaya pa rin kitang ihatid!" pahabol ni Kevin. "Yabang!" nangingiting sagot niya bago siya nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Malakas na tawa ni Kevin ang sumusunod sa kanya, at natatawa na rin siya sa kaibigan niya. Nakayuko siya habang naglalakd, at nang marating niya ang exit gate ng university ay napasinghap siya nang may mabangga siyang malaking bulto. "God! I'm so sorry. I'm just in a hurry, and hindi ko sinasadya—" she stumbled and paused for a while when she realized something... famliar ang panlalaking amoy na nasasamyo niya. "Kung kagaya mong maganda ang bumangga sa 'kin kahit banggain mo pa ako ten times a day ay okay lang. Promise hindi ako ma-o-overdose." When she heard his husky and very masculine voice, she clutched her chest in nervousness. Hindi niya alam kung bakit nakakagulat sa kanya palagi ang presensya nitong si Joachim. Well, hindi ganito ang epekto ng mga pinsan nito sa kanya. Iyong parang sasabog ang buhay niya kapag malapit sa kanya si Joachim, in fact mga kaibigan niya ang mga pinsan nito. Lalo na si Daniel, feeling niya ay si Daniel ang kapatid na hindi siya nagkaroon. "Get out of my way," mahinahon na sabi niya. As much as possible ay ayaw niyang magtaas ng boses niya kahit na kinaiinisan niya ng labis si Joachim. She didn't get why he was posting himself at the gate. "An angel to everyone's eye turned out to be the devil to me. Such quick changes." Humakbang ito palapit sa kanya. "And by the way, your presence inspired my play earlier. So, dahil naipanalo ko ang team namin dahil sa nakita kita ay deserve mong ihatid kita." Namilog ang mga mata niya sa napakakampanteng pagsabi nito n'yon. Hindi niya malaman kung saan ba ito kumuha ng lakas ng loob nito para sabihin iyon sa kanya nang harapan. He was so full of confidence. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. At hindi ako magpapahatid sa 'yo. And mind you, bakit mo naman ako ihahatid, eh hindi naman ako nagpapahatid sa 'yo?" Joachim got closer to her, and her breathing became heavy. "Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Nagseselos ka ba sa mga girlfriends ko?" "My god! I didn't even care about your existence, tapos magseselos 'kamo ako sa 'yo?" napakakalmado niyang tao pero ewan niya kung bakit pagdating kay Joachim ay kahit katiting na pagkakalma ay hindi niya magagawa. "Pero may pakialam ka ba kung bubuhatin kita papunta sa sasakyan ko? My car is just a few steps from here, Angel." "The nerve of you! May pakialam ako siyempre!" biglang nasabi niya sa gulat sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Kung saan ito kumukuha ng kakapalan ng mukha ay hindi niya talaga alam. "There! I just got the answer I wanted to hear. So, shall we go?" Napaatras siya sabay iling. "O-Of course no! Susunduin ako ni Daddy at iniinip mo siya sa paghihintay dahil sa abalang ginagawa mo sa 'kin ngayon, alam mo ba 'yan?!" "Your dad can't make it." May kinuha ito sa bulsa nito, pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang cellphone nito. "I've already asked your dad, and he said he can't fix you here now..." He paused for a while and smiled widely at her. "Dahil may emergency meeting daw sa opisina niya." "You're just faking things, damn you!" Dali-dali niyang hinagilap sa bag ang cellphone niya para tawagan ang ama niya kung nagsasabi ba ng tama ang lalaking ito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang buksan niya ang voice message ng ama niya, giving her proof na totoo lahat ang sinasabi ng lalaking makalyo ang mukha sa sobrang kapal. "See? Hindi ako sinungaling na tao, Alana." Ngumisi ito na ikinainis niya lalo rito. "Paano mong na-blackmail ang Daddy?" "Blackmail? Mukha ba akong nangba-blackmail? Baka puwede pang magagawa ko ang bagay na gusto ko pero ang pangba-blackmail ay sobrang layo n'yan sa personality ko, honey. Anyway, bakit ba masyadong big deal sa 'yo ang maihatid kita? Mas gusto mo ba na ang payatin na taga business ad na 'yon ang maghatid sa 'yo?" "Kung sabihin kong oo?" "Mag-one on one muna kami sa court kung matalo niya ako ay papayagan ko siyang ihatid ka niya sa inyo." "My god! Tatay ba kita?!" "Siyempre hindi, ayaw kitang maging anak. Alam mo kung anong gusto ko para sa 'yo?" "A-Ano?" "I want you to be my future wife... Mrs. Alana Angelique Contreras, 'di ba mas bagay at magandang pakinggan?" Mahigpit niyang itinikom ang mga labi niya. Parang gusto niyang matawa at maiyak sa sobrang inis niya kay Joachim. Kung nagbibiro lang ito ay talagang hindi nakatatawa, pangako!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD