13. S. HINDI lang sobrang diin ng pagkakahawak ni Krystanlord sa braso ni Joice, kitang-kita rin ni Arianna ang galit sa titig ni Krystanlord dito. ‘Yung galit sa mga mata ni Krystanlord, nakakakaba… na nakakapagtaka. “L…” Hinawakan niya sa braso si Krystanlord at parang doon lang ‘to natauhan. Binitawan nito ang braso ni Joice at tiim-bagang na tumingin na lang sa ibang direksyon. Hindi niya rin alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Krystanlord pero binalewala na lang. Kay Angelo, na nasa harap niya pa rin, inilipat niya ang hawak niya nang bitawan niya si Krystanlord. Sign na okay lang siya, kaya naman humakbang si Angelo pabalik sa tabi niya. “Joiciemenez! Bad!” Lumapit si EJ sa kanila. Masama ang tinging ibinigay ni Joice kay EJ, tapos biglang… ngumiti? “I mi