1. s**t.
LIMANG taon na ang lumipas simula ng iwan ni TJ si Arianna.
Limang taon ng paghihirap. Limang taon ng hindi pagtanggap. Limang taon na… pero kahit lumipas man ang buong buhay ni Arianna, hinding-hindi siya makaka-move on sa pagkawala ni TJ.
Sa paglipas ng mahabang panahon, nagbago siya. She was not her old self anymore. Lumala siya Ang tingin nga ng mga tao sa kanya, isang witch.
Hindi tumataas ang boses niya hindi katulad noong high school student pa lang siya. Hindi na siya gano’n. She was always calm, her moves calculated. But her eyes could kill, sabi nga nila.
Oras na magalit siya, alam na ng mga tao kung saan lulugar ang mga ‘to.
Isinuot niya ang shades na hawak niya at hinila na ang luggage na dala niya. Nag-umpisa na siyang maglakad palabas ng airport.
Galing siya ng New York, may kaunting aberya kasi ang boutique niya ro’n na pag-aari rin ng kompanya niya.
Oo. Kompanya niya. Isang fashion company na ang pangalan ay Helen. At siya, kilala bilang isang sikat na designer, Aria S.
Pero never niyang ipinakita ang mukha niya sa newspapers, articles, news reports, maski sa internet. She never walked after her shows ended. She always let her baby Queen, instead.
Habang naglalakad siya, may namataan na naman siyang… kamukha ni TJ.
Lagi na lang. Lagi na lang siyang nagha-hallucinate. Laging umaasa na sana panaginip lang ang lahat. Na sana kunwari lang ang lahat. Na sana pinalabas lang ni Tito Gabriello na patay na si TJ para lang mailayo sa kanya. Na sana… sana buhay pa si TJ.
Pero kasi hindi, e. Wala na talaga si TJ.
Nandoon siya noong gabing naaksidente si TJ. Kitang-kita niya. Kitang-kita niya kung paano pilit isinasalba ng mga doktor ang buhay ni TJ. Kitang-kita niya rin nang magderetso ang linya sa monitor ng life line ni TJ. Kitang-kita niya ang walang buhay na mukha ni TJ.
Ang sakit. Hanggang ngayon, ang sakit-sakit pa rin. Hindi lang talaga matanggap ng sarili niya na wala na si TJ, kaya lagi na lang siyang parang baliw. Kada may makitang kahawig o kamukha ni TJ, sinusundan niya para lang ma-satisfy siya. Hanggang sa… parati na lang siyang bigo.
Katulad ngayon. Sinundan niya ang isang lalaking naka-cap, wearing a pair of maong pants and a white T-shirt with a black bag strapped on his back. Sobrang hawig ni TJ. Sobrang hawig nito ang likod at side view ni TJ. Parang ito na ata ang pinakakamukha ni TJ sa lahat ng nakita niyang kamukha nito.
Sinundan niya lang nang sinundan ang papalayong lalaki.
Maraming tao. Marami siyang nabubunggo pero tuloy lang siya sa paglalakad nang mabilis.
Bumibilis ang t***k ng puso niya.
Parang si TJ talaga! Kamukhang-kamukha ni TJ!
Wala siyang pakialam kahit hinahawi niya na ang mga taong nakaharang sa kanya.
“TJ...”
Bam!
“s**t,” she cursed as she bumped her body into someone’s.
“Ow, f**k,” inis din ang tono ng buong-buong boses ng lalaking nakabungguan niya.
Pero hindi siya dapat magsayang ng oras. Si TJ ‘yon! No… she meant… kamukhang-kamukha ni TJ ‘yon!
Humakbang ulit siya paalis para sundan ang hinahabol niya, pero para lang mapigilan sa braso ng lalaking nakabungguan niya.
“Where the hell are you going?” the guy asked through gritted teeth, his eyes were throwing flames over her.
Tinanggal niya ang shades na suot niya at tinitigan ‘to ng parehong intensidad.
“f**k off,” she told him, her voice as cold as ice.
Pero hindi pa rin tinanggal ng lalaki ang kamay nito sa braso niya.
“Let me do this to you and I’ll tell you to f**k off,” galit na galit ang tono nito pero katulad ng sa kanya, hindi rin ito sumigaw. Tinuro ng mga mata nito ang damit na natapunan ng hawak nitong iced coffee.
Hindi niya ‘to pinansin. Nilibot niya ang paningin niya kung nasaan ang sinusundan niya.
“s**t,” napamura na lang siya nang maski anino ng lalaking sinusundan niya, hindi niya na makita. “Shit.” Naiinis na napakagat-labi siya.
She was sure si TJ—hindi, pero… kamukhang-kamukha talaga ni TJ!
Damn this man in front of her! Kung hindi dahil dito, malamang na nasundan niya sana ang lalaki!
“Yeah, right, s**t,” he mocked her.
Iyon ang nakapagpabalik ng tingin niya rito. Tinignan niya muna ‘to ng masama bago siya nagtitimping nagbuntong-hininga. Habang hawak nito ang braso niya, kinuha niya ang wallet niya mula sa shoulder bag niya.
“How much?” Hindi pa nakakasagot ang lalaki, naglabas na siya ang five thousand mula sa wallet niya. “Is this enough?”
Hindi sumagot ang lalaki. Instead, his eyes narrowed and not before long, his lips twitched, forming an evil grin.
Bigla na lang siyang natulala.
That evil grin. Just like… Troy’s.
Ganoong-ganoon si TJ kapag nang-iinis ‘to, kapag nagyayabang o kaya kapag may pinaplano.
“I don’t need that. How about a night and I’ll double your offer, s**t?” taas-kilay na sabi ng lalaki sa kanya. Nang-uuyam ang tono nito. Na para bang tinatantya nito ang hangganan niya.
“Dream on, asstard.” Piniksi niya ang braso niya para pakawalan nito pero lalo lang humigpit ang hawak nito.
“Ma’am A!” Narinig niya ang boses ni Molly, ang assistant niya. Sakto. Buti na lang dumating ‘to. “Naku, Sir, pasensya na po kayo. Si Ma’am po ba ang may gawa niyan sa inyo? Sorry po, Sir! Sorry!” tuloy-tuloy na hinging paumanhin ni Molly sa lalaking may hawak pa rin sa braso niya.
“Not my fault, stupid Molly,” iritadong sabi niya kay Molly.
Parang tanga. Kasalanan niya ba? Kung iniwasan siya ng lalaking ‘to, mabubunggo niya ba ‘to? Ito naming si Molly, sorry nang sorry. Ano kaya’ng magagawa ng sorry nito? Nu’ng nag-sorry ba si Molly, bumalik ba ‘yung kape mula sa damit ng lalaki papunta sa cup na hawak nito? Stupid.
“And whose fault do you think it is?” singit ng lalaki.
“Coffee’s,” sarkastikong sagot niya na para bang isang bata ang pinagsabihan niya. Umismid siya at walang pakialam na umirap pa.
Lalo namang naningkit ang mga mata ng lalaki.
“Naku, Sir, sorry po talaga. Hindi po sinasadya ni Ma’am. Ako na po ang humihingi—Ma’am! Ma’am, sa’n po kayo pupunta! Ma’am!”
Hindi niya pinansin ang pagsigaw ni Molly. Nang lumuwag kasi ang pagkakahawak sa kanya ng lalaking mas malamig pa ang boses kaysa sa katarayan niya, she took the chance at sumalisi agad siya ng takas.
Iniwanan niya ang luggage na dala niya. Sure naman siya na tatangayin ‘yon ni Molly. Ang mahalaga, makita niya ang lalaking sobrang hawig ni TJ.
Nilibot niya ang paningin niya at matuling naglakad-takbo siya. Wala siyang pakialam kahit medyo hingal na siya.
Mawawalan na sana siya ng pag-asang makita ang lalaki nang biglang paglingon niya sa waiting area, nakita niya ro’n ang lalaki. Ang lalaking may suot ng puting damit, cap at black bag.
Alam niya namang ganito lagi ang resulta, pero bakit hindi siya masanay-sanay?
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kahawig lang ni TJ sa side view, pero hindi si TJ.
She closed her eyes for a moment. Kitang-kita niya naman ang pagkamatay ni TJ, pero bakit pilit pa rin siyang umaasa?
“Ma’am! Jusko naman kayo sa pagtakbo!” hingal na hingal na reklamo ni Molly nang maabutan siya nito.
Hindi niya ‘to pinansin. Umikot siya at nagpatuloy nang maglakad.
“Lord! Ano’ng nangyari sa’yo? Bagong uso? Kapeng disenyo?” Natatawang boses ng lalaki ang narinig niya nu’ng papalapit na siya kung nasaan ang lalaking nakabungguan niya.
Nagtama ang tingin nila ng lalaki. Nagsukatan lang sila ng tingin hanggang sa makalagpas siya rito.
Those eyes… Why was she bothered by those eyes?
**********
“WHERE’S my baby?” tanong niya kay Molly nang makarating na sila sa parking lot.
“Si bebe Queen po? Nasa kotse po ni Sir Angelo. Natu—“ Nabuksan niya na ang pinto ng backseat ng kotse ni Angelo bago pa man matapos ni Molly ang sasabihin nito. “Tulog po,” mahinang tinapos ni Molly ang sinasabi.
Tinitigan niya ang baby niya at si Angelo. Parehong tulog ang mga ‘to habang kalong ni Angelo si Queen.
Si Tim Angelo Piero, ang lalaking nagbantay sa kanya noong araw na mawala si TJ… hanggang ngayon na wala na si TJ.
‘Yung lalaking nagbantay sa kanya sa infinitree nila ni TJ at nagpa-realize sa kanya kung ga’no kaimportante si TJ sa buhay niya. Kung bakit napagtyagaan at natiis nito ang ugali niya, hindi niya alam.
Si Angelo lang… Si Angelo lang ang nagtyaga sa ugali niya. Si Angelo lang ang hindi umalis sa tabi niya.
“Key,” inilahad niya ang kamay niya kay Molly.
Pero nag-alangan muna si Molly. Tumingin-tingin pa ‘to sa natutulog na si Angelo, parang gusto nitong humingi ng tulong mula rito.
“Give me the key,” utos niya.
“A-ah… O-opo.” Matuling kinuha nito sa bulsa ang susi ng kotse niya na naka-park sa katabi ng kay Angelo.
Walang sabi-sabing umalis siya dala ang kotse niya.
*********
“ANOTHER tequila here,” sabi niya sa bartender. Nakakadalawang baso na siya.
“Hi, miss? You alone?” A familiar voice came from behind. Naupo ‘to sa katabing stool na inuupuan niya.
“Angelo, ikaw na naman?” Inirapan niya si Angelo.
“Bakit? Lagi namang ako lang, ha?” nangingiting sabi nito.
Umirap ulit siya. “Shut up, Ge.”
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Okay, boss.”
Napailing na lang siya. Hanggang kailan ba siya pagtyatyagaan ng lalaking ‘to?
“Hinihintay ka na nila Tita Mina sa bahay nila kanina pa. Hindi mo ba siya pupuntahan?” tanong ni Angelo ilang minuto ang makalipas.
“Sino?” patay-malisyang tanong niya.
“Si TJ.”
“Patay na siya, ‘di ba?” sarkastikong balik-tanong niya.
Hindi niya matanggap-tanggap na wala na si TJ, pero napakadaling lumalabas sa bibig niya ang mga salitang ‘patay na siya’.
Weird, right? She wanted nothing of the pain yet she craved for it.
“Yeah, and it’s his fifth year death anniversary.”
“So? Ano’ng gusto mong gawin ko?”
“Arianna, nag-eexpect sila Tita na darating ka. Kahit hindi ka sumulpot sa puntod niya kanina dahil na-delay ang flight mo, inaasahan nilang pupunta ka sa bahay nila.”
“Para?”
Nagbuntong-hininga si Angelo. “May kaunting salu-salo sa ba—“
“That’s my point. Salu-salo? Para saan? Para ipamukha sa’kin na patay na si Troy? Para isampal sa mukha ko na ako na lang ang hindi maka-move on at na lahat sila nagtatawanan at naaliw sa pagkukwentuhan? Ano? Gano’n ba ang gusto nilang mangyari?” Hindi siya sumisigaw pero galit ang boses niya.
“Hindi naman sa gano’n, gusto lang nila na—“
“Kailangan ko bang magsaya? Hindi pa rin ba nila ‘ko naiintindihan? Kailangan ko bang magpaluto ng lechon kasi anniversary ng pagkamatay niya? Lagi niyo na lang akong kinukulit kapag death anniversary niya. Sabihin mo nga, kailangan ko ba talagang i-celebrate ang pagkamatay niya?”
Nakakainis. Sobra na. She couldn’t believe them. Dahil kahit kailan, hinding-hindi siya maiintindihan ng mga ‘to.
“Gusto nilang sumaya ka na, Arianna,” mahinahong sabi ni Angelo. “But you must let yourself accept the fact that he’s gone. Just… move on,” nakayukong sabi nito.
Move on? Umismid siya.
“Well, watch me move on.”
Tumayo siya at naglakad papunta sa dance floor. Hinila niya ang kwelyo ng isang lalaking una niyang nalapitan. She gave the guy a one-sided, seductive smile. Nag-umpisa silang magsayaw sa maharot at malakas na tugtog.
Nakakadiri.
“Yeah, baby.”
She smirked as the guy placed his hands to her bottom.
Wrong move.
Blag!
The next thing she knew, nasa sahig na ang lalaking hinila niya.
“Asshole! You want me to kill you?!” galit na galit na sigaw ni Angelo sa lalaki. Agad namang dumating ang dalawang bouncer ng club.
Sinuntok kasi ni Angelo ang lalaking hinila niya at humawak sa kanya.
Hindi pa man kumakalma si Angelo, hinila na siya nito palabas ng club.
“Stop. You’re hurting me, Angelo,” sabi niya rito. Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak nito sa palapulsuhan niya. “I said stop, Piero!” ulit niya nang hindi pa rin siya binitawan ni Angelo. She called him by his last name to let him know she was angry.
“There! Masaya ka na?” sarkastikong tanong nito nang bitawan siya.
Umismid siya. “’Di ba ang lagi niyong sinasabi sa’kin, makisalamuha ako sa mga tao? I did. What now? Ano’ng pinagpuputok ng butse mo?” nagpipigil na tanong niya rito.
Galit si Angelo. Galit din siya.
“Arianna, iba ang pakikisalamuha sa pakikipag-flirt!”
“Well, that was my version!”
“God, why can’t you just live like your old self?!”
Her old self?
“I can’t be my old self! I just can’t! Noong sariwa pa ang pagkamatay niya, hindi naman ako nagbago, ha? In fact, akong-ako ang ako noon! Mahina, puro iyak ang alam, puro puso ang pinapairal! I was very fragile and all of you hated that because I was so f*****g weak that I always find ways to kill myself!”
Totoo. Kung ilang beses niya nang pinagtangkaan ang buhay niya. Gusto niya na kasing sundan si TJ. Gusto niya nang makasama ulit si TJ.
“Pero lagi niyo na lang akong pinipigilan! Ngayong nagbago ako, mali pa rin? Ngayong hindi na ‘ko umiiyak, hindi na ‘ko mahina at hindi na puso ang pinapairal, mali pa rin?! Tell me, Angelo, what the hell is wrong with you all?!” maluha-luhang sabi niya kay Angelo.
Suddenly, he was hugging her.
Kakasabi niya lang na hindi na siya umiiyak, pero heto…
Kay Angelo lang siya nakakapaglabas ng emosyon. Kay Angelo lang siya nakakaiyak. Kay Angelo lang…
“You know what? Matagal na kitang hindi nakikitang umiiyak. The last time you cried? His last year’s death anniversary.”
Doon na siya bumigay. She cried in his arms.
Totoo. Hangga’t maari, hindi siya nagpapakita ng kahinaan sa kahit na sino man maliban kay Angelo. She was this greatest b***h, so why would she?
“Cry, Arianna. Cry… It wouldn’t lessen the pain, but it’ll help for a moment.” Hinagod-hagod ni Angelo ang likod niya.
Lalo siyang napaiyak. Lagi na lang siyang pinapaiyak ng mga salita nito. Ang lakas makaapekto ng mga salita nito sa kanya. Si Angelo lang ang may ganitong impact sa kanya. Si Angelo lang…
“What a scene.” A not so familiar voice broke the atmosphere.
Lumayo sila ni Angelo sa isa’t isa, para lang makita ang isang lalaki wearing his… evil grin.
Airport…
Coffee…
Those eyes…
The guy smirked. “Small world, huh? s**t?”
— — — — — — — — — — — — — — —