Be Mine 16 *Tooooooooooot!* Isang mahabang tunog muli ang pumukaw sa atensyon ko. Napatingin ako sa monitor. ‘Yong heart rate ni Biancx, bumalik! “Tito! Si Biancx! Si Biancx! Tumitibok ulit ‘yong puso niya!” Natatarantang sigaw ko. “Anak! Diyos ko, salamat po!” Lalong naiyak si Tito at napayakap siya sa anak niya. Napapikit ako. She came back. You made her come back to me. Thank you, Lord. It’s always right to put our faith in you. Salamat po. Muli kong hinawakan ang kamay ni Biancx habang tinatawag ulit ni Tito ang Doktor. “Biancx, thank you for fighting this battle. Thank you for being alive again.” bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang buhok. “I don’t exactly know how, why and what happened to her. Her hearts stopped beating and we checked everything. We were very