Kabanata 22 - Anastasia Olivia POV

1302 Words

Habang nagmamaneho ako pauwi sa bahay ay lumilipad na naman ang isip ko sa kung anong aabutan ko pag uwi ko dahil kinakabahan ako sa kung anong pwede kong abutan sa bahay ngayon, kahit naman kinakampihan ako nina abuela ayoko pa rin na sumama ang loob ng mga magulang ko sa akin. Parang gusto ko na lang na ibalik kina abuela ang binigay nila sa akin pero paniguradong sasama naman ang loob nina abuelo kapag ginawa ko ‘yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Napalingon ako sa may bintana ng kotse ko at napangiti ako ng makakita ako ng rainbow. Ang tagal na rin noong huling beses akong nakakita nito at hindi ko na matandaan kung kelan ‘yon. Naalala ko tuloy noong nagbabakasyon ako sa farm nina abuelo noong bata ako, palagi akong nakakakita ng rainbow at sobrang saya ko pa nga noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD