Kabanata 17 - Anastasia Olivia POV

1444 Words

Tanghali na akong nagising ngayon dahil na rin sa sobrang pagod ko, mabuti na lang talaga at hindi na ako pinapasok ni dad sa kompanya namin ngayon dahil para na akong babagsak sa sobrang sakit ng katawan ko at masakit din ang ulo ko na parang binibiyak sa sobrang sakit. Hindi tuloy ako ngayon makabangon sa higaan ko. Masyado ko kasing pinapagod ang sarili ko at alam ko naman na posibleng mangyari sa akin ‘to pero hindi pa rin ako nag-iingat. Mas binibigyan ko pa kasi ng halaga ang trabaho ko kesa sa sarili ko mismo. Ganun naman kasi ako kapag napakadami kong pinapasan na trabaho. Kahit na nahihirapan ako ay bumangon pa rin ako sa kama ko dahil kailangan kong bumaba para kumain at makainom sana ng gamot pero hindi pa man ako nakakalayo sa kama ko ay umikot na ang paningin ko kaya naman na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD