bc

Squad Goals (ONE SHOT STORY)

book_age12+
15
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
heavy
mystery
scary
first love
friendship
secrets
like
intro-logo
Blurb

Apat na magkakaibigang hindi mapaghiwalay. Nadagdagan ng isa. Limang taong susubukan ang pagkakaibigan at kung magkakaibigan ba talaga ang turing nila sa isa't isa.

chap-preview
Free preview
Squad Goals
One message received. Magkita tayo sa room natin bukas. -Sum "Sum, bakit mo kami pinapunta dito? Para pag-usapan yung nangyari? Kita mo nga 'di ba, hindi pa okay si Nib kaya kung pupwede huwag muna ngayon." patayo na sana si Con nang pigilan siya ni Yin. "Con, hindi pa nga sigurado kung bakit tayo pinapunta ni Sum dito eh. Baka naman hindi ito tungkol sa nangyari." ani Yin. Bago pa makasagot si Sum ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bam. "Anong—" Huli na ng makalabas pa si Bam dahil nakuha na ni Sum ang braso niya. "Pumasok ka dahil pinapunta kita." "Pero Sum—" "Hindi pwede. Dito kayong lahat. Pinapunta ko kayo at walang pwedeng umalis." sa sinabi niyang ito ay inirapan siya ni Con. Nasa pinakalikod na upuan umupo si Bam habang nasa unahan naman at magkakatabi sina Yin, Nib, at Con. At di Sum ay nakatayo. "Bakit mo ba kami pinapunta dito? Para mag-ayos? Para marinig ang sasabihin ni Bam? No way." ani Con. "Hindi ako nandito para magpaliwanag. Aalis ako sa grupo at final na ang desisyon ko." sagot naman ni Bam. "Tama. Hindi ka magbibigay ng paliwanag kasi hindi naman namin hinihingi 'yon." inirapan siya ni Con. "Tumigil na nga kayo. Ano, mag-aaway na naman tayo katulad kahapon?" pag-awat ni Yin. "Yin, wala namang nangyaring pag-aaway kahapon. May mga ilang bagay lang na ibinulgar si Bam pero wala siyang narinig na reaksyon mula sa atin. Umiyak lang si Nib, that's it." ani Con. "Bakit mo ba ako pinapunta dito, Sum? Para marinig ang lahat ng sasabihin ng mga 'yan? Ayoko!" nagmadaling umalis si Bam. "Ayaw mong marinig ang lahat ng naging bunga ng katangahan mo? Ha?" ani Con. "Tama na." mahinahon ang pagsasalita ni Sum na ikinatahimik naman ng lahat. "Pareho kayong tama, pareho din kayong mali. Pero dapat lahat ng kwento ay inaalam niyo, dapat lahat ng anggulo ay tinitingnan niyo. Kasi baka hindi niyo alam, may mga nakakaligtaan kayong detalye." mahinahong wika ni Sum. "Anong ibig mong sabihin, Sum?" tanong ni Nib. Nag-umpisang maglakad si Sum sa harapan nilang lahat. "Magsimula tayo kay Con. Hindi ko kinekwestyon ang pagkakaibigan niyo ni Nib pero hindi maipagkakailang mas nauna kang maging close kay Bam dati. Pero bakit nga ba ngayon, tila ikaw na ang naging abogado ni Nib? Bakit nga ba mabilis kang nagalit kay Bam sa mga sinabi't ginawa niya? Bakit hindi mo tinimbang ang dalawang panig at pinili mo agad si Nib bilang iyong kakampihan?" Tumaas ang kilay ni Sum kay Con. "May iba bang dahilan, Con?" Tumikhim si Con sa tinanong ni Sum sa kanya. Ramdam niyang nakatingin ang lahat sa kanya at naghihintay ng sasabihin. Isang ngisi ang binigay ni Con kay Sum. "Ang lakas mo rin talaga akong kwestyunin ng ganyan, 'no? Bakit ikaw Sum, simula pa lang sa umpisa parang hangin ka lang sa amin? Bakit wala kang suporta kay Nib? Bakit hindi man lang namin naramdaman ang suporta mo sa kanya? Ano, ha?" Malamig ang ibinigay na tingin ni Sum kay Con. "Ako ba ang dapat na kwestyunin pagdating sa sinasabi mong pakikipagkaibigan kay Nib o ikaw?" Napunta ang tingin ni Sum sa pinto at nagsalitang, "pumasok ka na." Pumasok sa kwarto si Dom at lahat ay nagulat sa pagpasok niya maliban kay Sum na mismong nagpapunta sa kanya. "At bakit ka nandito? Ha?!" pagsusumigaw ni Con. Nagtinginan si Sum at Dom pagkatapos ay sinabi ni Sum na, "magsalita ka na." Sinulyapan ni Dom ang lahat ng nasa kwarto hanggang sa nahinto kay Nib. "Nandito ako para makipagbreak sayo, Nib." "Anong sinasabi mo?" wika ni Nib na agad na tumayo. "Walang hiya ka! Tapos ano, makikipagbalikan ka dito sa babaeng 'to?!" ani Con na itinuturo si Bam na halatang nasindak sa mga nangyayari. "Hindi, Con. Hindi makikipagbalikan si Dom sa kahit na sino. Nandito siya para sabihin ang isang balita." tinapunan ng tingin ni Sum si Dom at saka tinanguan ito. "G-gusto kong... makipagbreak kay Nib... k-kasi... kasi—" Tumayo si Nib at nagwika. "Kasi ano? Kasi hindi mo naman ako minahal, ganon?" Iniwasang tumama ang tingin ni Dom kay Nib. "O-oo..." "A-ano?!" nanginginig na wika ni Nib sa ngayo'y ex niya na. Hindi inaasahan ang isasagot ni Dom sa kanya. "So bakit mo ako niligawan? Dahil ba alam mong mahal ka pa ni Bam at gusto mo akong gamitin para pagselosin siya? Oh my gosh, Dom! Alam mong mahal kita! Alam mong gusto kita pero bakit—" hindi na naituloy pa ni Nib ang sasabihin niya dahil nauna nang bumalong ang kanyang mga luha. "Kasi may... nag-utos sa... s-sa akin..." "Ano, Dom?!" hindi makapaniwalang sambit ni Yin. Hinahagod niya na ang likod ni Nib dahil umiiyak na ito. "Inutusan ako ni C-con..." "Walang hiya ka, gagamitin mo pa ako ah?!" sinugod ni Con si Dom at pinagsususuntok. Pilit mang lumalayo at iniiwasan ni Dom ang mga suntok na tumatama sa kanya ay hindi niya pa rin nagawa. "Tama na, Con. Hindi ka pa ba aamin? Nandito na ang isang ebidensya sa mga ginagawa mo." "Anong ginagawa niya, Sum?" tanong ni Yin. Tumigil sa pagsuntok si Con kay Dom at tumingin kay Sum. "Anong sinasabi mo? Sum, huwag kang mambaliktad!" "Con, hindi 'yon ang intensyon ko. Ang gusto ko ay sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginagawa mo." Napangisi si Con. "Ano bang ginawa ko sayo Sum para ganituhin mo ako? Sabihin mo nga, may nagawa ba akong mali para saktan mo ako? Dinala mo pa talaga ang lalaking 'to para saktan si Nib ah." Tumaas ang kilay ni Sum. "Ako ba talaga ang nanakit kay Nib?" Humarap si Con kay Nib na kanina pa natigil sa kaiiyak. "Nib, huwag kang maniwala sa kanya! Hindi naman talaga kaibigan ang tingin niya sayo eh!" Tumingin si Nib kay Con, at pagkatapos ay tumingin kay Sum. "Gusto kong marinig ang sasabihin mo, Sum." "No! Hindi! Sisiraan niya lang ako! Hindi naman talaga niya ako itinuring na kaibigan eh!" "Con, kung talagang sinisiraan ka ni Sum, papanigan ka namin. Pero kung may katotohanan sa mga sasabihin niya..." ani Yin. "Sabihin mo na ang dapat mong sabihin, Sum, Dom..." sabi ni Yin. Napalunok si Dom. "Inutusan ako ni Con na... na ligawan si Nib. Once na umabot na kami ng isang buwan, sabi niya pwede na daw akong... makipaghiwalay..." Walang salita na namutawi sa bibig ni Nib kundi pag-iyak lamang. "At ano ang naging kapalit para pumayag kang ligawan si Nib?" "N-na... maging kami..." Natigilan ang lahat sa sinabi ni Dom. Ang tanging nakapagsalita lamang ay si Bam. "Ano? Anong... anong sinabi mo?" Napahawak si Dom sa kanyang ulo. "Gusto ko si Con, okay?" Sabay-sabay na nanlaki ang mata nina Yin, Nib, at Bam. Habang si Con ay natahimik sa isang tabi. Mabilis ang pangyayari dahil sinugod ni Nib si Dom at sinampal niya ito. "Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Kung galit ka sa akin, magalit ka lang sa akin! Huwag mong idadamay dito si Con, hayop ka!" "Totoo! Nagcha-chat kami ni Con araw-araw! Sinasabi ko sa kanyang may gusto ako sa kanya, tinanong ko kung paano magiging kami at sinabi niyang kung liligawan kita at pagkatapos ay magiging kami!" nilingon ni Nib si Con. "Totoo ba? Ha? Totoo ba?!" depensa ni Con kay Nib. "H-hindi! Hindi totoo 'yon Nib! Huwag kang maniwala sa kanya! Nib!" "Nib." tawag ni Sum kay Nib. Nang tumingin si Nib kay Sum ay nakita niyang ibinibigay nito ang phone ni Dom. "See it for yourself." kinuha ni Nib ang telepono at binasa ang isang conversation ni Con at ni Dom. Nabasa ni Nib ang mga pinagsasasabi ni Dom na I love you kay Con na sinuklian din naman ni Con ng I love you too. "Hayop ka! Hayop kayong dalawa! Niloko niyo ko! Niloko niyo kong lahat!" halos sumagad na ang kanyang ugat dahil sa intensidad ng kanyang sigaw. Malakas na suntok na ang ibinibigay ni Nib kay Dom at Con pero walang nagawa ang dalawa. "Hayop kayo... wala kayong awa..." nanghihina na si Nib. Tapos maya-maya ay bigla siyang hinika at kaunti na lang ay mawawalan na ng malay. "Yin, ihatid mo siya sa clinic." ani Sum. Lumabas ang dalawa at iniwang may tensyon ang loob ng kwarto. Nang makaalis ang mga kasama ay nagpatuloy sa pagsasalita si Sum. "Nasasayangan ako sa pagkakataon na hindi maririnig ni Yin at Nib ang iba pang dapat nilang malaman pero ayos na rin 'yon." "Ano pang dapat naming malaman, Con? Ha?" ani Bam. "Tutal ikaw ang nagtanong, Bam, bakit hindi mo sabihin Con sa kanya ang intensyon mo sa ginawa mo?" ani Sum. Pumikit si Con. "Pwede ba Sum! Tumigil ka na!" "Gusto kong malaman!" wika ni Bam. "Ayaw mong magsalita? Sige, ako ang magsasabi." Tumingin si Con kay Sum. "Anong sinasabi mo?" "May galit ka kay Bam. Kasi mas pinili niya ang boyfriend niya kaysa sayo. At dahil si Nib ang pinakamatagal na kilala na ni Bam sa ating lahat, kaya si Nib ang pinili mong kaibiganin siya ng husto. Sinet-up mo ang lahat, mula sa bagay na si Nib lang ang makakakita sa boyfriend ni Bam, hanggang sa pakikipagkita ng boyfriend niya sa babaeng kinagigiliwan niya ngayon." "Ano?" "Pero ang mas malaking balita, si Nib ang pinili mo dahil naiinggit ka sa kanya. Matalino si Nib at gusto mong ikaw lagi ang napapansin, at dahil matalino nga siya kaya kinainggitan mo siya. Sayang at hindi niya maririnig 'yon." "Nang magbreak si Bam at ang boyfriend niya, doon nalaman na may feelings pa pala si Bam kay Dom. At dahil ikaw lang ang nakakaalam na nagkaroon ng relasyon ang dalawa, kapalit ng pagkakaroon niyo ng relasyon, inutusan mo si Dom na ligawan si Nib dahil alam mo ngang may gusto si Nib kay Dom. Sinamantala mo ang bagay na pasikreto ang relasyon ni Bam at Dom dati at hindi alam ni Nib ang naging tungkol sa kanila." pagpapatuloy ni Sum. "Gusto mong magkasira si Bam at Nib kaya ginawa mo 'yon. Alam mong magagalit si Bam sa sinasabi sa kanya ni Nib na may ibang babae ang boyfriend nito. At alam mong magagalit si Nib dahil nagkaroon sila ng relasyon dati ni Dom at hindi man lang niya nalaman ang naging relasyon nila. Pero ikinatuwa mo pa ng husto ay nang umamin si Bam na may gusto pa pala siya kay Dom after nilang magbreak ng boyfriend niya." "Pero hindi pa do'n natatapos ah dahil kinainggitan mo rin si Yin dahil may kompleto siyang pamilya. Grabe ka Con, hindi ko iniisip na ganon ka pala." wika ni Sum. Pumwesto siya sa harap ni Bam, pinipigilan ang pagsugod nito kay Con. "Aaaaaaah! Kasalanan mo 'to!" mabilis na sumugod si Con kay Sum pero tumakbo ito palayo at nagulat siya nang tumama ang hawak-hawak niyang ballpen kay Bam. Unti-unting lumuhod si Bam sa harap ni Con samantalang si Con ay nagulat at nanghina. Dahil tumakbo si Sum ay si Bam ang nasaksak ng ballpen ni Con. Ngumiti si Sum at nagdial ng numero sa kanyang phone. "Hello po? May ibabalita akong krimen dito. Pumunta na kayo dahil baka makatakas pa ang kriminal." Ibinaba ni Sum ang phone at tumingin kay Con. "Anong ginawa mo!" Umiling si Sum kay Con. "Nagkamamali ka, Con. Anong ginawa mo. Ikaw ang pumatay kay Bam at hindi ako." Hindi makapaniwalang tumingin si Con kay Dom na tulala sa nangyari. Tumakbo si Con kay Dom pero mabilis na lumabas ng kwarto si Dom at tumakas dahil sa nakita. "Hayop ka! Hindi ako ang pumatay kay Bam! Hindi ko 'yan ginawa!" buong sigaw ni Con. "Talaga? Mukhang hindi 'yon ang makikita ng mga pulis kapag pumunta na sila dito." naglakad si Sum palabas ng room, nilabas ang susi at kinandado ito. Huli na ng malaman ni Con ang tungkol dito. May ngisi sa kanyang labi si Sum habang lumalayo sa lugar na pinaggalingan. Hindi nagtagal ay napadaan siya sa clinic kung saan pumunta si Nib at Yin ilang oras ang nakakalipas. May mga ambulansya na sa labas ng paaralan, marahil ay namatay na ang isa sa kanyang kaibigan na si Nib dahil sa malalang atake ng hika at maya-maya lamang ay mababalitaan din ng iba ang tungkol sa pagkamatay ni Bam. Perpekto na ang plano. Patay na si Nib dahil sa hika niya. Sigurado naman na hindi magtatagal ay mananatili rin sa rehabilitation center si Yin dahil sa karumal-dumal na nangyari sa kanyang mga magulang na isinagawa ni Sum at kanyang kaibigan para makabangon sa nangyari. Patay na rin si Bam dahil sa kagagawan ni Con. At ang huli ay si Con na makukulong dahil sa nagawa niya kay Bam. Hay. Tapos na ang trabaho ko sa magkakaibigan na 'yon. Matagal-tagal din ang nasayang na oras ko para malaman kung ano ang mga itinatago nila sa isa't-isa at ngayon nga ay tapos na. Panahon naman na para pumunta sa ibang magkakaibigan na pwedeng sirain. Naglalakad si Sum nang may marinig siya... "Min! May ikekwento ako sayo, dali!" "Ano 'yon, Jan?" Mataman na tiningnan ni Sum ang dalawa at napangiti. Sa wakas, alam ko na rin kung sino ang isusunod ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
564.7K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.2K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.0K
bc

The Professor's Wife

read
454.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook