Maaga akong nagising dahil baka bigla na lang dumating si Bryle para sunduin ako gaya ng sabi niya kagabi. Anong oras pa lang, mga 6 ng umaga. Ewan ko ba kung bakit napaaga ako, pwedeng pwede ko namang tanggihan ang alok niya dahil hindi naman ganito kaaga ako maguumpisa sa trabaho sa unang deal namin. Ah ewan ko sa sarili ko. Ginawa ko na lahat ng ritwal ko sa umaga kanina kaya nagkakape na lang ang ginagawa ko habang naghihintay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, sulyap lang ako ng sulyap sa relo sa dingdig. Hindi ko masuway ang sarili ko, kusa na lang kasing gumagawa ng mga kakaibang kilos. Tumapat na ang daliri ng relo sa takdang oras kaya napahinga ako ng malalim. Bakit kaya ako kinakabahan? Siguro dahil makikita ko nanaman ang gwapong pagmumukha niya. WHAT? GWAPO? HINDI KAYA