NAGISING ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Si Yaya Ising ang nabungaran ko. "Natulog ka kaagad, kumain ka na muna bago ka matulog, hija. Nasa dinning sila at hinihintay ka. Magbihis ka muna ng damit." Tahimik na sinunod ko ang nais ni Yaya Ising. Inalalayan pa ako nitong makatayo. Lihim akong nagpasalamat at nawala na rin iyong panginginig ko kanina. "Maligo lang ako saglit, yaya." "Ikaw ang bahala, hija." Pumasok ako sa loob ng banyo. Isinandal ko ang likod sa pinto saka ako nagpakawala ng isang marahas na buntong-hininga. Hanggang sa magpasya akong buksan ang shower at itapat ang sarili. Pagkatapos kong maligo ay binalot ko ang sarili sa kulay pula kong roba. Hindi ko na nakita si Yaya Ising, malamang lumabas na ito. Naghanap na ako ng aking maisusuot at nagmamadaling nagbihi