CHAPTER 3

2017 Words
MALAKAS na tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa'kin, gising na ang diwa ko. Ngunit nakapikit pa rin ang mga mata ko. Kinakapa ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table at pagkatapos ay sinagot ko iyon. Unknown number ang lumabas sa screen hindi ko sana ito sasagutin kaya lang naiisip ko na baka courier ng isang online shop iyon. Marami pa naman akong biniling fitted na damit sa online na matagal kong in-stock sa cart ko. Hindi pwedeng hindi ko makuha ang order ko. "Hello." sambit ko. "Hello, can I speak to Miss Fatima Diaz? "Yes, speaking." "Miss Fatima, this Jen from Seillito corporations, we would like you to inform that you passed for an interview, you can now report today to get a referral for medical. Thank you." Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat parang nabuhay ang lahat ng cholesterol ko sa katawan sa magandang balitang nalaman ko. "T-Thank you," nauutal kong sagot. "Pumasa ako! Pumasa ako! Yehey!" Tumalon ako sa kama at nagsisigaw sa ng malakas walang paglagyan ang kaligayahan ko dahil sa balitang iyon. "Pumasa ako! Pumasa ako!" "Anong nangyayari?" wika ni Ate Chenie. "Ate— Ay!" sigaw ko. Bigla kasing bumagsak ang kama ko. Mabilis pa akong bumangon at hindi alinta ang kama kong nabali yata ang paa. "Atee! Pumasa ako! Secretary na ako ng future husband ko!" Muli akong tumalon sa tuwa. Umuuga tuloy ang second floor namin. "Tumigil ka nga!" sabay batok sa'kin ni Ate. Napahawak ako sa ulo kong binatukan niya. Panira talaga ng moment ang kontrabida kong kapatid. Humahaba ang nguso kong nakatingin sa kanya. "Bakit mo ako binatukan. Hindi mo ba alam na nakakabawas ng ganda kapag binabatukan." inis kong sagot. Namaywang si Ate Chenie at nanlalaki ang mata niya maging ang butas ng ilong niya sa galit sa'kin. "Mas maganda sana kung nakakabawas ng bilbil ang pagbatok. Siguradong minu-minuto kitang binabatukan. Nakapasa ka lang sa trabaho gusto mo ng gibain ang bahay parang may magnitude seven sa pagyanig. Tingnan mo ang kama mo sumuko sa'yo. Naputol na ang paa ng kama." turo niya sa kama ko. I pout. "Bakit ba bilbil ko pinagdidiskitahan mo, inaano ka ba ng bilbil ko. Hindi ka ba masaya for me? I passed the interview. " Muli naman akong ngumiti. Bigla kong naalala ang itsura ng boss ko super gwapo. Ang sarap tuloy kumain ng jumbo hotdog. "Hayss! Ewan ko sa'yo. Kumain ka kung aalis ka." Sabay pihit ni Ate patalikod sa'kin. "Gusto kong ulam jumbo hotdog, at itlog." sagot ko. "Ang hilig mo sa jumbo hotdog akala mo naman siya bumibili ng pagkain." reklamo ni Ate Chenie. Titigil lang ako sa pagkain ng jumbo hotdog kapag natikman ko na ang jumbo hotdog ng boss ko. Napangiti ako habang ini-imagine ko ang boss kong nakatayo sa harapan ko. Sumasayaw ng walang suot na damit at nakatayo ang jumbo hotdog niya. "Ouch!" sambit ko. Nakagat ko kasi ang daliri ko. Walang tigil pa rin ang bunganga ni Ate Chenie habang kumakain ako. Kaya hindi nagkaka-boyfriend napaka bungangera sinong magkakagusto sa kanya ang sungit. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at sinuot ko ang best outfit kong damit. Fitted na black dress na ang haba ay hanggang ibaba ng pwet ko. Backless ito at V-line sa harapan. Umaalpas ang malaking dibdib ko, nagsuot lang ako ng blazer para pantakip sa cleavage ko. Gusto ko kasi ang boss ko lang nakakita ng cleavage ko. "Ano naman bang suot 'yan Fatima? wala ka bang disenteng damit?" sabi ng bungangera kong Ate. "I love my outfit sobrang ganda nito sa'kin, mukha akong sexy." sagot ko. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang paglalagay ng lipstick. Natampal ni Ate Chenie ang mukha at lumapit sa'kin. "Magpalit ka ng damit!" sabay sabunot niya sa'kin. "Aray! My hair! My hair! My hair!" napakanta at napasayaw pa ako habang iniiwasan ko si Ate Chenie. "Tatanda ako sa konsumisyon sa'yo Fatima." inis na sabi ni Ate Chenie. "Let me do what i want to do. Enjoy your life, huwag mong gawing komplikado ang lahat para hindi ka malosyang." "Nahihiya lang ako sa ginagawa mo pinagtatawanan ka ng ibang tao. Hindi ka sexy mataba ka sobrang mataba. Bakit kung magsuot ka ng damit parang akala mo model ka." "Ouch! It's really hurt ang sinabi ng ate ko. Kung sino mahal mo siya pa ang kalaban mo break down—aray!" nasapo ko ang ulo ko binatukan naman ako ni Ate. "Fatima!" singhal niya. Namungay ang mata kong tumingin sa kanya. "Yes, master." "Urghh!" sabay talikod ni Ate at umalis. Pagkalabas ng bahay ni Ate ay tumakbo ako sa kusina at kumuha ng malaking plastik at binuksan ko ang laman ng refrigerator. Apple tatlo, mineral water Isa, graham cake Isa, orange tatlo." lahat iyon at inilagay ko sa plastik. "Ano pa kaya ang kulang sa baon ko?" saglit akong nag-isip. "Ayun!" nakita ko ang tatlong balot ng biscuit at pagkatapos ay binuksan ko iyon. "Limang piraso lang diet ako." inilagay ko iyon sa bag ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay at tinawag ko ang kapitbahay namin na bata. "Nena!" tawag ko sa bata. Lumapit naman ito sa'kin."Bakit Ate Fatty?" "Dalhin mo ito doon sa tindahan n'yo, kukunin ko sa'yo mamaya kapag nakalabas ako ng bahay. Hintayin mo ako ha. Bibigyan kita ng bente pesos." "Sige po, Ate." kinuha ng bata ang plastik. Ang dami mo namang pagkain Ate. Fatty." "Hindi 'yan sa'kin sa ka-trabaho ko 'yan." alibi ko. "Okay po, Ate. Fatty." bitbit ni Nena ang plastik bag at pumunta siya sa tindahan nila na malapit sa terminal ng tricycle. Bago pa ako makalabas ng bahay ay dumating si Ate. Chenie. "Patingin ng bag mo?" nakataas pa ang kilay niyang tanong sa'kin. Kung hindi ko gagawan ng paraan na magtago ng pagkain siguradong wala akong baon. Si Ate Chenie kasi parang security guard sa mall kung magcheck ng bag ko akala mo dala ko isang sakong bigas. Nagsalubong ang kilay niyang namaywang sa'kin. Marahil hindi siya makapaniwala na wala akong baon na pagkain. "Saan mo tinago ang baon mo?" tanong niya. "Wala akong baon nagdadiet na ako." Aalis na ako." ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palabas ngunit hinarang niya ako sa may pintuan. "Hep! Hep!hep! Hindi pa ako tapos mag-check sa'yo." Nakabusangot ako. "Ano ba naman 'yan ate baka abutin ako ng alas-dose ng hapon mawala ang bisa ng kagandahan ko. Paaalisin mo na ako hinihintay na akong ng prince charming ko." Lumapit si Ate. Chenie at pagkatapos ay kinapa niya ang dibdib ko. "Nakapagtatakang wala kang baon?" "Happy ka na?" inis ko. "Sige, umalis ka na tsupi." sumenyas pa ito palabas ng bahay. Kunwaring inis na inis ako sa kanya para mas lalo siyang maniwala na wala akong baon. Pagkalabas ko ng bahay nagmadali akong pumunta sa terminal ng tricycle. Nakita ko si Nena na sa loob ng tindahan nila malapit sa terminal. "Nena, akin na ang pagkain ko." Pagkatapos ay inabot ko ang bente pesos. "Salamat, Ate Fatty." masayang sabi ni Nena. Nagmadali akong sumakay ng tricycle dahil baka habulin ako ni Ate Chenie kapag nagbukas siya ng refrigerator. "Dalawa sa back ride para balance." wika ng driver ng tricycle. May sumakay naman agad na dalawang lalaki sa likuran kaya umalis na ito. "Fatimaaa!" sigaw ni Ate Chenie. Mabuti na lang at umandar na ang tricycle hindi na niya ako naabutan. Marahil nag check siya ng laman ng refrigerator at doon niya nalaman ang katotohanan na marami akong baon. Nang sumakay ako ng jeep ay kinain ko na ang apple dahil bigla akong nagutom. Napansin kong pinagtatawanan ako ng mga pasahero sa jeep na katabi at kaharap kong upuan. "Umay sa lechon." bulong ng kaharap kong lalaki. Huminto ako sa pagkain at matalim kong tinitigan ang lalaki. "May problema ka ba sa katawan ko?" Inis kong tanong. Pang-asar na ngumiti ang lalaki sa'kin. Kasama nito ang isang lalaki na katabi niya. "Wala kaming problema Miss Tabs, baka ikaw ang may problema. " Halos hindi na maabot ang pagtaas ng kilay ko sa lalaking puro panga. "Hoy, ikaw! Mr Panga, ako wala akong problema sa sarili ko baka ikaw ang may problema sa mukha mo sa dami ng kanto diyan sa mukha mo hindi ko na alam kung uso ang ilong sa'yo." Humalakhak ang mga tao sa loob ng jeep. Pailalim ko siyang tinitigan pagkatapos kinagat ko ang mansanas ko. "Makapanglait akala mo gwapo baka pati unggoy hindi pumatol sa'yo." wika ko. Nanggigil ang lalaki sa'kin ngunit hindi naman niya ako kayang saktan sa loob ng jeep. "Baboy!" sigaw ng lalaki nang bumaba ito ng jeep. Tumawa ako ng malakas. "Pikon." Hindi talaga ako nagpapatalo sa mga taong nanlalait sa'kin at katwiran ko. Hangga't hindi sila ang nagpapakain sa'kin wala silang karapatan magreklamo ka katawan ko. Pagdating ko sa kumpanya ay kinuha ko ang referral para mag medical. Kailangan kong matapos ang medical ko para bukas ay pwede ko na ako mag-umpisa ng trabaho. "Yes! tapos na akong magmedical!"tumalon ako sa tuwa dahil sa kaligayahan. Dumaan ako ng mall para bumili ng bago kong damit na pamasok sa trabaho. Galit na galit si Ate Chenie ng makauwi ako dahil bukod sa alas otso ng gabi na ako nakauwi may kasalanan ako sa kanya kanina. May instant batok naman ako sa kanya. Akala niya siguro papayat ako kapag palagi niya akong binabatukan. May nakadikit na black facial mask sa mukha ko at pipino naman sa mga mata ko. Pinaghahandaan ko kasi ang pagkikita namin ni Franco. ALAS SINGKO ng madaling araw ay gising na ako para maligo. Bago pa kasi ako matapos ay marami pa akong orasyon na ginagawa sa mukha ko para gumanda. Nag skincare ako pagkatapos ay nagkulot ng buhok. Naglagay din ako ng makapal na make na kasing kapal ng kalyo ni Ate Chenie. Nagpahid ako ng pak na pak na red lipstick, nagdikit ako ng long eyelashes na mas mahaba pa sa relasyon ng kapitbahay naming nabuntis pero hindi pinanagutan. Siyempre hindi makukumpleto kung hindi ko isusuot ang formal yellow dress ko na hanggang tuhod ang haba at isang white rubber shoes. "I'm ready!" paikot-ikot pa ako sa harap ng salamin. Pakalipas ng limang minuto ay lumabas na ako ng bahay. Nagwawalis ng bakuran si Ate Chenie nang umalis ako. Hindi na niya tiningnan ang bag ko dahil siguro napapagod na siya. Kasing taas ng mount everest ang confidence ko nang pumasok ako sa malaking building ng Seillito Corporation. Lahat na yata ng mga taong nakasalubong ko ay binati at ngitian ko. Kahit na nga hindi sila makapaniwala sa OOTD (outfit of the day) ko. "Wala pa si Sir Franco pero ituturo ko na sa'yo ang mga dapat gagawin mo bilang secretary niya." wika ng dating secretary ng future husband ko. Ngumiti ako sa kanya. "Yes, kayang-kaya kong matutunan 'yan." Tinuro niya sa'kin ang daily routine na dapat kong gawin. Pagkatapos ng ilang oras ay umalis na ang secretary. Hinaplos ko ang lamesa ni Franco at pagkatapos ay dinikit ko ang mukha sa upuan ni Franco. "Hmm.. ang bango." Bigla akong napatayo nang marinig kong bumukas ang pinto. At nakita ko si Sir Franco. "s**t!" napamura kong sambit. Kagat labi ako habang nakatingin sa gwapong boss ko. Para akong nakakita ng paraiso ako si Eva, at si Franco si Adan. Kilig na kilig ako sa naiisip ko. Matamis akong ngumiti sa kanya yung ngiti ko parang sa model ng toothpaste. "Good morning, Sir." namumungay pa ang mga mata ko. Biglang napaatras si Sir Franco at nanlaki ang mga mata. Marahil ay hindi siya makapaniwala na may nakita siyang sobrang gandang babae sa umaga. "N-Nasaan ang bago kong secretary?" "Ako po ang bago n'yong secretary. Maraming salamat po talaga, Sir. Kung hindi dahil sa inyo hindi ako ipapasa ng nag-interview sa'kin. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko bilang maganda, masipag at sweet n'yong secretary." sabay ngiti nito. "I-Ikaw?" Tumango ako. "Yes, sir!" Natampal niya ang noo niya pagkatapos ay tumalikod siya sa'kin at lumabas ng opisina. Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo. Bigla kasi akong nanlambot sa nangyari. "My gosh! Hindi pa nga ako hinahalikan para na akong hihimatayin. Paano kaya kung halikan niya ako." "s**t! Nakakakilig!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD