CHAPTER 34

1632 Words

"DAMN!" sinuntok ko ang manibela ng kotse dahil sa matinding selos. Hindi ko mapigilan ang magalit kay Dash alam naman niyang matagal ko ng gusto si Fatima Smith bakit nakisawsaw siya sa'kin. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa isang bar. Mabuti na lang ay hindi na masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating sa bar na paborito kong puntahan ang Arristoktrata bar. Kilala ako sa lugar na ito kaya sa tuwing pumunta ako rito alam na nila ang alak na ibibigay sa'kin. "Here's your Blue Jonnie walker and sizzling tuna." sambit ng waiter. Tumango ako pagkatapos ay binuksan ko ang alak at iniinom ko ito. Kasing pait ng alak na ito ang nararamdaman ko ngayon para kay Fatima. Totoo nga ang karma dahil pakiramdam ko kinakarma ako. Nagmahal ako sa babae na gusto ng lahat, at maraming kaagaw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD