"Anong balita sa mahal kong ex-husband?" tanong ko kay Mel nang dalawin niya ako sa aking condo. Tanging si Melia lang ang nakakaalam ng condo ko dahil ayokong may ibang nakaalam kahit ang Daddy ni Franco. Nakadapa akong nakahiga sa kama habang nagbabasa ng mga comments ng mga tao sa'kin sa aking new sexy photo. Tumayo si Mel at kumuha ng cake sa refrigerator at kinain niya ito. "Ayun, nababaliw na ang ex-husband mo palagi ka niyang tinatanong sa'kin kung nasaan ka na?" "Psh! Nagdududa na siguro siya sa'kin." sagot ko. Hindi ako nag-abalang tingnan si Mel. "Hindi siya nagdududa dahil ang laki ng pinagbago mo?" In-off ko ang laptop at humarap ako kay Mel. Pagkatapos ay napatingin ako sa pagkain ni Mel. Minsan natatakam akong kumain ng mga pagkain na maraming calories ngunit sa tuwin