Chapter 1 " THE UNIVERSITY "

1298 Words
PROLOGUE : Sa isang lihim na isla sa malayong bahagi ng Probinsiya ng Pangasinan na tinatawag na secret island beach resort, Dito masayang nag sama sama Ang bawat miyembro ng FRIENDS CLUB para sa kanilang first ever outing of the year. Ngunit ang excitement ay nabalot ng matinding balisa nang biglang maglaho si Ibarra, ang pinaka mahirap na estudyante sa kanilang grupo. Habang lumalalim ang gabi, ang mga magkakaibigan ay nag kanya kanya sa paghanap kay Ibarra. Ang ilan ay sumisid sa kailaliman ng dagat at ang iba naman ay hinaloghog ang mga lagusan ng mga kuweba na lumilitaw lamang sa tuwing sasapit ang Umaga at lulubog pagsapit ng Gabi. Ang iba naman ay nagpasyang maghanap sa mga malalabay na ugat ng mga mangroves, kung saan madalas magtago ang mga hayop at iba pang nilalang ng naturang isla, nagbabakasakaling naroon lamang siya at nagi-explore sa paligid o di kaya ay nakatulog dahil sa pagod. Ngunit habang papalapit ang dilim, unti-unti ring nagbago ang panahon. Ang dating maaliwalas na kalangitan ay biglang nagdilim, at ang hangin ay naging malakas at malamig. Ang dagat na kanina’y tahimik ay nagsimulang magalit, at ang mga alon ay tila mga halimaw na handang lamunin ang sinumang magtatangkang lumapit. " Ibarra! Ibarra! nasaan ka! " tuloy tuloy na sigawan ng mga member ng FC. Walang tulog at pagod na pagod, ang mga ito sa paghahanap buong magdamag. Ngunit kahit anong pilit nila, walang bakas ni Ibarra ang kanilang natagpuan. Nang sumikat ang araw, nagtipon sila at nagbotohan—dapat ba nilang ilihim ang pagkawala ni Ibarra, o dapat ba nilang ipaalam sa mga awtoridad? Ang desisyon ay hindi madali, ngunit alam nilang kailangan nilang pumili. Ang bonfire na ginawa nila sa gilid ng dagat kagabi ay nilamon na ng alon. “Hindi natin pwedeng ipaalam sa mga pulis. Isipin niyo ang ating reputasyon at ang mga pangarap natin pagkatapos ng kolehiyo!” protesta ni Felmer. “Pero Felmer, hindi ba mas mahalaga ang buhay ni Ibarra? Kung may nangyari sa kanya, hindi ba’t responsibilidad natin 'yon?” tugon naman ni Shiela. “Sheila, tama si Felmer. Kung magkakalabasan ito, tapos na ang lahat. Ang scholarship ko, ang internship mo, lahat mawawala!” sabad naman ni Ruth. “Hindi ko kayang mabuhay sa kasinungalingan. Kung tayo’y magkakaibigan, dapat tayong magtulungan at harapin ang anumang kahihinatnan nito! " mariing pagtanggi parin ni Shiela na sinang ayunan naman ni Benjo. Ang tensyon ay kapansin-pansin, ang bawat isa’y nagpapalitan ng mabibigat na tingin. Ang ilan ay yumuyuko, hindi kayang makipagtitigan sa kanilang mga kaibigan. “Isipin niyo, kung ano ang mangyayari kung malaman ng mga magulang natin, ng mga guro, ng buong unibersidad! Hindi lang ito tungkol sa atin, kundi pati na rin sa mga pamilya natin.” si Lyndon. " Kasalanan mo ang lahat ng ito Felmer kung hindi mo kami kinumbinsi na pumunta dito hindi sana mangyayari ang lahat ng ito " paninisi naman ni Christian. " puwede ba huwag na tayong magsisihan! ang kailangan natin ay solusyon hindi isa pang prublema." nalilitong sabi ni Necy. “Ngunit hindi ba mas mabigat ang konsensya kung may masamang nangyari kay Ibarra at tayo’y walang ginawa?” dagdag na sabi ni Shiela. " oh come on Shiela, can't you see halos malunod na nga si Benjo sa kakasisid yun ba ang walang ginawa? pudpod narin ang paa natin sa kakahanap sa kanya sa mga malalabay na puno ng mga mangroves pero hindi parin natin siya makita. Sana nga hindi na lang siya sumama! " pagalit na sabi ni Lyndon. Ang hangin ay lumakas, ang mga dahon ng mangroves ay parang mga multo na sumasayaw sa dilim. Ang bawat isa’y nakadama ng kakaibang lamig na hindi lamang dulot ng panahon. “Kailangan nating protektahan ang isa’t isa. Si Ibarra ay hindi iba sa atin, ngunit kung ako ang inyong tatanungin ay hindi na tayo dapat abutan dito ng maghapon dahil baka may mas malalang bagyo ang darating." pahayag naman ni Elmer. Sa huli, ang botohan ay naganap. Ang mga kamay ay itinaas sa ilalim ng kumikislap na sinag ng araw—ang desisyon ay ginawa. Mananatili ang kanilang sikreto, isang pasanin na magbabago sa kanilang mga buhay magpakailanman. Nilisan ng grupo ang Isla, ngunit wala silang kamalay malay na naroon lamang si Ibarra, nakasabit sa isang malabay na puno ng mangrove na nagmistulang damit na niluray ng mabangis na alon. ****************************************** MAY 14, 2023 - In the oldest University both in the Philippines and Asia was built in 1611, it is also one of the biggest Catholic University in the world and is second University to be granted the formal title of Pontifical University by Pope Leo 13th. Dito rin sa Pamantasang ito nag aral ng Medisina ang kinikilala ng mga Pilipino na Pambansang Bayani ng Pilipinas na walang iba kundi ang kagalanggalang na si Dr. Jose P. Rizal. Sa isang bahagi ng Modernong Library ng Pamantasan ay nakaupo sa isang corner ang isang lalaki at naka focus ang kanyang buong atensiyon sa harap ng kanyang laptop computer.Gumagawa ito ng maaari niyang i-post sa kanyang Social Media Account.Humabi siya ng mga pangungusap na sa tingin niya ay doon siya magkakaroon ng mga maituturing na totoong kapamilya. ATTENTION: ALL GRADUATING STUDENTS IN NURSING DEPARTMENT.I'M INVITING ANYONE WHO ARE INTERESTED TO JOIN IN MY NEWLY FOUND GROUP CALLED " FRIENDS CLUB ".THE GROUP IS LIMITED TO 11 MEMBERS ONLY. BY THE WAY MY NAME IS... " U " WHAT I AM LOOKING FOR IS THE REMAINING LETTERS SUCH AS " F, R, I, E, N, D, S, C, L & B ".FOR THOSE WHO ARE INTERESTED TO JOIN WITH THEIR FIRST INITIAL STATED ABOVE ARE WELCOME TO JOIN THE CLUB. REMEMBER, THIS IS LIMITED TO 11 MEMBERS ONLY, MEANING TO SAY "FIRST COME FIRST SERVED".PLEASE KINDLY PUT YOUR E-MAIL ACCOUNT IN ORDER FOR ME TO FURTHER INFORM YOU THAT YOU ARE THE CHOSEN ONE. ONLY QUALIFIED INDIVIDUAL SHOULD BE NOTIFIED TO SUBMIT A VALID I. D. FOR VERIFICATION. ALL QUALIFIED MEMBER AWAITS A SURPRISE GIFT FROM ME.HOPE TO MEET YOU SOON. FRIENDS CLUB AUTHOR, " U " Matapos niyang suriing mabuti ang ginawa niyang mensahe ay agad siyang nagpasya na i-post iyon sa kanyang social media account. Mabilis namang kumalat sa loob ng campus ng Pamantasan ang ginawa niyang post at wala pang 24 hours ay napakarami ng nag response at gustong mag join sa kanyang binuong grupo na tinawag niyang FRIENDS CLUB. Kaagad naman niyang ini-scan ang bawat reply kung sino sino ang mga unang tumugon sa kanyang post upang matupad ang simpleng rules na kanyang binalangkas, ang FCFS. Nagsimula siya sa letter "F" at isa isang isinulat niya sa isang notebook ang unang pangalan na tumugon at gayon din ang ginawa niya sa mga sumusunod pang letra hanggang sa makabuo na siya ng mga pangalan na magiging member ng FRIENDS CLUB. isinulat din ng Author ang kanilang mga email address kung saan siya maaaring makapagpadala ng notification letter sa bawat isa sa kanila.Masusi niyang tinignan ang bawat Pangalan ng mga tumugon sa kanyang panawagan. " F " Felmer " R " Ruth " I " Ibarra " E " Elmer " N " Necy " D " Dandred " S " Shiela " C " Christian " L " Lyndon " U " _______ " B " Benjo Pagkatapos niyang mai-finalized ang listahan ay saka niya inisa isang pinadalhan ang mga ito ng notification letter na i-submit ang kani-kanilang valid I. D., At wala pang isang oras ay halos sabay sabay na nag reply ang mga pangalan na nasa kanyang listahan. Nag log out si "U" na may ngiti sa kanyang labi at ibinulong sa kanyang sarili na sa wakas ay unti unti na ring matutupad ang mga pinaplano niyang mangyari sa hinaharap na panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD