Pinagtagpo Pero Di Tinadhana Chapter Four

739 Words
Mugto ang mga mata ni Vivienne dahil sa pag-iyak nito. Huminga siya ng malalim at naligo na ito. Nang makabihis ay muli siyang nahiga saka niya kinuha ang kanyang laptop at kinalikot iyun. Nang may biglang kumatok napatigil siya sa kanyang ginagawa. Naulit ang katok. Nayamot siya. "Who's that?" Inis niyang tanong. "Ang yaya mo ito hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Yaya Nora. "Im not hungry!" Matigas niyang sagot. "Pero Vienne" ani nito. "I told you im not hungry stop disturbing me okay?" Inos parin niyang sabi. Narinig niyang umalis na ang kanyang yaya. Nawala ang concentrate niya sa gagawin niya sana. "f**k! f**k!!" Gigil niyang turan. Tumayo siya at kinuha ang kanyang sumbrero saka jacket at backpack. Inilagay niya ang kanyang selpon at wallet. Mabilis siyang bumaba. Nakita siya ng kanyang ina. "Where are you going Vivienn?" Nagtatakang tanong ng donya. "I want to be alone i cannot breath in this house its killing me!" Diretsa niyang sagot. "But baby?" Tutol ng kanyang mommy. "Mom please can you just shut up!! " mataray niyang tugon. Natigilan ang donya. "I want to breath fresh air bye" ani niya at umalis na ito. Malungkot ang Donya na tinanaw ang kanyang anak. Malaki na ba ang hinanakit nito sa kanila? Napaiyak si Donya Marilou. "You are so weak for her you spoiled her too much" matigas na wika ni Fon Romulo sa asawa. Pinahid ng ginang ang kanyang mga luha. "Dont blame me Romulo ikaw ang may kasalanan nito" mapait na sabi ng donya saka iniwan ang asawa. Mabilis pinaharurot ng dalaga ang kanyang sasakyan. Dumiretso siya sa tabing dagat. Sinamyo niya ang hanging dagat at nakaramdam siya ng ginhawa sa dibdib. Nilabas niya ang kanyang selpon at nagselfie selfie. Maya maya nagvivideo narin siya nakita niya sa kanyang camera ang lalaking pamilyar sa kanya. Naglalakad ito sa dalampasigan. Napangiti siya at pinuntahan niya ito. "Hi!" Bati niya dito. Nagulat ang binata. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Vivienn kay Lexus. "Wala maliligo kasi kami ni Ken" malamig na sagot ni Lexus. Ano ang ginagawa ng anak mayaman na ito dito papahapon na wala pang alalay sabi ng binata sa kanyang sarili. Ngumiti si Vivienn. "I want to join" walang gatol na wika nito. Hindi sumagot si Lexus tiningnan niya lang dalaga. "Hey! I said i want to join" ulit nito. "Bahala ka" maikling sagot ni Lexus. Dumating din sa wakas si Ken may dalang apat na beer at tsitsirya. "Can i have one?" Tanong ng dalaga kay Ken na nagulat nang makita ang dalaga. "Misa bawal kang uminom kasi para kang drum na hindi napupuno sa kakainom" saway ni Lexus. "Only one" turan nito hindi malaman ni Lexus kung nagmamakaawa ba ito o ano. Tinanguan niya si Ken. Ngumiti ang dalaga saka diretsang ininom ang beer. "Wanna bet ? Kung matalo niyo ako sa swimming race natin i wont disturb you anymore pero pag natalo ko kayo i will disturb you forever" walang sabi sabing turan nito kay Lexus napanganga naman si Ken. Nagkatinginan silang magpinsan. Napangisi si Ken. "Bah! magaling yata itong pinsan ko madam" pagmamalaking tugon ni Ken sa kanya. Ngumisi si Vivienn. Maya maya pay kapwa na sila lumusong sa tubig nagsilbing look out naman si Ken. Napasigaw si Vivienn ng nauna siya sa pampang. Laglag balikat naman si Lexus. Anlawak ng ngiti ng dalaga. "See? I told you.. a deal is a deal" aniya sa dalawa. Hindi umimik ang dalawa. Nang biglang lumuwa ang mga mata ni Ken at naglaway. Nagtaka si Vivienn habang siniko naman ito ni Lexus. Paano naman kasi bakat na bakat ang bra at dibdib ni Vivienne dahil sa pagkakabasa ng white t-shirt niya. Agad hinila ni Lexus ang pinsan at pinitik ang tainga. "Aray! may bulkan eh...malaking bulkan" wika nito. "What?" Maang na wika ng dalaga. "Wala wala mauuna na kami" pang iiwas ni Lexus at tuluyan na niyang hinila ang pinsan. "Wait!" Pigil niya sa dalawa. Tumigil ang magpinsan. Lumapit si Vivienne ang mga ito. "Ang bulkan Lex lumalapit"" nanginginig na sabi ni Ken. Pinandilatan siya ng binata. "Can i get your number?" Tanong niya kay Lexus hindi umimik ang binata ngunit mabils na ibinigay ni Ken ang number ni Lexus. Pagkapos nun ay umalis na Ng mga ito. Nakangiti naman si Vivienn atleast may paglilibangan ako para hindi ako mabored aniya sa kanyang sarili at pinuntahan na niya ang kanyang kotse at nagpasya nang uuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD