CHAPTER 12

1979 Words
CALLIE's POV She's so annoying. That Roxana Valeriana girl is very annoying. Humihigpit ang aking kapit sa manibela ng kotse habang nagmamaneho. Ang lakas ng loob ni Roxy na makipagngitian sa akin na para bang nakalimutan ko na ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa akin. Inagaw lang naman ng Roxy na iyon ang aking first boyfriend mula sa akin noong nasa High School kami. At wala man lang siyang ka-remorse-remorse nang gawin niya iyon. Best friend pa man din ako ng kapatid ni Roxy pero hindi man lang siya nagdalawang-isip na gawin iyon sa akin. Ganoon kasama si Roxy. Alam kong kalmado akong tao pero pagdating sa babaeng Roxy na iyon ay parang gusto kong sumabog sa inis at galit. Matagal nang nangyari ang pang-aagaw ni Roxy sa talipandas na ex-boyfriend kong si Liam mula sa akin, pero kahit kailan ay hindi man lang ako nakarinig ng sorry mula kay Roxy. Kaya naman inis na inis pa rin ako sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Roxy. Alam ko namang si Roxy ang sumulsol kay Liam na makipaghiwalay sa akin noon. Tama ang sinabi sa akin ng kapatid ni Roxy na si Bernardette na siyang best friend ko rin noon. Na gagawin ni Roxy ang lahat ng bagay para umangat sa buhay. Na napatunayan ko rin sa mga nakalipas na panahon. Hindi kami magkaibigan ni Roxy, pero best friend ko ang kanyang kapatid kaya parang updated na rin ako sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa tuwing maglalabas ng hinaing tungkol sa kapatid nito si Bernadette sa akin. At dahil doon kaya ko nalaman na ilang relasyon na ang muntik masira nang dahil kay Roxy para lamang makamit niya ang kanyang ambisyong yumaman. Target ni Roxy ang mga mayayamang lalaki. Katulad na lamang ni Liam na anak-mayaman. Kaya siguro hindi pa nag-aasawa ang Roxy na iyon ay dahil hindi pa nakakakita ng lalaking milyonaryo. Napailing ako. Ang taong katulad ni Roxy na sumasaya lamang sa mga materyal na bagay ay hindi kailanman makukuntento at magiging masaya. Kailangang ma-realize ni Roxy na hindi lamang sa pera at yaman umiinog ang mundo. Masyado mang ideal ngunit naniniwala akong pagmamahal pa rin ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Pero ano naman ang pakialam ko kung ano ang gustong gawin ni Roxy sa kanyang buhay? Buhay ni Roxy iyon at may karapatan siyang gawin ang kung anumang gusto niyang gawin na kanyang ikasisiya. Malalim akong nagbuntung-hininga. Gusto ko mang iwasan si Roxy pero hindi ganoon kadali rahil isa siya sa mga gurong nagtatrabaho sa school kung saan nag-aaral ang aking anak na si Mavie. Siguro ay mabuting kausapin ko na ang aking asawang si Rob para palipatin sa ibang school si Mavie. Ngunit kung gagawin ko iyon ay paniguradong magtataka ito. Hindi ko naman pwedeng idahilan kay Rob na rahil iniiwasan ko si Teacher Roxy kaya gusto kong ilipat ng ibang school ang aming anak. Paniguradong magdududa si Rob, pero hindi ko naman pwedeng sabihin dito ang ginawa sa akin ni Roxy noon. Baka isipin pa ni Rob na hindi pa ako nakaka-move on sa aking first boyfriend kaya naiinis pa rin ako sa ginawa sa akin ni Roxy noon? Mula nang makipaghiwalay sa akin si Liam sa harapan ng maraming estudyante sa aming school campus ay halos walong taon din bago ako nag-entertain muli ng mga manliligaw. At ang naging second boyfriend ko nga ay si Rob na eventually ay aking napangasawa. Hindi ko gustong isipin ni Rob na hindi pa ako tuluyang nakaka-move on mula kay Liam kaya naiinis pa rin ako sa presence ni Roxy dahil ang totoo ay matagal nang wala sa puso ko si Liam. Pero ang hindi paghingi ng tawad ni Roxy sa akin ang aking ikinaiinis. Siguro kung makikita ko man lang mula kay Roxy na pinagsisihan niya ang kanyang mga ginawa rati ay baka lumambot pa ang aking puso para sa kanya. Pero sadya yatang masama ang ugali ni Roxy at wala siyang pakialam kung makasakit man siya ng ibang tao, basta matupad niya lang ang kanyang ambisyon sa buhay. Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig kong nagri-ring ang aking phone. Tiningnan ko ang screen ng aking phone na nasa ibabaw ng dashboard ng aking kotse. Binasa ko ang pangalan ng tumatawag ngunit numero lamang ang naroon. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang tumatawag. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng numerong iyon. Hindi ko alam kung bakit ginugulo pa rin ako ng taong ito. Sinabi kong tigilan na ako nito rahil masaya na ako sa aking pamilya. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng aking phone kaya naman c-in-ancel ko na ang tawag. Tigilan mo na ako. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. ---------- THIRD PERSON POV Pumunta si Mitchie sa branch ng restaurant ng mga Laguarte kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawang si Santi. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang ma-promote si Santi bilang Restaurant Manager ng isa sa mga branch ng pagmamay-aring restaurant ng mga Laguarte. Dumiretso agad si Mitchie sa loob ng opisina ng kanyang asawa at inilapag sa malaking mesa sa loob ng opisina nito ang kanyang dalang paper bag. Sinalubong ng halik at yakap ni Santi ang misis nito at agad na isinalansan ang inaaral na mga document sa isang gilid ng mesa. Mitchie: Hon, alam kong masyado kang busy dahil kapo-promote mo pa lang pero make sure na hindi ka magpapagutom. For sure hindi gusto ni Kuya Rob at ng parents ninyo na magpagutom ka. Isa-isang inilabas ni Mitchie ang mga eco-friendly glass lunch box na nasa loob ng paper bag at isa-isang inilapag sa ibabaw ng office table ng kanyang asawa. Mitchie: Alam kong manager ka na ng restaurant, hon, pero mas masarap pa rin ang luto ng misis mo kaysa sa mga gourmet cuisine ninyo rito. Sinundan pa ng mahinang tawa ni Mitchie ang kanyang sinabi. Mitchie: At syempre, para mas ganahang kumain ang aking asawa, kaya rito rin ako kakain. Masayang pumalakpak si Mitchie at muling yumakap kay Santi. Santi: Ang sweet naman ng misis ko. Parang kailan lang noong halos hindi mo ako kibuin at kausapin at nakatutok lang ang mga mata mo sa screen ng iyong cellphone. Kumawala mula sa yakap ni Santi si Mitchie at pabirong hinampas sa kaliwang braso ang mister. Mitchie: Naku, hon. Nagtatampo ako sa iyo nang mga panahong iyon. Kung alam ko lang na busy ka pala para sa paghahanda rito sa bago mong position sa business ng parents mo, eh, 'di sana sinuportahan kita. Pa-cute pang ngumuso si Mitchie sa harapan ni Santi. Mabilis namang dinampian ng halik ni Santi ang nakangusong mga labi ni Mitchie. Matapos ang ilang segundong halikan ay kinikilig pang umupo si Mitchie sa isa sa dalawang upuan na nasa harapan ng office table. Mitchie: Halika na, hon. Kain na tayo. Mamaya, baka ikaw pa ang makain ko? Malanding tumitig si Mitchie sa asawa at malakas na humalakhak naman si Santi. Santi: Ang naughty-naughty naman ng misis kong 'yan. Nakangiting naglakad si Santi papunta sa upuang nasa tapat ni Mitchie at umupo roon. Santi: Mukhang masarap itong iniluto ng misis ko, ah. Maharot na tumawa si Mitchie. Mitchie: Syempre, masarap yata ang nagluto. Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Mitchie habang nakatitig kay Santi na ikinatawa nito. Habang kumakain sina Mitchie at Santi ay biglang naitanong ni Santi sa asawa ang tungkol sa bagong hired na driver nilang si Braxton na matalik na kaibigan nito. Santi: Kumusta naman ang unang araw ng kaibigan ko bilang driver, hon? Pabirong umirap si Mitchie kay Santi at uminom muna ng tubig bago sumagot. Mitchie: Naku, hon. Bakit naman ganoon 'yong kaibigan mo? Bilang na bilang sa aking mga daliri sa dalawang kamay ang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig. Naaaliw na tumawa si Santi. Santi: Naku. Literal na man of few words 'yong si Braxton. Mga binata pa lang kami ay sobrang tahimik na niyon. Nagulat nga ako at nakapag-asawa pa. Malakas na tumawa naman si Mitchie sa sinabi ni Santi. Mitchie: Eh, may hitsura rin naman kasi 'yong kaibigan mo, hon. Manang-mana sa aking asawa. Tall, dark, and handsome. Pagkatapos sabihin iyon ay muling sumubo ng pagkain si Mitchie. Santi: Naku, hon, magseselos ako niyan. Dapat wala akong katulad na gwapo sa iyong paningin. Nagkunwaring nagtatampo ang mukha ni Santi na ikinatawa ni Mitchie. Mitchie: Naku, hon, mabibilaukan ako sa ginagawa mo. Syempre ang mister ko ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Sabay na nagtawanan ang mag-asawang Mitchie at Santi. Ilang minutong nag-focus sa pagkain ang mag-asawa bago muling nagtanong si Santi kay Mitchie. Santi: So, anong oras ka nagpasundo kay Braxton, hon? Nilunok muna ni Mitchie ang nginuyang pagkain bago sumagot. Mitchie: Sabi ko magte-text na lang ako. Tatambay muna ako rito sa restaurant, hon. Makiki-chika sa mga staff. Don't worry, hindi ako mang-iistorbo. Nakangiting umiling-iling si Santi bago muling sumubo ng pagkain. Mitchie: Ikaw naman kasi, kumuha ka pa ng driver, eh kaya ko namang ipagmaneho ang aking sarili. Uminom muna ng tubig si Santi bago muling nagsalita. Santi: I know, hon. Pero nangailangan kasi ng trabaho si Braxton dahil buntis daw ang misis niya ngayon. Hindi ko naman matanggihan dahil kahit papaano ay matalik kong kaibigan 'yon. Sandaling tumigil sa pagsasalita si Santi para punasan ang gilid ng labi ni Mitchie na may nakadikit na kanin. Santi: At saka isa pa, na-promote na rin ako. Kaya naisip kong kahit papaano ay may ipangsusweldo rin ako sa kanya. Marahang tumango si Mitchie. Santi: Bakit, hon? Hindi mo ba gusto si Braxton? Mabilis na umiling si Mitchie. Mitchie: Hindi naman sa ganoon, hon. Kaya lang ay nasanay na akong ipinagmamaneho ang aking sarili. Pero okay din naman na may driver. Para relaxed lang ako sa biyahe. Ngumiti si Santi kay Mitchie at nagpasalamat. Santi: Akala ko noong una ay magpo-protesta ka, pero naintindihan mo agad ang kalagayan ng aking kaibigan. Tinakpan ni Mitchie ang pinagkainang glass lunch box at pinunasan ng table napkin ang magkabilang gilid ng kanyang bibig bago muling nagsalita. Mitchie: Well, naawa ako roon sa asawang buntis ni Braxton. Hindi ko gustong isipin na mahihirapan ang kanyang misis sa pagbubuntis nang dahil sa walang trabaho si Braxton. Ngumiti si Santi at inabot ang kaliwang kamay ni Mitchie at ikinulong iyon sa dalawang palad nito. Santi: Thank you for being an understanding wife, hon, and for being a good person. Pabirong nag-eye-roll si Mitchie. Mitchie: Kahit hindi naman ganyan ang aking naririnig sa ibang tao. Kahit sa sarili mong pamilya. Malalim na nagbuntung-hininga si Santi. Santi: Hindi pa lang nila nakikita ang totoong ikaw. Ang mahalaga ay alam ko kung sino talaga ang aking misis. Naniniwala akong maa-appreciate ka rin ng aking pamilya someday. Nagkibit-balikat si Mitchie. Mitchie: Well, si Kuya Rob ay medyo okay naman sa akin kahit alam kong pinakikisamahan niya lang ako. Ganoon din si Ate Callie. Pero, at least, may effort. Ngumiti si Mitchie na hindi umabot sa kanyang mga mata. Mitchie: Mas kilala nila ako bilang babaeng nakabaon ang mukha sa screen ng aking cellphone. Matapos sabihin iyon ay tumawa ng malakas si Mitchie na sinundan ni Santi. Santi: Well, totoo naman 'yon. Pero hindi pa nila natitikman ang sarap ng iyong mga luto. Baka nga mas masarap pa ang mga luto mo kaysa sa mga specialty ni Ate Callie? Binawi ni Mitchie ang kaliwang kamay mula sa pagkakakulong ng mga palad ni Santi roon. Mitchie: Naku. Huwag mo nang i-compare sa mga luto ni Ate Callie, hon. Amoy pa lang ay taob na ang aking mga luto. Sabay na nagtawanan ang mag-asawa hanggang sa iniba na nila ang topic ng kanilang usapan. Hindi napansin ni Mitchie na kanina pang may nagpapadala ng mensahe sa kanyang phone dahil inilagay niya ito sa silent mode kanina bago bumaba ng kotse. Gigil na gigil na kay Mitchie ang taong iyon na kanina pang nagpapadala ng mensahe sa kanyang phone. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD