CHAPTER 14

2157 Words
ROXY's POV Gosh! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Imagine, magkatabi kaming nakaupo ni Rob sa loob ng auditorium ng pinuntahan naming movie house kanina. Basang-basa ang hiyas ko sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin ni Rob na sinadya kong ilang beses na mangyari. Tulad nang dati, tadhana na naman ang gumawa ng paraan para magkatabi kami ni Rob ng upuan kanina. Dahil ngayon ang huling araw na ipinalabas ang foreign movie kung saan bida ang favorite Hollywood actor ni Rob kaya maraming tao ang humabol sa panonood ngayong araw. At dahil marami nga ang tao, puno na ang loob ng auditorium nang pumasok kami nina Rob at Mavie roon kanina. Eksaktong nakakita ng tatlong vacant cinema seats si Mavie sa bandang itaas ng auditorium kaya roon kami naupo. Sa sobrang excitement ng anak ni Rob na si Mavie ay agad itong umupo sa pinakadulong upuan. Nakangiting lumingon sa akin si Rob at inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay para paunahin akong maglakad papunta sa mga bakanteng upuan. Ngumiti akong pabalik kay Rob at umiling. Bumulong pa ako sa kanya at sinabing mauna na siyang maglakad para magkatabi silang mag-ama. At ganoon nga ang nangyari. Sumunod si Rob sa kanyang anak. Tumatawa pa si Rob dahil sa nakakahawang excitement ni Mavie. Nasa likuran ako ni Rob at sabay kaming naglakad patungo sa dalawang bakanteng upuan. Hay. Naaalala ko pa nang magkadikit ang mga bisig namin ni Rob dahil sa sabay naming pag-upo. Sandali pa akong natigilan dahil sa parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa aking sistema. Nang tumingin ako kay Rob ay napansin kong parang natigilan din siya. Inisip ko pa nga kung nakaramdam din si Rob ng parang boltahe ng kuryente sa kanyang sistema rahil sa pagkakadikit ng aming mga balat. Nang makaupo na kami ay ganoon na lamang ang aking pagpipigil para huwag yakapin si Rob. Grabe. Kinikilig pa rin ako sa mabangong amoy ni Rob hanggang ngayon. Gustung-gusto kong yakapin si Rob kanina at amuyin ang kanyang pinaghalong natural na amoy at pabangong ginamit na nanunuot sa aking ilong hanggang sa matapos ang movie na aming pinanood. Feeling ko ang sarap makulong sa malapad na dibdib at malaking mga braso ni Rob. Feeling ko ay gagaan ang aking pakiramdam at mawawala ang lahat ng aking pagod sa trabaho sa tuwing yayakapin ako ni Rob at papalibot sa aking katawan ang kanyang mga braso at mga bisig. Hay. Bakit ba ang gwapo at ang sarap ni Rob Laguarte? Ginugulo ng isang Rob Laguarte ang aking sistema. Pero okay lang, kahit yanigin pa ni Rob ang aking mundo. Para sa aking love life at syempre para sa aking ambisyong yumaman ay willing akong gawin ang lahat mapasaakin lang si Rob Laguarte. So far ay maganda naman ang progress ng mga bagay-bagay sa pagitan namin ni Rob. Kung walang magiging problema ay mukhang malapit na kaming maging close sa isa't isa. Isa lang naman ang naiisip kong pwede naming maging problema ni Rob. Iyon ay ang kanyang asawang si Callie na sobrang hate ako. Inagaw ko lang naman mula kay Callie ang first boyfriend nitong si Liam noong nasa High School kami. Well, anong magagawa ko? Bata pa lang ako ay gusto ko nang yumaman at kumawala mula sa hirap. Kaya nga lagi kong sinisisi ang aking mga magulang dati kung bakit sila pa ang naging aking mga magulang. Nakakainis lang na walang choice ang mga taong mamili ng kung sinu-sino ang mga taong gusto nilang maging magulang. Dahil kung may choice lang ako ay hindi ko pipiliin ang aking mga magulang na parehong nagmula sa mahirap na pamilya. Bata pa lamang ako ay alam ko nang I am destined for greater things in life. Oh, erase that. Actually, I am destined for greatest things in life. Bata pa lamang ako ay alam ko nang nakatadhana akong makaalis mula sa hirap. Hindi tulad ng aking kapatid na si Bernadette, sumalangit nawa ang kaluluwa nito, na kuntento na sa kung anong mayroon kami rati. Para sa kapatid kong si Bernadette ay mas mahalaga pa rin ang buo at sama-samang pamilya kaysa sa mga materyal na bagay. Pero hindi ako ganoon mag-isip. Para sa akin ay mas masaya ang maalwang buhay. Kung maraming pera ay mas marami rin ang pwedeng gawin sa buhay. Well, sinabihan naman ako ng aking mga magulang at ng aking kapatid na kung gusto kong maabot ang aking pangarap na yumaman ay kailangang magtapos ako ng pag-aaral at magsumikap sa buhay. Alam ko naman iyon pero hindi ako ganoon kasipag mag-aral katulad ng aking kapatid na si Bernadette na laging nangunguna sa klase. Pagdating sa ibang bagay ay hinangaan ko si Bernadette dati. Matalino ito, determinado, at pursigido sa buhay. Masasabi ko namang matalino rin ako pero tamad lang akong mag-aral. Determinado at pursigido rin akong tao pero sa ibang bagay ko iyon inilalaan. At iyon ay sa paghahanap ng taong maaaring makapag-ahon sa akin sa hirap. Nang tumapak ako ng High School ay nagsimula akong mag-hunting ng mga lalaking estudyante sa school campus na alam kong nagmula sa mayamang pamilya. Balewala sa akin kung may girlfriend ang mga lalaking iyon o wala. Wala akong pakialam kung makasira ako ng relasyon. Ang mahalaga sa akin ay ang makalaya mula sa hirap. Noon pa man ay naniniwala na akong ang pangarap ay kailangang nilalangkapan ng kilos at gawa. Hindi pwedeng maghintay lamang ako kung may gusto akong makamit sa buhay. Kaya naman kumilos agad ako rati. Iba-ibang lalaki ang aking sinubukang akitin para alukin nila akong maging kasintahan nila. Kapag may nakita akong lalaking mas mayaman pa ang pamilya kaysa sa pamilya ng aking kasalukuyang kasintahan ay agad akong nakikipaghiwalay sa aking current boyfriend para makipagkilala sa aking bagong target na lalaking anak-mayaman. Hanggang sa makilala ko nga si Liam na unang boyfriend ni Callie. Si Callie na siyang best friend ng aking kapatid. Hindi na ako nagulat na nagkasundo sina Callie at Bernadette. Pareho kasi silang naniniwala na hindi mahalaga ang materyal na bagay sa mundo. Well, I know better. Sa mundong ito, ang pera ang pinakamahalagang bagay. Maliit ang tingin ng karamihan sa mga taong walang yaman at walang sinasabi sa buhay. Mas madali ang buhay para sa mga taong mapera at may kakayahang magbayad ng malaking halaga sa mga taong pwedeng gamitin ng mga ito para sa pansarili nilang mga interes. Kaya naman mas lalong sumisidhi ang aking ambisyon na yumaman magpasahanggang-ngayon. Dahil hindi patas ang mundong ito para sa mga taong mahihirap. Kaya naman nang makilala ko rati si Liam na siyang pinakamayaman sa lahat ng estudyante sa school kung saan ako nag-aral ng High School ay sinunggaban ko na agad ang pagkakataon. Nakipag-close ako kay Liam at hindi naman mahirap gawin iyon para sa isang taong tulad kong biniyayaan ng magandang mukha at magandang hubog ng katawan. High School boys are so easy. Landiin mo lang nang kaunti at pakitaan ng kaunting balat ay nanghihina na ang mga tuhod at tumitigil na agad ang paggana ng utak. Kaya naman hindi na ako nagulat nang madali kong nauto si Liam. Nalaman ko mula kay Liam noon na madalas itong mag-report sa girlfriend nitong si Callie kung saan ito nagpupunta at kung sinu-sino ang mga kasama nito. At iyon ang ginamit kong paraan para sirain ang relasyon nina Callie at Liam. Isang araw ay ipinahiwatig ko kay Liam na ang ginagawa nitong iyon ay hindi talaga nito sariling kagustuhan. Na baka ginagawa lamang ni Liam ang pag-a-update kay Callie rahil ipinaparamdam dito ng girlfriend nito na kailangan nitong mag-report ng whereabouts nito kay Callie all the time. Sinabi ko pa kay Liam na pwedeng masakal ito sa kanilang relasyon ni Callie kung patuloy nitong gagawin iyon. Na baka ipinaparamdam ni Callie kay Liam na gawin nito ang mga bagay na hindi naman talaga bukal sa loob nito. At syempre ang uto-u***g si Liam ay sumunod naman sa akin nang sabihan ko itong huwag i-text si Callie na magkasama kami nang oras na iyon para maramdaman naman nito minsan ang pagiging malaya. According to Liam ay gumaan nga raw ang pakiramdam nito matapos sundin ang aking sinabi. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay psychological lamang iyon dahil gustong paniwalain ni Liam ang sarili nito na tama ang aking sinabi. Maybe Liam just wanted to please me kasi nga ay nahulog na agad ito sa aking alindog. Mahinang nilalang si Liam. At mas napatunayan ko iyon nang hiwalayan ni Liam si Callie sa aking mismong harapan. Dahil nga sa kagustuhan ni Liam na i-please ako ay sinunod nito ang aking request na makipag-break ito kay Callie sa gitna ng school campus habang hawak nito ang aking kamay. Hiniling ko rin kay Liam na pagkatapos nitong hiwalayan si Callie sa harapan ng maraming tao ay ipakilala ako nito bilang bagong girlfriend nito na ginawa naman ng uto-u***g si Liam. I felt powerful when I saw the tears in Callie's eyes. Ang sarap sa pakiramdam na may isang mayamang lalaki ang pumili sa akin over another girl. Akala ko ay magtutuloy-tuloy na kami ni Liam pero hindi iyon ang nangyari. Hiniwalayan ako ni Liam matapos nitong magsawa sa akin. Tinapos ni Liam ang aming relasyon pagkatapos kong ibigay dito ang lahat. That's why I hate that guy. That's why I despise Liam. Pero rahil determinado at pursigido akong tao ay hindi naging dahilan si Liam para sumuko ako sa aking pangarap. Sa bawat mayamang lalaki na nakikilala ko, mga lalaking ipinaramdam sa akin na pipiliin nila ako sa huli, mga lalaking nakinabang sa aking katawan ngunit sa huli ay iiwan din ako, ay mas lalo akong nagiging motivated na mahanap ang mayamang lalaking para sa akin. At ngayon ngang nakilala ko si Rob Laguarte ay sigurado akong siya ang itinakda ng tadhana para sa akin. Totoong may mga ginagawa akong bagay para mapalapit kay Rob pero ilang beses na ring mismong ang tadhana ang gumagawa ng paraan para paglapitin kami ni Rob. Katulad na lamang nang malasing ang best friend ni Rob na si Waldo na siyang boyfriend ng aking best friend at roommate na si Fiona at dinala niya ito sa apartment unit namin ng aking kaibigan kung saan unang beses kaming nagkita ni Rob. Tadhana rin ang gumawa ng paraan nang magkabungguan kami ni Rob sa school kung saan ako nagtatrabaho bilang guro at kung saan nag-aaral ang anak ni Rob na si Mavie. At ang huli nga ay itong nagkatabi kami ni Rob sa loob ng auditorium ng movie house kanina. Tadhana ang gumawa ng paraan para magkatabi kami at ilang beses na magkiskisan ang aming mga balat. Palihim pa kaming nagngingitian ni Rob sa tuwing humihilik ang isa ko pang katabi sa loob ng auditorium na nakatulog habang nanonood ng movie. Ilang beses ko ring nahuling nakatitig sa akin si Rob sa tuwing tingin niya ay hindi ko siya mahuhuli. At sa bawat pagkakataong nahuhuli ko si Rob na nakatitig sa akin ay nginingitian ko lamang siya. Ganoon din siya sa akin sa tuwing nahuhuli ako ni Rob na nakatitig sa kanya. At madaling nangyari ang mga bagay na iyon dahil itinadhanang magkatabi kami ni Rob sa loob ng auditorium kanina. You see, kaya naman masasabi kong si Rob ang itinadhana sa akin because fate always intervenes between us. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Rob Laguarte lalo na at hindi na lamang yaman niya ang aking motivation ngayon kundi pati na rin ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit lamang si Rob at sa tuwing nagkakadikit ang aming mga balat. Maliban doon ay gusto ko muling maranasan ang masarap na pakiramdam na ako ang pinipili ng lalaki over another woman. I will make sure that Rob Laguarte will choose me over his future ex-wife Callie in the end. Si Callie lang ang naiisip kong pwede naming maging problema ni Rob oras na ikwento ni Callie kay Rob ang ginawa ko rito noon. Sigurado akong hindi pa alam ni Rob ang tungkol doon dahil kung alam niya ang nakaraan namin ni Callie ay hindi siya makikipaglapit sa akin. Kaya rapat maunahan ko si Callie. Kailangang maunang masira si Callie sa mga mata ng mister nito bago pa man ako nito masiraan kay Rob. Kapag nasira ko na ang magandang imahe ni Callie sa asawa nito ay mas magiging madali na para kay Rob ang magtaksil sa kanyang asawa. Isang ngisi ang sumilay sa aking mga labi rahil sa naisip kong plano. Agad kong dinampot ang aking phone sa ibabaw ng aking kama at nag-dial doon. Maya-maya ay may sumagot mula sa kabilang linya. Roxy: Hello. May I speak with Mister Liam Valderion? This is Roxana Valeriana. Isang mala-demonyong ngisi ang nakapaskil sa aking mukha habang nakikini-kinita ko na ang mga mangyayari oras na magtagumpay ako sa aking mga plano. Kawawang Callie. Muli ko na naman itong maaagawan. And this time I'm going to steal Callie's husband. Rob Laguarte is going to be mine. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD