CHAPTER 7

1464 Words
THIRD PERSON POV Inis na inis na inilapag ni Mitchie ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dining table habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa asawang si Santi. Mitchie: Hayan! Binitiwan ko na! Happy ka na ba?! Mataas ang tono ng boses ni Mitchie nang kausapin ang asawa. Humugot ng malalim na paghinga si Santi. Santi: Tell me what's your problem. Yesterday napaka-disrespectful mo sa harap ni Kuya Rob at ng mga magulang niya. For Pete's sake, Mitchie, it was Kuya Rob's birthday pero ang mukha mo ay halos bumaon na sa screen ng phone mo. You should have at least showed some kind of politeness. Ipinapahiya mo ako sa kanila. Nagpipigil si Santi na magtaas ng boses sa asawa. Nang muling magsalita si Mitchie ay hindi man lang bumaba ang tono ng boses niya. Mitchie: Hayan! Ang iniisip mo palagi ay 'yong iisipin ng ibang tao! Hindi mo man lang iniisip kung ano ang nararamdaman ko! Hinampas pa ni Mitchie ang dining table gamit ang kanang kamay na halos magkalampagan ang mga kubyertos sa ibabaw ng dining table. Kumunot ang noo ni Santi sa sinabi ng asawa. Santi: Wh-what did you mean? Nagbuntung-hininga si Mitchie. Nang muling magsalita ay medyo bumaba na ang tono ng boses niya. Mitchie: Really? Hindi mo alam? Umiling si Mitchie bago nagpatuloy. Mitchie: Nawawalan ka na ng time para sa akin, Santi. Hindi na kita maramdaman dito sa bahay. Kagabi, tinulugan mo ako rahil sa sobrang kalasingan mo even though I wanted to make love to you. Tumingala si Mitchie para hindi tumulo ang mga luhang nagsisimulang mangilid sa kanyang mga mata. Maya-maya ay muli niyang tinitigan si Santi. Mitchie: Kaya masisisi mo ba ako kung laging nakatutok ang mga mata ko sa screen ng phone ko rahil nakikipag-chat ako sa mga kaibigan ko? At least they do have time for me. Kaya nilang maglaan ng oras para sa akin. Oras na hindi kayang maibigay sa akin ng asawa ko kahit katiting man lang. Hindi ka naman ganyan dati. Dati may oras ka pa para sa akin. Ngayon kulang na lang ay magmakaawa ako sa iyo. Yumuko si Mitchie at marahas na pinunasan ang mga luhang dumaloy na sa kanyang magkabilang pisngi. Naiinis siya rahil hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga ito. Isang mahabang katahimikan ang namagitan kina Mitchie at Santi bago nagsalita ang lalaki. Santi: I-I'm sorry. Hi-hindi ko alam na nakararamdam ka na pala ng ganyan. Na-naging busy ako rahil tini-train na ako ni Kuya Rob fo-for managerial position. Sukat sa sinabing iyon ni Santi ay umangat ang ulo ni Mitchie mula sa pagkakayuko. Hilam ang mga mata ng luha. Mitchie: Ma-managerial position? Ma-magiging manager ka na? Biglang nagningning ang mga mata ni Mitchie at masayang ngumiti sa kanyang asawa. Mabagal na tumango si Santi at ngumiti na rin dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng asawa. Santi: I-I wanted to surprise you on your birthday sana, pero I guess kailangan kong sabihin na iyon ngayon para ma-explain ko kung bakit busy ako these past few weeks. I'm really sorry, hon. Sa sobrang pag-aasikaso ko para sa future natin ay hindi ko namalayang nawawalan na pala ako ng oras sa misis ko. Ang mukha ni Santi ay parang humihingi ng pasensya kay Mitchie. Si Mitchie naman ay nakangiting umiling at biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit si Mitchie kay Santi at kumandong sa kaliwang hita nito. Ikinawit ang kanyang dalawang bisig sa leeg ng asawa. Mitchie: Ano ka ba, hon? Bakit ka nagso-sorry? Wala kang kasalanan. For our future 'yang ginagawa mo. There's nothing wrong with that. Naiintindihan ko. Mahal na mahal kita. Hinalikan ni Mitchie ang asawa sa mga labi nito. Tuluyan nang nakalimutan kung bakit naiinis at nagtatampo siya sa asawa kanina. Santi: I love you too, Mitchie. I will do everything in my power to make you happy. ---------- ROB's POV Nakahiga na ako rito sa kama namin ng asawa kong si Callie, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko si Roxy, ang teacher ng anak kong si Mavie. Hindi ko alam, pero simula nang magkita kami kagabi ay hindi na siya nawala sa aking isip. Kahit anong pilit kong huwag siyang isipin ay bumabalik-balik pa rin siya sa aking isip at mas lumala pa rahil sa pagkikita namin kanina sa school ng anak kong si Mavie. Marahil ay hindi ko pa rin tuluyang nakakalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ni Roxy. Isang gabi ng pagtataksil kay Callie. Kaya naman nang muli ko siyang makita ay parang alon na rumagasa sa aking isipan ang alaala ng gabing iyon na punung-puno ng init at pagnanasa. Naaalala rin kaya niya ang gabing iyon na aming pinagsaluhan? Dahil noong nagkita kami kagabi ay wala akong nabanaag na recognition sa mga mata niya na kilala niya ako. Samantalang ako ay tandang-tanda ko ang mga mata niyang iyon. Roxy, bakit mo ginugulo ang aking isipan? So siya ang Roxy na sinasabi ng aking misis na teacher ng anak naming si Mavie. Iyong laging ikinukwento ni Callie na strict teacher daw. Minsan nga pakiramdam ko ay ayaw ni Callie kay Roxy. Dahil ba sa strict ito? Pero tama naman ang ina ko sa sinabi nito kahapon na ginagawa lang ni Roxy ang duty niya bilang guro. Hindi kaya may iba pang dahilan si Callie? Bukas nga ay uusisain ko ang aking asawa tungkol kay Roxy. Pero baka maghinala siya kung bakit bigla akong naging interesado sa guro ng anak namin? Hay. Bakit ba ginugulo ni Roxy ang utak ko? Ipinikit ko na ang aking mga mata at sinubukang matulog. Bukas ay sana hindi ko na masyadong isipin pa si Roxy. ---------- ROXY's POV Nandito kami ni Fiona ngayon sa isa sa mga branch ng restaurant ng pamilya ni Rob Laguarte. Talagang sinunod nito ang payo ko rito kagabi. Nang matapos ang huling klase ko kanina ay sinundo ako ni Fiona sa school kasama ang boyfriend nitong si Waldo. Dito kami dumiretso sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Rob. Ang lalaking tinatrabaho ko para makamit ang ambisyon kong yumaman. Naaalala ko pa kung paano ko na-convince ang best friend ko kagabi na magpunta kami rito ngayon. Nilingon ko si Fiona na ngumangata ng junk food habang pinapanood ang favorite love team nito sa TV. Roxy: Fiona, 'di ba nasabi mong may-ari ng maraming restaurants 'yong family ng best friend ng boyfriend mo? Nakakunot ang noong lumingon sa akin si Fiona at maya-maya ay tumango. Fiona: Oo, bakit? Pilya akong ngumiti sa aking kaibigan. Roxy: Well, naisip ko lang naman na kung gusto mong bumawi kay Rob sa pagpapakita mo ng hubad mong katawan sa kanya kahapon, eh 'di puntahan mo siya sa pinagtatrabahuan niyang restaurant. Maybe apologize to him? Kahit isama mo ako after class. Nakita kong parang nag-isip si Fiona at maya-maya ay tumango. Fiona: Good idea nga 'yan, best friend. Kaso hindi ko alam kung saang branch siya nagwo-work. Hay naku, hindi talaga nag-iisip ang kaibigan ko. Kawawa naman. Ngumiti ako kay Fiona bago nagsalita. Roxy: Ano ka ba, best friend? Anong ginagawa ni Waldo? Syempre kasama natin 'yong boyfriend mo kapag pumunta sa restaurant ni Rob para mas ma-feel ni Rob na sincere ka sa paghingi mo ng apology kasi kasama mo 'yong boyfriend mo na best friend naman niya. Para akong nakikipag-usap sa bata habang nag-e-explain kay Fiona. Nakita kong nag-isip ang aking kaibigan. Maya-maya ay ngumiti ito. Fiona: OMG, best friend! You're so brilliant talaga! Tuwang-tuwa si Fiona. Nag-worry kasi ito na baka iwasan na ito ni Rob after nang ginawa nitong pagpapakita ng hubad na katawan kay Rob. Nadala lang daw ito ng emosyon. Well, brilliant naman talaga ako. Ikaw lang naman, Fiona, ang hindi. Kaya nga uunahan na kita kay Rob. I'm sorry, best friend. Kaya naman nandito na kami ngayon kung saan nagtatrabaho ang man of my dreams. Ang lalaking magdadala sa akin sa karangyaan. Waldo: O, guys. Nag-text na si Rob. Palabas na raw siya ng office niya. Ang sabi ko sa kanya ay formal kong ipakikilala ang girlfriend ko sa kanya kahit na ba nakita na niya ang aking baby Fiona noong isang gabi. Inakbayan pa ni Waldo ang kaibigan kong si Fiona. Kawawang lalaki. Ginagamit lang ng best friend ko para mapalapit sa best friend nitong si Rob. At kawawang Fiona rahil uunahan ko ito sa lalaking target nito. Humalakhak ako sa aking isip na natigil nang makita kong palapit na sa amin si Rob. Grabe. Sobrang hot ng future husband ko. Kahit pagod sa work buong araw ay parang ready pa rin siyang trumabaho ng iba at sa aking isip, ang aking hiyas ang kanyang tinatrabaho. OMG. Me and my naughty mind. Pero bakit ganoon? Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita ako. Wrong move ba ako? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD