CHAPTER 1

1175 Words
THIRD PERSON POV Isang munting salu-salo ang nagaganap sa bakuran ng mag-asawang Laguarte. Kaarawan ng ama ng tahanan na si Rob at inimbitahan niya ang mga magulang na sina Samuel at Sunday na pumunta sa bahay niya at ng kanyang asawang si Callie para dumalo sa isang munting kainan kung saan ang lahat ng handa ay gawa ng kanyang maybahay. May isang anak na babae ang mag-asawa na si Mavie. Naroon din ang kanyang stepbrother na si Santi at ang kanyang stepsister-in-law na si Mitchie. Inimbitahan niya rin ang kanyang best friend na si Waldo. Ang nag-iisang ninang ng kanyang anak na si Olive ay inimbitahan naman ng kanyang asawa. Rob: Tikman mo itong chocolate cake na gawa ni Callie, Papa. Siguradong masasarapan ka. One of the best. Inabutan ni Rob ng isang platitong cake ang ama. Proud na proud siya sa galing sa pagbi-bake ng kanyang pinakamamahal na asawa. Samuel: Hindi ba 'yan masyadong matamis, hijo? Hindi na maganda sa kalusugan ko ang mga pagkaing matatamis. Three months ago nang ma-diagnose na may diabetes ang ama ni Rob. Sa ngayon ay nasa bahay na lamang nila ito at tanging ang kanyang inang si Sunday at siya ang mga namamahala ng kanilang mga restaurant sa iba't ibang panig ng Luzon. Rob: Minsan lang naman ho, Papa. Hindi ko po kayo pipilitin kung ayaw niyo po. Sunday: Huwag mo nang ipilit ipakain sa ama mo 'yan, Rob. Maselan na siya sa mga pagkain ngayon. Hindi na siya pwedeng kumain ng kung anu-ano basta-basta. Callie: Oo nga naman, hon. Baka makasama pa kay Papa? Ialok mo na lang kay Waldo. Mukhang kanina pa siya takam na takam diyan. Napatingin ang ibang bisita sa best friend ni Rob na mukhang naglalaway na sa chocolate cake. Nagtawanan ang mga ito. Rob: Grabe ka, pare. Parang gusto mong lamutakin itong cake ni Callie. Hindi lang para sa 'yo ito, uy! Waldo: Alam mo namang favorite ko lahat ng home-baked cakes and sweets ng misis mo, pare. Bakit kasi hindi na lang itong si Callie ang magluto sa restaurants niyo? Paniguradong mas lalakas pa ang negosyo niyo. 'Di ba, Tito Samuel? Tita Sunday? Rob: Para namang hindi mo kilala ang asawa ko. Mas gusto niya ang sumasali sa outreach programs kaysa gugulin ang buong araw sa pagkita ng pera. Kaya nga mahal na mahal ko ito. Inakbayan ni Rob si Callie at hinalikan sa pisngi sa harap ng lahat ng bisita. *mwah* Namula naman si Callie at siniko ang matigas na tiyan ni Rob. Callie: Bolero! Mavie: Ang sweet nila Daddy at Mommy! Nagtawanan ang ibang bisita sa biglaang pagsasalita ni Mavie na kanina pang nilalantakan ang maja blanca ni Callie. Sunday: Ang cute talaga ng apo ko. Manang-mana sa kanyang Lola. Samuel: Paanong magmamana 'yan sa 'yo? Eh, palagi kang nakasimangot. Biglang napataas ang kilay ng ginang sa kanyang asawa at umirap ito. Nilapitan ni Rob ang ina at niyakap sa leeg mula sa likod. Rob: Of course, Mama. Sa iyo talaga magmamana si Mavie pagdating sa ka-cute-an. Tinapik ni Sunday ng hawak nitong pamaypay ang kanang bisig ni Rob na nakapulupot sa leeg nito. Sunday: Tama nga ang asawa mo. Bolero ka talaga, hijo. Mitchie: This is so boring. Napalingon ang lahat kay Mitchie. Kanina pa ito nakatutok sa screen ng cellphone nito. Hindi umaangat ang ulo nito para makipagkwentuhan sa kanila. Sanay na si Rob dito. Hindi niya gusto ito para sa kanyang kapatid dahil unang-una ay napakawalang-modo nito. Wala rin itong masyadong respeto sa kanyang mga magulang. Pero pinapakisamahan niya ito rahil asawa ito ng kanyang kapatid. Nakanguso ang mapupulang labi nito habang kung anu-ano ang kinakalikot sa cellphone nito. Parang walang tao sa kanyang paligid at tanging ang cellphone lamang nito ang nag-e-exist. Santi: Eat your food, Mitchie. Tiningnan lang ni Mitchie ang asawa nito bago muling ibinalik ang paningin sa screen ng cellphone nito. Napabuntung-hininga na lamang si Santi. Napailing naman si Rob. Bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Callie si Rob. Nagsimula siyang magkwento tungkol sa teacher ni Mavie. Rob: Alam niyo ba, Papa, Mama, na hindi gusto ni Callie ang teacher ni Mavie? Biglang napalingon si Callie kay Rob. Callie: Rob… Rob: Kahit i-deny mo, hon, nararamdaman kong kapag ikinukwento mo ang teacher ni Mavie ay ayaw mo rito. Hindi ko pa man siya nakikita ay parang nakikita ko ng napakasungit niyang guro. Sunday: Why is that, Callie? Napatingin si Callie sa biyenan. Callie: Uhm… Nagbibiro lang po si Rob, Mama. Okay po ako sa teacher ni Mavie. Minsan lang talaga ay masyado siyang strict. Napayuko si Rob na tatawa-tawa. Siniko ito ni Callie. Sunday: That's their job, hija. Callie: I know, Mama. Mula sa peripheral vision ni Rob ay kitang-kita niya ang pagyuko ng ninang Olive ni Mavie sa ilalim ng mesa. Nang umangat ito mula sa pagkakayuko ay may iniabot ito sa kanyang best friend na si Waldo. Mabilis itong kinuha ni Waldo mula sa nakakuyom na kamay ni Olive. Para itong manipis na tela. Ngiting-aso naman ang kaibigan niyang si Waldo. Iniisip ni Rob kung ano ang pulang telang iyon. ---------- Sa apartment ng magkaibigang Roxy at Fiona ay walang humpay ang kwentuhan at pag-aasaran ng dalawa. Fiona: Kumusta naman ang pagtuturo mo, best friend? Nagkibit-balikat si Roxy. Roxy: Medyo boring. Makukulit ang mga bata. Pero natutuwa ako sa isa kong estudyante. Matalino siya. Parang ako. Nag-hair flip pa si Roxy na ikinatawa ng kaibigan. Fiona: Talaga lang, ha? Baka anak 'yan ni Callie, ha? Napaismid si Roxy. Roxy: Siya nga. Pero huwag na natin 'yon pag-usapan. 'Yong bago mong boyfriend ang pag-usapan natin. Si Waldo. Kumusta siya? Fiona: Alam mo naman kung bakit ko ginawang boyfriend 'yon, 'di ba? Iba ang totoong target ko. Napangisi si Fiona. Roxy: 'Yong kaibigan niya. Fiona: Yeah. Tingnan mo ito. Sobrang hot! Sumilip si Roxy sa monitor ng laptop ni Fiona. Kitang-kita niya ang lalaking naka-topless. Tanging board shorts lamang ang suot. Sobrang gwapo ng mukha nito na napapalibutan ng maninipis na bigote at balbas. Nakakaakit ang mata nito. Muscular ang body type. Mukhang masarap yakapin. Mukhang makinis at malambot ang balat. Mukhang mabango. Parang ang sarap-sarap. Roxy: A-anong pangalan niya? Tumawa si Fiona sa pagkabulol ng kaibigan. Fiona: Ano ba 'yan? Nakakita ka lang ng gwapo ay nabubulol ka na. Rob. Rob Laguarte. Roxy: Laguarte? Napatango si Fiona. Fiona: Oo. Alam mo bang maraming pagmamay-aring restaurant ang pamilya nito? Sobrang yaman nito. Kaya ito ang target ko. Gagamitin ko lang si Waldo. Ang problema ay may asawa na ito. Pero okay lang. Madali lang naman sa akin ang mang-agaw ng asawa ng iba. Malakas na humalakhak si Fiona. Hindi napansin ni Fiona na hindi na nakikinig sa kanya ang kaibigan. Malalim ang iniisip nito. Iniisip ang apelyido ng lalaking ipinakilala ng kaibigan. Sa isip nito ay familiar ang apelyido ng lalaki. Laguarte… Laguarte… Aha! Mavie. Kathryn Maverick Laguarte. 'Yan ang tumatakbo sa isip ni Roxy. Iniisip nito kung kamag-anak ng estudyanteng si Mavie ang mayamang lalaking ipinakilala ni Fiona. Isang makahulugang ngisi ang sumilay sa labi ni Roxy. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD