Chapter 2
“Tataas po ang bayad? Bakit naman po?” Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi ng landlady namin.
“Diba may usapan po tayo noong una pa lang po?” Sabat ni Jonas. “Yung usapan nga po natin ay ako lang mag-isa sa bahay na eto tapos idinagdag mo si Anna tapos ngayon magtataas ka pa po ng renta?”
“Aba. Tumaas din kaya ang mga bilihin.” Rason ng landlady namin.
“Ano pong connect ng bilihin sa bayarin sa bahay?” tanong ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.
“Hindi naman kayo mag-jowa diba? Pumili na lang kayo. Magdadagdag ako ng tenants dito o tataas ang renta niyo.”
“Eh kung dadagdagan niyo po ang titira rito dapat bababa rin ang renta namin.” Sanadaling nagkatinginan kami ni Jonas at nagulat ako ng kinindatan niya ako. “Mukhang hindi naman makatarungan ata iyon, Mamita.”
Makikita na sandaling natigilan ang landlady namin sa tawag sa kanya ni Jonas. Tumayo na rin siya para lapitan eto at hinawakan ang mga kamay nito.
“Alam mo naman na sobrang hirap pumasada ng taxi, Mamita. Lahat ko na lang na benta ay sa boarding house mapupunta eh paano pa tayo makakapag-date sa katapusan?”
Lihim na napangiti ako sa galawan ni Jonas.
Hindi ko aakalain na ang taong tumulong sa akin na magpagawa ng bagong kilanlan ay siya rin ang magiging housemate ko na nakakasama sa loob ng mahigit na tatlong buwan.
Siguro bukod sa mga kantyaw palagi ni Jonas sa akin ay gusto ko siya bilang tao. Mabait naman siya at maalalahanin kahit palagi niyang pinapatay ang tubig sa banyo ko. Palibhasa sa banyo niya ang gripo na naka-connect sa banyo ko kaya Malaya niyang napaglalaruan ang gripo ko.
Siguro nga ay utang na loob ko ang lahat kay Jonas simula ng umalis ako sa amin. Kahit hindi kami palaging nagpapansinan o vocal sa isa’t isa ay ramdam ko ang pag-alala niya sa akin.
Tao pa rin naman siya so far.
May kanyang-kanya kaming kwarto at banyo sa loob ng bahay kaya napapanatiling pribado ang sarili namin.
Ni minsan sa mahigit na tatlong buwan na housemate kami ay hindi siya nagtanong kung ano ang rason kung bakit ako nagpagawa ng pekeng ID at kung ano ang totoo kong pagkakilanlan.
At malamang hindi niya rin alam na buntis ako.
Palaging nakaipit ang tiyan ko sa tuwing lalabas ako o hindi kaya nakasuot ng malalaking damit para hindi mahalata.
Sa ngayon.
Sa ngayong hindi pa gaano malaki at kaya pang itago ang tiyan ko. Tiyak na papaalisin din ako sa diner sa oras na malaman nila na buntis ako.
“O siya. Sige sige. Titignan ko lang muna ang ang renta niyo, nagigipit na rin ako pero hahanap ako ng paraan.” Sabi ng landlady namin at ang taas ng ngiti niya kay Jonas.
Tumango lang si Jonas at sinuklian ng ngiti ang Teresita na Landlady namin. Agad naman siyang nagpaalam na mauna na matapos ang pambobola ni Jonas sa kanya.
Napahinga ako ng maluwag ng tuluyang sumara ang pinto ng bahay. “Akala yun na yun.” Bulong ko at sa pang-ilang pagkakataon ay makikita ang smug face ni Jonas na kay sarap sampalin.
“Diba? Sabi sa’yo ako ang bahala.” Aniya at nairap ako sa kanya ng tingin.
“Yabang heh!” tumayo na ako sa kinauupuan kong papag na upuan. bitbit ko rin ang bag ko dahil pagdating ko ay saktong dumating din ang landlady namin.
Papasok na sana ako ng kwarto ko ng bigla akong tumigil dahil kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako kay Jonas na nakatingin din pala sa akin at nakataas ang kilay niya.
“Bakit?” tanong niya na tila ba nagdududa.
“Kain tayo sa labas. Libre ko.”
“Kahit binulong mo yung salitang Libre ko ay dinig na dinig ko iyon kaya tara na! Minsan ka pa sa blue moon mang libre kaya iga-grab ko iyon at kakain ng marami!”
Napatawa na lang ako at pumasok ng kwarto para ilagay ang bag ko.
“Saan mo gustong kumain? Sa Diner? Jollibee? Mcdo?” tanong ko sa kanya at nakita ko na nag-iisip siya habang naglalakad kami papunta sa pinto para lumabas.
“Paano kaya kung lumuwas tayo at pumunta ng siyudad?” natigilan ako at nakatingin lang sa likod niya habang isinasara at kinandado niya ang pinto ng bahay.
Siyudad?
Malaki naman ang siyudad diba?
Kahit tatlong buwan na ang nakalipas at nagtago ako sa isang maliit na pamayanan na malayo sa siyudad ay hindi ko pa rin maiwasan na matakot at maalala ang nangyari.
Dapat mabubuhay na ako bilang Anna Mendoza. Hindi ko na dapat babalikan ang nakaraan ko dahil napaka-f****d up at malas ang buhay ko doon.
Okay na ako bilang Anna.
Okay na ako na tumira sa Municipality of Maunlad.
Okay na ako na mag-isa.
Pero Malaki naman ang siyudad at napakaraming tao diba? Imposible na magtatagpo kami ng mga taong ayokong makita sa sandaling eto. Diba?
“Anna!” nabalik ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si Jonas at kinakawayan niya na rin pala ako. “Akala ko natulog ka na.” bulong niya at napatawa na lang kami.
Pumunta na kami sa taxi niya at pumasok na kami ng tuluyan.
Kung hindi ako tinulungang ni Jonas noong araw na iyon ay hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Sobrang Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hindi ko man masabi sa kanya ay sobrang pasasalamat ko sa kanya.
“Linggo naman bukas. Day off mo diba? Pumayag ka na na luluwas tayo ng siyudad!” aya niya at pinaandar ang taxi. “Ang huli kong punta doon ay lumuwas para kumuha lang ng drivers license. Sige naaa.”
Iniripan ko siya at tuluyang napatango. “O siya sige sige.” Napabuntong hininga ako at napailing. “Basta huwag mahal ah?” nakita ko na ngumiti siya at tinanguan ako.
“Yes po, Master!”
Pinatigil ko siya sa isang pamilyar na lugar.
“Chimera Dine?” basa niya habang nasa loob pa kami ng sasakyan. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
“Mukhang mahal ata diyan, Anna. Jollibee na lang kaya tayo? Tignan mo naman ang mga damit ng kumakain sa loob mukhang nakaplantsa talaga. Eh tayo? Pang limang araw ko na ‘tong damit na ‘to, tinatamad akong maglaba.”
Nakasuot ako ng puting tshirt at jeans habang siya ay naka track pants lang at hoodie dahil malamang ay maaga siyang nakaipon ng boundary.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Yuck!” biro ko sa kanya at nauna ng lumabas ng kotse.
“Pero sure ka ba na, Anna, na dito talaga tayo kakain?”
“Minsan lang ako manglibre. Isipin mo iyan, Jonas.”
Sa isang iglap ay kulang na lang magspark ang mata niya at agad na umayos ng tayo. “Saan ba papasok dito? Baka mag bago pa ang isip ng sumpungin na ‘to.”
Nagkatawanan lang kami at tuluyang pumasok. Pwede lang mag-walk in as long as mag provide lang ng pangalan at ID na iiwan sa guard. Ibinigay namin dalawa ang ID namin at sandaling sinuri ng guard eto bago tumango at binuksan ang pinto sa amin.
Agad kaming umupo at inabutan kami ng waiter ng menu at nakita ko ang panlalaki ng mata ng isa ng makita ang presyo. Ang nawithdraw ko na pera mula sa bangko noong lumayas ako ay hindi ko iyon nagalaw bukod na lang noong magbayad ako ng one month advance at one month deposit ko sa boarding house.
At dahil nga nagtatrabaho rin naman ako sa isang diner at kahit maliit ang sweldo ay natutustusan niya naman ang bahay at pangangailangan ko.
At sa tingin ko hindi naman masama na magcelebrate sa araw ng totoong birthday ko.
“Birthday ko kaya wag ka ng mahiya. Pili ka na, libre ko.” Nanlaki ang mata niya kaya nauna na akong mag order.
“Birthday mo?!” bulalas niya at parang hindi makapaniwala.
Tinanguan ko lang siya at napangiti akong bumalik ng tingin sa menu. May mga dish na nagbago. Pagtingin ko rin sa ambiance at motif ng Chimera Dine ay mas naging exquisite eto at Malaki ang pinagbago. I just shrug at tumingin sa menu. At halos numagalpak ng tawa ako at ng waiter kay Jonas dahil sinusundan niya ng turo ang lahat na binabanggit ko na order.
“Anna! Ang mahal nun para sa isang kainan lang natin!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “anong sinasabi mo na natin? Order ko pa lang yun. Pumili ka ng sa iyo!”
Hindi ko alam na mas may ikalalaki pa pala ang mga mata niya sa gulat.
“Ano? Eh hindi ko nga masambit ni isang salita na nakasulat dito!”
--
a/n: What do you think of Nathan? :D Don't hate me pls! :))
Stay Safe and stay hydrated! I love you all sm! Please tell me about your thoughts and comment below! ILYOU!!!