Chapter 3

1274 Words
  Chapter 3   Nasa pang pitong na buwan na ako ng bigla akong mapatid habang naliligo ako sa banyo at nakaramdam ako ng sobrang sakit at kirot sa tiyan ko. Napahawak ako ng mahigpit dito at lumakas ang kabog ng dibdib ko sa takot. Kakapitong buwan pa lang ng tiyan ko kaya hindi pwede na lalabas na ang anak ko. Pero ng maramdaman ko na may pumutok sa loob ko at kahit pinatay ko na ang shower ay malakas pa rin ang daloy ng tubig sa hita ko ay tuluyan akong napasigaw. “Tulong!” Kahit masakit ay pinilit kong lumabas ng banyo at abutin ang duster ko. “Jonas! Tulong!” Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ko at sigaw ni Jonas. “Anong nangyayari, Anna?! Buksan mo eto!” Sobrang sakit pero pinilit ko pa rin na pumunta ng pinto para buksan iyon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Jonas na kakagising lang dahil may laway pa eto sa bibig at gulo gulo pa ang buhok. Naka boxer lang din eto at nakapaa. “Manganganak na ako, dalhin mo ako sa ospital, please.” “Manganganak?!” Pero imbis na umusisa pa ay agad akong kinarga ni Jonas papunta sa taxi niya. Impit akong napasigaw sa sakit ng maramdaman ko ang ulo ng bata. “s**t! Huwag ka munang lumabas!” Nilingon ako sandali ni Jonas at walang pasabi na agad niyang pinaandar at pinalipad ang taxi niya patungo sa pinakamalapit na hospital.  -- “The baby is premature.” At para bang lumutang ako sa ere sa narinig ko mula sa doctor. “Because he’s just 123 days and you mention na nadulas ka habang naliligo made him come out.”           Kasalanan ko ‘to.           At madadamay pa talaga ang anak ko sa kamalasan ko. “Also he has an acute bronchitis, Ms. Mendoza. Premature babies are vulnerable on this so he should undergo to a high doses medications so that he can fight the bacterias and that really costs a lot. I think we should give you a heads-up on how expensive those medications will be.” Tahimik ko lang pinakinggan ang sabi ng doctor at hindi na umimik. “Babalik ako to check you later. Okay?” The doctor left at parang pinagsukluban ako ng langit at lupa habang nare-realize ang mga sinabi niya. Nanlalamig din ang katawan ko sa takot. Bakit kailangan pagdaanan ng walang kasalanan na bata ang sitwasyong iyan? Siguro dahil kasalanan ko na rin dahil sa pag-iipit ko sa kanya at hindi nag-iingat. Bakit kailangan ko mapatid o madulas? Bakit hindi ako nag-iingat? Kasalanan ko eto. Napakawalang kwenta kong Ina. Biglang bumukas ang kurtina ng kama ko at nakita ko si Jonas na Nakasuot ng lab gown. “Sorry.” Agad ko na ipinikit ang mga mata ko na pahiwatig kay Jonas na hindi ko siya kayang harapin at ang mga tanong niya. Masyadong mabigat sa pakiramdam ang mga pangyayari at nasasaktan ako na kailangan pagdaanan ng bata ang lahat ng kamalasang eto. “Hindi mo kailangan mag-explain kung iyan ang iniisip mo, Anna.” Panimula niya at tuluyan na ngang naupo sa upuan sa tabi ng kama ko. “Alam ko na yan eh.” Napataas ang tingin ko sa kanya at napakunot ng noo. Tama ba ang narinig ko? “Alam ko na sa simula pa lang ay buntis ka pero hindi lang ako nagsalita o nagtanong dahil desisyon mo iyon at alam ko na may rason kung bakit mo iyan ginagawa. Alam ko na may dahilan kung bakit kailangan mo itago ang pagbubuntis mo at alam kong may dahilan kung bakit ka humingi ng bagong kilanlan pero hindi nag bago ang tingin ko sa iyo bilang tao. Mas lalo pa akong namangha sa’yo dahil sa tapang na pinakita mo sa loob ng ilang buwan nating magkasama sa bahay. Kaya sana hindi bumaba ang tingin mo sa sarili mo dahil sa mga nangyayari. At oo, para rin sa pagkakaalam mo. Simula nang manganak ka ay hindi pa ako nakauwi. Umalis ako ng bahay natin na boxer lang ang suot at nakapaa at mabuti na lang ay binigyan ako nang mga nurses ng lab gown at pinahiram ako ng tsinelas dahil ubo na ako ng ubo at pinagtitinginan ako ng mga ibang pasyente.” Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi niya sa huli at napapikit ako ng mga mata sa sakit nang maramdaman ko ang hapdi sa tahi ko. Nagtagpo ang mga mata namin at nanginig ang bibig ko dahil sa ambang maiiyak ako. “Alam mo simula pa lang?” tanong ko at tumango lang siya. “Bakit hindi ka nagtanong o nagsalita?” “Kagaya ng sabi ko, alam ko na may rason kung bakit mo iyon ginagawa. It’s you choice, Anna.” Si Jonas. Ang tanging liwanag at pag-asa na dumating sa akin sa panahon na walang-wala ako. “Magpahinga ka muna at ako na ang titingin sa baby.” Aniya at nakaramdam nga ako ng pagod sa buong katawan sa isang iglap. Sampung oras din ako naglabor sa anak ko sa mainit na provincial hospital na eto. Suplada pa ang nurse na nakatoka sa akin kaya parang sobrang pagod na pagod ako ngayon. “Lalake siya diba?” tanong ko kahit sobrang bigat na ng mga mata ko. “Oo. Lalake siya, Anna. At alam kong malalagpasan niya ang sakit niya dahil mana siya sa iyo.” Hindi man kami kadalasan nag-uusap ni Jonas sa normal na mga araw pero malaki ang pasasalamat ko na nandito siya ngayon sa tabi ko. Like a friend. A true friend. “Ano nga pala ang gusto mong ipapangalan sa kanya?” Napangiti ako ng maalala ko ang lamig. Coldness. Lamig sa mga mata. Sa mga tingin. Lamig ng mga kamay niya. Lamig. Snow. Si Olaf. “Winter. Winter Mendoza.”     At tuluyan na nga akong nahulog sa karimlan at katahimikan.   --   Tulak-tulak ako ni Jonas papuntang nursery. Itinigil niya ang pagtulak sa wheelchair ko sa harap ng malaking crystal na makikita ang mga bata sa loob ng nursery. At walang kasidlan ng tuwa ko ng makita ko ang batang may name tag sa itaas ng incubator niya na naglalahad na siya si Baby Winter Mendoza - MALE. Ang liit niya kompara sa ibang bata. Sorry. Sorry kung bakit ako pa ang naging ina mo. Pasensya na kung bakit kailangan mong dumaan sa kamalasan ng buhay ko. pero mahal na mahal kita, Winter. Sana maging matatag ka kahit para lang sa sarili mo. I love you more than anyone, Winter. And I am so sorry for having bad thoughts of having you. “Diba kayo po ang parents ni Baby Winter?” napalingon kami sa tabi namin at nakita ko ang isang nurse. “Nakakatuwa po si Winter sa totoo lang. Habang tumatagal po siya rito sa hospital ay nagiging healthy po siya. Makikita sa vitals niya na lumalaban po talaga si Baby Winter.” Mabuti na lang ang pagiging mahina ay hindi mo nakuha sa akin, winter. “Go niyo lang po ang medications ni Baby at within 2-3 months ay makakalabas na po siya kung bubuti lalo ang sitwasyon niya.” Nagpaalam na ang nurse at nginitian kami bago umalis. Napatingin ako ulit kay Winter. “Gagawin lahat ni Mama ang lahat para lang maging malakas ka.” Bulong ko at napahawak na lang ako sa crystal ng nursery at nasasabik sa hawak ng anak ko.    --- a/n: tell me your thoughts about Nathan? Why do you think he's so nice to Melody? Does it have reasons? Tell me your thoughts!!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD