"Goodbye! Aalis na ako S, thanks for letting me here..." ani pa ni Casmiro na noo'y nasa bukana na ng gate. Ngumiti lang si Socorro saka pa umiling. "No, ako dapat ang magpasalamat. Salamat sa tulong, kung wala ka kanina, wala akong ipambabayad sa grocery, and i'm sure i'll gonna walk bare footed, dahil wala akong sasakyan." Ngumiti si Casmiro saka napakamot sa sariling batok. Mayamaya pa ay agad na itong kumaway at tinungo ang labasan. "Sige, aalis na ako, bye." "Ingat ka." Habol pa ni Socorro kay Casmiro saka pa ngumiti. Nang makasilid na sa kotse ang binata ay nakita pa niyang sinipat siya nito saka ngumiti nang makahulugan. Hindi man niya sinasadya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman habang nakatitig ang mata nito sa kaniya. Casmiro had these tantalizing eyes na animo'y h