EPISODE- 1
NICA POV.
HINDI ko alam kung isang panaginig ang nangyayaring ito sa akin ngayon. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Nalalasing ako sa kakaibang pakiramdam na ibinibigay ng mga haplos na iyon sa aking katawan. Napaliyad, napaangat ang aking balakang sa kiliting dulot nang mainit na bagay. At hindi ko mapigil ang mapadaing sapagkat ngayon ko lang iyon nararanasan.
“You’re mine, Angelic akin ka lang ang iyong kainosentehan. At ganun din ang pagka fragile mo ay ako lamang ang may karapatan. Sapagkat ngayon ay pagmamay-ari na kita.”
“More, aah!" utos ko na may kasamang mahabang ungol. At ang mga binubulong niya ay hindi ko na rin masyadong maunawaan dahil sa ginagawa niya sa akin. Naliliyo ako sa matinding init na lumulukob sa aking kaibuturan. At ang kakaibang sarap na ngayon ko lang nararanasan. Mas lalo pang nagpapasidhi sa nag-aalimpuyo kong pakiramdam.
“I’ll take you now my innocent baby.”
“Do it now!” halos pasigaw kong utos sa kanya dahil ayaw kong nabibitin. Sapagkat sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang ito nararanasan. Ang lasapin ang nakakabaliw na ligayang dulot ng ginagawa niya sa aking katawan. At wala akong pakialam kung sino ang taong ito na aking kaulayaw. Ang mahalaga lang sa akin ay madama ang init na mula sa lalaking may matitigas na muscles.
“Akin ka lang Nica Angelic Montemayor.”
Subalit hindi ko inakala na ang kaninang ligaya ay mapapalitan ng kasumpa sumpang pakiramdam. Nang maging-isa ang aming katawan. Ngayon ay gusto ko namang isumpa kung bakit ganito pala kasakit. At para akong mamatay na tila unti-unting hinati ang katawan.
“My baby, don’t cry at maya maya lang ay mawawala rin ang sakit.”
Ang malambing niyang boses ay tila isang pain reliever. Na unti unting inaalis ang kirot at napapalitan ng kakaibang luwalhati. Kaya naman napatango na lamang ako. At tama ito dahil habang lumilipas ang bawat sandal ay napapawi na ang sakit. Hanggang tuluyang napalitan ng matinding init nang pangangailangan. At sa mga oras na iyon ay wala akong ibang gusto kundi lasapin ang nakakabaliw na ligaya. Sa piling niya na kahit pangalan ay hindi ko alam at mukha na hindi ko pa nasisilayan.
KINABUKASAN ay nagising ako sa sakit ng aking buong katawan. At nang magmulat ako ng mata ay nag-iisa na ako sa higaan. Aktong babangon ako nang biglang bumukas ang pintuan. Isa-isang nagpasukan ang tatlong lalaking may iisang mukha. Walang iba kundi ang triplets kong mga kapatid. Nakaramdam agad ako ng takot sa klase ng pananalita at pagkaka titig ng mga ito sa akin. Kapansin pansin din ang pag-ikot ng mga mata nila sa kabuuan ng silid.
“Where is he?” rinig kong tanong ni Kuya Luke, ang pinaka panganay sa tatlong triplets. At dahil hindi ako marunong magsinungaling ay sinabi ko sa kanila ang totoo.
“Sorry mga kuya ko, hindi ko alam kong nasaan siya dahil paggising ko ay wala naman akong kasama rito.”
“Tangna!” malakas ang sigaw ni Kuya Levi, kaya mabilis akong nagyuko ng ulo. Hanggang naramdaman kong lumapit sila sa akin at maingat akong inalalayan para makabangon. Binihisan din nila ako at pagkatapos ay binuhat palabas ng room. Ramdam ko ang tension at subrang galit ng tatlo kong kapatid. Habang patungo kami sa kinapaparadahan ng sasakyan.
“Princess, sabihin mo sa amin kung bakit napapunta ka sa lugar na iyon. At sino ang lalaking kasama mo nang buong gabi?”
“I’m sorry kuya, hindi ko talaga siya kilala. Basta ang huling natatandaan ko ay nasiraan kami ng sasakyan. At matapos kong sumakay ng taxi ay iniwan ko na si Manong Albert.”
Wala na akong narinig pang nagsalita sa kanilang tatlo. Bagkus ay naramdaman kong niyakap ako ni Kuya Liam. Ramdam na ramdam ko ang panginginig nito sa sobrang galit. Gano’n din si Kuya Luke at sa klase ng pagmamaneho ni Kuya Levi. Parang no mercy sakaling may tatawid sa daan ay baka sagasaan pa nito.
Few minutes later…
“Anong nangyari sa kapatid n’yo?” malakas ang boses ni Daddy. Kaya naman napayakap ako ng mahigpit kay kuya Luke sa takot na baka pagalitan ako.
“Dad, mamaya na po tayo mag-usap kailangan ni Princess na makapagpahinga. At dadalhin ko muna siya sa kanyang kwarto.”
“Pagkahatid ninyo ay sumunod kayong tatlo sa library!” rinig kong muli ang matigas na boses ni Daddy.
“Yes, dad.”
Mabilis ang bawat habang ni kuya Luke paakyat sa kwarto ko. At nang makapasok kami ay dahan dahan niya akong inilapag doon.
“Rest at huwag kang babangon, kung may kailangan o gusto kang kainin ay gamitin mo ito.” inilapag niya sa gilid ko ang intercom at saka ako nila iniwan. Ngunit hindi ako mapalagay kaya tiniis ko ang sakit ng buong katawan ko at dahan dahang bumaba ng hagdan. Gusto kong malaman ang pinag-usapan nila. Dahil nakakasiguro akong hindi naman sasabihin sa akin ng mga kuya ko. Kung bakit sila ipinatawag ng aming ama. Pagdating ko sa library ay agad akong nag kubli sa gilid. Mabuti at naka awang nang konti ang pintuan kaya naririnig ko ang usapan nila.
“Luke, anak anong nangyari sa kapatid n’yo?”rinig na rinig ko ang halos mag-echo sa lakas ng boses ni Daddy.
“Dad, huminahon ka po sana dahil kahit kami ay hindi rin namin alam kung sino ang tarantadong ‘yon. At ang sabi ni Princess ay hindi raw niya kilala ang lalaking iyon.”
“Imbestigahan n’yo at gusto kong malaman agad sa lalong madaling panahon!”
“Opo, dad.”
“And huwag sanang malaman ng mommy n’yo ang nangyaring ito sa inyong kapatid.”
“Yes, dad.”
Aatras sana ako nang marinig ko ang mga yabag palapit sa kinatatayuan ko at ang plano kong pag-iwas ay huli na dahil nakita na ako ni Daddy.
“Princess?”
“Ahm…daddy ko sorry po,” ang tangi kong nasabi sa aking ama at tuluyan na akong napaiyak.
“Shhh, don’t cry anak,” at naramdaman kong niyakap niya ako habang hinahaplos ang aking buhok.
“I’m so sorry dad, alam ko pong na-disappoint ka sa akin.”
“Don’t say that, kahit kailan ay hindi iyon mangyayari at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Anuman ang nangyaring ito sa’yo ay huwag mong iisipin na nagagalit kami, dahil kahit ano pa ang mangyari ay hindi namin kayang magalit sa’yo Princess.”
Lalo na akong napaiyak sa mga binitawang salita ni Daddy, wala talagang makakapantay sa kabaitan ng aking ama. Napaka mapagmahal talaga nito sa aming lahat.
“Alam kong hindi ka marunong magsinungaling Princess, ngunit sa pagkakataong ito ay gusto kong ilihim natin sa iyong mommy ang nangyaring ito sa’yo.”
Napatango na lamang ako sa pakiusap ng aking daddy, talagang mahal na mahal niya si Mommy ko. Dahil ayaw na ayaw niyang nasasaktan o kahit ma-disappoint man lang.
“Halika na Princess, hindi ka dapat maabutan ni Mommy ng ganyan.”
“Sige kuya, aakyat na ako sa kwarto ko.”
“No, bubuhatin na lang kita at ikaw Levi tawagan mo si Doctor, dahil kailangan makainom ng gamot ni Princess.” Narinig ko pang-utos ni Kuya Luke kay kuya Levi ko.
“Susunduin ko na lang kuya, mahirap nang mag-abot pa sila ni Mommy.”
“Okay, sige ikaw ang bahala.”
Ngayon ay gusto kong magsisisi kung bakit hindi ako nakinig kay Manong Albert, kung nahintay ko ang sasakyan na manggagaling ng mansion ay hindi sana nangyari sa akin ito.
“Ayos ka lang ba Princess?”
“Kuya Luke, huwag naman kayong masyadong nag-alala sa akin dahil hindi naman na ako bata.”
“I know, kaya ipahinga mo ang iyong isipan at huwag nang mag-isip ng hindi maganda, okay?”
“Yes, Kuya Luke.”
Nang mailapag ako ni Kuya Luke, sa aking kama ay kinumutan pa niya ako. At sinigurong maayos ang pagkakahiga ko bago ako iniwanan.