Chapter 22 3rd POV Lumipas ang isang taon maayos naman ang pagsasama nila Patricia at Jason. Subalit hindi talaga maiwasan na hindi darating ang isang malaking problema sa kanilang mag-asawa. Sinusubok din sila ng iba't ibang uri ng problema, subalit agad naman nila iyon naaayos na dalawa. Lalo na at palagi na nga si Andrea,mpumupunta kina Aling Lote. Minsan hindi na lang umiimik si Patricia, kapag nararamdaman niyang iniinsulto siya ng kanyang biyenan na babae. Nasanay na rin si Patricia sa pamumuhay niya sa probinsya. Isang araw umuwi si Jason, hindi agad ito tumuloy sa kanila dahil dumaan ito kina Aling Lote. Hindi rin alam ni Jason na naroon pala si Andrea sa bahay ng mga magulang niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Jason kay Andrea. Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo