Chapter 31 3rd POV Walang imikan sa pagitan nila Jason at Patricia. Hindi rin si Jason, makapagsalita dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa asawa. Parang wala na siyang lakas pa na kausapin si Patricia, pagkatapos ng lahat ng mga ginawa niya rito. Walang imik na itiniklop ni Jason, ang kanyang laptop at inilagay ito sa lalagyan. Gusto niya mang humingi ng patawad kay Patricia, subalit parang wala na rin iyon kwenta para sa kaniya. Ilang beses niya ng nasaktan ang asawa. At wala na siyang mukhang iharap rito. Sobrang nahihirapan na rin ang damdamin niya sa tuwing nakikita niya si Patricia, na umiiyak at nasasaktan, kaya nasasabi na lang niya sa isip niya na hindi niya deserve ang pagmamahal na binibigay nito sa kaniya. Mas naisin na lang ni Jason, na lumayo sa asawa kays