Chapter 24 3rd POV Nagising si Patricia na may nagkakagulo sa tabi niya. ''Hayop kang lalaki ka! Papatayin kita!" Narinig ni Patricia ang boses ni Jason na parang galit na galit ito. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata nakita niya na pinagsusuntok ni Jason si mark. Umaawat naman si Aling Lote at Danica kay Jason. Masakit ang ulo ni Patricia, kaya parang wala pa siya sa kaniyang huwisyo. Subalit naramdaman niya na parang wala siyang saplot. At nang tingnan niya nga ang kanyang sarili ay ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat. Eala nga siyang damit at nakatakip ang katawan niya ng kumot. Agad siyang bumalikwas ng bangon at napaupo na nakasandal sa dingding, habang tinatakpan niya ng kumot ang kanyang hubad na katawan. "Jason, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nag-iinuman la