After their awkward breakfast dahil sa ramdam ng dalaga ang matiim na titig ng binata ay sabay na din silang nagtungo sa school na noon pa nila ginagawa kahit na hindi sa penthouse ni Vince si Allyson natutulog. Hindi niya alam noon kung bakit ito ginagawa ng binata pero dahil sa sinabi at ginawa nito kagabi ay alam na niya. It's part of his 'pahaging' na hindi naman niya pinapansin noon. But now, alam na niya at parte din siguro ito ng pambabakod nito sa kanya. Vince's possessiveness...
Katulad kanina sa dining room, tahimik pa din si Allyson sa loob ng sasakyan. Wala siyang lakas ng loob na basagin ang katahimikan kahit alam na niyang naninibago sa kanya ang binata. Kanina pa siya nito sunusulyapan na hindi naman niya binibigyang pansin. Bahala siya sa buhay niya.
"Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" wika nito ng hindi din nakatiis. Malayo-layo pa sila sa University dahil sa naipit pa sila sa traffic na hindi na niya ipinagtaka dahil nasa Pilipinas siya. Natural na dito ang traffic anytime and anywhere.
"Eh ano namang gusto mo, mag-ngangawa ako dito ng walang katuturan?" pagtataray niya dito na ikinatawa nito ng bahagya. She rolled her eyes at him.
"Hindi naman.. Kailan mo nga pala ako sasagutin? Oopss! Mali pala. Dahil whether you like it or not girlfriend na pala kita.." Balak niya sana itong dedmahin pero mabilis siyang napalingon dito dahil sa huling sinabi nito. Girlfriend!?
"What!?" sigaw niya at hindi makapaniwala dito. "Ang kapal naman ng mukha mo! Ni hindi ka pa nga nanliligaw tapos girlfriend mo na agad ako.
Wow! Ang galing mo din Mr. Alcantara!" sigaw niya dito na ikinangiwi nito at bahagya pang napakamot sa batok. So cute...
"Kailangan pa ba yon?" nakangiwing wika nito. Masama niya itong tiningnan.
"Aba, syempre naman!" matalim pa din ang matang wika niya dito.
"Pero matagal na naman tayong magkakilala at wala na naman akong maitatago sa'yo at ganun ka din sa akin. At isa pa, ang alam kung panliligaw ay para lang to get to know each other na hindi na naman natin kailangan. So girlfriend na kita at wala ka ng magagawa do'n." Napanganga na lang siya sa sinabi nito.
Sabagay may point naman ito at masusubukan din naman niya ang nararamdaman nito kahit mag-bf/gf na sila. Nabalik na lang siya sa kasalukuyan ng may maramdaman siyang lumapat sa labi niya at hindi na siya nagulat nang makita niyang hinalikan siya ni Vince.
"What was that for? Bakit basta ka na lang nanghahalik?" ismid niya dito na ikinatawa nito ng marahan. Nakangiti siya nitong tiningnan at kinindatan na ikinapula ng mukha niya
.
"Nothing, honey I just want to seal it with a kiss. This day is our first day of being couple so I kissed you," nakangiti pa ding wika nito habang tutok ang mata sa daan.
"Dami mong nalalaman," wika na lang niya at tumingin na lang sa labas. Kailangan niyang i-divert ang atensyon niya sa ibang bagay para hindi nito mapansin ang pamumula ng mukha niya dahil sa epekto ng mga sinasabi nito. He has this flowery-tongue na malaki ang nagiging epekto sa kanya. Na alam niyang ikahuhulog niya sa binata ng sobra-sobra.
Nanatili lamang silang tahimik sa nakalipas na oras hanggang sa marating nila ang parking ng University. Mabilis na lumabas ang binata at mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan na lihim niyang ikinangiti.
"Wow! For the first time, huh," insulto niya dito pero kinindatan lang siya ng binata.
"S'yempre.. It's my responsibility as your boyfriend. So shall we?" pilyong wika nito at inilahad pa ang palad sa kanya na ikinapula ng mukha niya. Nahihiya niyang tinanggap ang kamay nito na ikinangiti nito ng malaki. Ikinawit pa nito ang kanyang kamay sa kanan nitong braso bago sila naglakad papasok.
Sa parking lot pa lang ay agaw atensyon na sila dahil sa ginawa ni Vince. Kaya nang makarating sila sa cafeteria ay hindi na siya nagtaka ng lahat ng atensyon ay nasa kanila maging ang sa mag-asawang Keane at Alyana. Marami siyang nakikitang naiingit at marami din ang nakaismid sa kanya. Who cares? Mainggit sila, dahil sa kanya nabaliw ang isang Vince Alcantara.
"So, kayo na?" salubong sa kanila ni Keane na malaki ang ngisi sa labi. He rolled her eyes at him. Here we go again. Ang dalawang lalaki na may sariling mundo kung mag-usap.
"Yap, bro. Kanina lang," sagot ng katabi niya at ipinaghila pa siya ng upuan. So gentleman.
"Gentleman, huh," nakaismid na wika nito nang makita ang ginawa ni Vince. Napa-irap na lang siya nang halikan nito si Alyana sa pisngi. Landi..
"So kaya mo 'yon?" nakangising subok nito sa katabi niyang may nangungusap na matang nakatingin sa kanya. Hayyss...
"Kiss me," wika niya na ikinanganga nito maging ni Keane. Nang hindi pa din ito gumagalaw ay siya na ang humalik sa labi nito. Just a smack kiss.
"Okay na?" lihim siyang napangiti nang tumango itong tulala pa din sa kanya.
"f**k! f**k! Ako din baby. I-kiss mo din ako," napalingon siya kay Keane na nakangusong umuungot kay Alyana.
"Tigil-tigilan mo ako, Señorito. Baka gusto mong kamay ko ang lumapat sa mukha mo." Malakas siyang napatawa sa sinabi ni Alyana at nang tingnan niya si Vince ay nakikitawa na din ito.
"Oh ano, bro? Sinong kulelat ngayon?" natatawang wika ni Vince kay Keane na masamang tiningnan ang huli.
"Mamaya ka sakin sa bahay." Dinig niyang wika ni Keane na ikinapula ng mukha ni Alyana. Uh-uh masama nga palang asarin ang isang Keane Matthew Valiente at Vince Alcantara nangangagat. Haha!
Nag-asaran lang sila nang paulit ulit hanggang sa nahati sila sa dalawang grupo. S'yempre kasama niya si Vince as usual. Pero hindi nga lang katulad dati na may distansya ang katawan nila. Ngayon kung makadikit ito ay sobra at laging nakapulupot ang braso nito sa bewang niya o kaya naman ay naka-akbay sa kanyang balikat. Poor her dahil sa s'ya ang nahihiya sa ginagawa nito lalo na sa tuwing may nasasalubong silang lalaki ay sinasabi nitong gf siya nito.
"Okay, honey. Nandito na tayo sa tapat ng room mo.. Don't forget my kiss, hmm.." Napa-irap na lang siya sa hangin at binigyan ito nang mabilis na halik sa labi.
"Oh, okay na. Umalis ka na nga at masyado kang agaw pansin." Pagsusungit niya dito pero sumimangot lang ito na parang bata.
"Hindi naman ganun eh," nagdadabog na wika nito na ikinatawa niya ng mahina.
"Ganito ang gusto ko," and he instantly pulled her head and smashed his lips to hers. Giving her a passionate and torrid kiss.
Pareho silang kapos ang paghinga nang tumigil ito sa paghalik sa kanya. Pero parang wala lang dito dahil nakangiti pa ito habang nakadikit ang noo sa kanya. Pulang-pula ang mukha niya at hindi siya makatingin dito ng diretso. Sa labi siya nito nakatingin at kitang kita niya ang maganda nitong ngiti.
"Damn! Ganun ang gusto kong halik." Lalong namula ang mukha niya sa sinabi nito. Kita niya ang pamumula ng labi nito kahit hindi siya gumanti kanina.
"At mas masarap siguro if you'll respond pero ayos na 'yon. At least hinahayaan mo akong halikan kita and I can wait."
"Sige. P-papasok na ako. Umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Damn her. Bakit siya nauutal dito.
Bahagya niyang kinagat ang kanyang labi bago siya naglakas-loob na salubungin ang titig nito. Pero napaatras siya nang makita niya kung anong nakapaloob sa mata nito. Love, lust and desire while staring at her lips.. Oh God! Not in here, Vince..
"V-vince.. P-please.. Promise pagbibigyan talaga kita sa penthouse mo. Huwag lang dito," kinakabahan na siya kaya kung ano-ano na ang nasasabi niya dito without thinking carefully.
"Okay. Sa bahay na lang at hindi ako basta-basta nakakalimot, honey," mabilis na wika nito at basta na lang nawala ang kaninang emosyon na nakikita niya sa mata nito. What the! Parang napasubo lang siya ah. "Sige, pasok ka na." Mabilis siya nitong hinalikan bago pa siya makatalikod dito. Pero ganun na lang ang gulat niya nang sumigaw ito nanng uupo na siya sa upuan niya.
"I love you Allyson Gutierrez! My honey and my girlfriend!" nakangiting sigaw nito na nakakuha lahat ng atensyon sa buong klase.
Hindi pa din siya makapaniwala sa narinig niya pero nang makita niya itong nasa may pintuan pa din ay doon na siya naniwala. Damn! He's very unpredictable...
And she already heard the three words coming from him na matagal na niyang gustong marinig dito.
Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya lalo na nang simulan ng kaklase niyang siya ay tudyuhin kung gaano siya kaswerte kay Vince. Laking pasasalamat na lang niya nang pumasok ang prof nila kaya napangiti na lang siya at bahagyang tumungo.
Pero ng maalala niya si Vince ay mabilis siyang tumingin sa pinto at ganun na lang ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang makita niya itong nandoon pa din. Damn! What is he doing? Baka ma-late ito sa sariling klase.
Pero ganun na lang ulit ang reaksyon ng puso niya nang mag-flying kiss ito sa kanya with mouthing 'i love you' to her bago tuluyang umalis. Damn him! Balak ba nitong pasabugin ang dibdib niya sa lakas ng kabog nito? How she loves this man pero hindi niya muna aaminin dito. She wants to see Vince trying his very best para mapasagot siya ng I love you too nito..
Buong araw na okupado ni Vince ang isip niya. At laking pasasalamat niya dahil sa kahit papaano ay may natatandaan siya sa itinuturo ng prof nila. Nakakasagot siya sa tanong at hindi nahalatang pre-occupied ang utak niya ng binatang nagngangalang Vince Alcantara.
Hanggang sa sunod-sunod na natapos ang klase niya at dumating ang oras ng uwian.
Pagkatunog pa lang ng bell na hudyat na tapos na ang klase ay mabilis siyang tumayo sa kanyang upuan. Ayaw na niyang madatnan pa siya ni Vince lalo na at sobrang sweet nito baka lalo pang mag-eskandalo ang puso niya. Mabuti na 'yong siya ang maghihintay sa sasakyan nito.
Pero ganun na lang ang pagkagulat niya nang lalabas pa lang siya ng classroom ay may humila na sa kanya sa kabilang tabi. Isinandal siya nito sa pader at nasalubong niya ang matiim na mata ni Vince.
"Not so fast, honey. Trying to escape from me, huh? And you think I would let you?" nakagat niya ang kanyang labi dahil sa kabang nararamdaman. Bahagya siyang lumingon sa paligid pero wala siyang makitang ibang tao sa paligid. Wala na ang kaklase niya at sila na lang dalawa. Good luck to her..
"V-vince," mahinang bigkas niya sa pangalan nito.
Lalo siyang kinabahan nang hilahin siya nito papasok sa room na nilabasan niya kanina at inilock 'yon. Pero hindi pa d'on nagtatapos ang lahat ng muli siyang isandal nito sa pinto at sinimulang lamukusin ng halik ang labi niyang bahagyang nakaawang.
Sinamantala nito ang pagkakabukas ng kanyang labi at mabilis na pinasok nito ang bibig niya, exploring her mouth. Mahigpit na hawak nito ang dalawa niyang kamay sa ulunan niya na nakapinid din sa pinto at sobrang magkalapat ang katawan nila na halos maramdaman na niya ang kahandaan nitong nakadiin sa tiyan niya.. He's turned on.. Anong gagawin niya? Baka dito na mawala ang virginity niya sa loob mismo ng classroom niya?
"Kiss me back, honey," he whispered sa kabila nang paghalik nito sa kanya. He's nipping, biting and licking her tongue and lips at ramdam niya ang epekto nito sa katawan niya. And she's already turned on.
"Vince, huwag dito. Sa bahay na lang, promise we will make out later," mahinang anas niya para pigilan ito na mukhang effective naman dahil tumigil ito sa paghalik sa kanya. Thanks God!
"And you're going to kiss me back, hmm?" he asked using his husky voice. Tumango na lang siya dahil baka mautal na naman siya. Bahala na mamaya basta kailangan niyang mapigilan ito at baka basta na lang mawala ang kainosentehan niya lalo na at ramdam niyang nawala na ito sa control kanina.
"Okay, tara na at baka hindi na ako makapagtimpi pa," nakangiting wika nito at mabilis pa sa alas-kwatrong hinila siya palabas sa classroom. Hindi naman sobrang bilis pero mahahalatang sadyang nagmamadali ang binata. Napayuko na lang siya nang madaanan nila sina Keane at Alyana na may kakaibang tingin sa kanila lalo na si Keane na nag-okay sign pa kay Vince. Damn him!
Hindi niya maiwasang hindi kabahan lalo na sa pagiging agresibo ni Vince. Nandun pa din ang pag-iingat pero ramdam niya ang pananabik nito at parang uhaw na uhaw sa intimasyon sa katawan. Ganun ba talaga pag wala pang karanasan? Parang hayop na kakainin ka ng buhay? At alam niyang ganun si Vince at si Keane dahil kasama na niya ito mula pagkabata. Pero hindi na siya sigurado kay Keane dahil sa may nahahalata na siya kay Alyana. Na parang may nangyari na sa dalawa simula noong nag-birthday si Keane...