Chapter 5

2079 Words
Chapter 5 LARA'S POV "B-Bakit?" Pinag-pawisan na si Lara nang malagkit na ilang pulgada na lamang ang distansya ng mukha naming dalawa ni Calix. Jusko. Ngayon niya na ba ako gantihan sa mga sinasabi ko sakaniya kanina? Sasaktan niya ba ako? Huhu huwag naman sana ano? Hindi si Lara naka-ligtas sa matalim at nag babantang titig ni Calix, na mag pakaba sa akin nang husto. Matang ayaw ko na muling masaksihan. "Nariyan ang mga tauhan ko para mag bantay ng bawat kilos at galaw mo Laura. I don't want to know that you are doing such nonsense that you are here in my company! You understand?!" "O-Oo naintindihan ko." Hindi na lang kumibo si Calix at nag lakad na ito paalis at iniwan ako na parang nabunutan ng tinik sa aking dibdib. Nang makapasok ako sa loob ng kompaniya ni Calix, lalo pang namangha si Lara sa ganda at lawak ng kompaniya ni Calix na domoble pa ang ganda nito kumpara sa labas. Pag pasok mo pa lang sasalubong kaagad sa'yo ang napaka-lawak na hallway at mga empleyado na naka-suot ng mararangyang kasuotan. Meron pang dadaanan sa parang tracker- hindi ko alam ang tawag no'n na para lamang sa LRT na parang machine na, na ipapakita mo ang id mo sa parang metal detector para maka-pasok lamang sa mismong loob ng kompaniya. Napaka-higpit rin ng securidad marami din na security sa loob at labas, na kahit sino mahirap maka-pasok sa loob sa kompaniya ng aking asawa. Naroon din ang mga coffee machine, at nag titinda kapag gusto mong bumili ng coffee sa bandang gilid naman.. Manghang-mangha talaga si Lara na pinag-mamasdan ang mga tao na kanya-kanya ang kanilang ginagawa. Samantala naman si Calix parang hari na nag-lalakad na taas-noo na walang paki-alam sa ibang tao. Nakaka-takot ang itsura nito, na hindi mo nanaisin na maka-salubong talaga. Sumakay na kaming dalawa ni Calix sa elevator, at may pinundot ito doon. Ilang sandali bumukas ang pintuan at naka-sunod ako sa aking asawa, na para na akong robot na hindi alam kong ano ang dapat kong gawin. Hindi talaga ako familiar kong ano ang gagawin ko dito, dahil wala naman binanggit sa akin ang aking kakambal na kasama pa pala ito sa aking gagawin. "Good morning Mam Laura." Salubong sa akin ng isang babae. Tumigil bahagya si Calix sa pag-lalakad at wala akong nakuhang anong salita dito. Dire-diretso lamang itong nag lakad, kasama ang ilang mga lalaki na hula ko lamang mga katiwalang tauhan ni Calix. "Halika na po Mam, i tour ko na po kayo sa iyong Opisina." Pag-papasunod ng babae at nauna na itong mag lakad, at wala na lang akong nagawa kundi sumunod na lamang dito. Sa aming pag-lalakad na dalawa, patingin-tingin lamang si Lara sa paligid at abala ang mga ito sa kanilang ginagawa. Awtomatiko naman na tumigil ang ilang empleyado nang makita nila ako, na para itong naka-kita ng multo sa aking pag dating. Hindi ko alam kong bakit gano'n ang paraan na pag-titig nila sa akin, na para bang naka-gawa ako ng malaking kasalanan sa kanilang lahat. "Hello, good morning." Ginalingan ko na ang aking pag-arti at ngumiti ng matamis sa mga empleyado, na gumuhit sa mukha nila ang labis na takot at pag-kataranta. Weird. Bakit ganun ang atmosphere? Pakiramdam ko, hindi ako welcome. Nauna na lamang nag lakad ang babae, at naka-limutan kong tanungin kong ano ang pangalan nito. Patuloy lamang itong nag sasalita at pina-paliwanag nito sa akin ang mga bagay-bagay pero, walang naintindihan si Lara kahit isa sa mga sinasabi nito. Huminto ang babae sa tapat ng isang itim na pinto at binuksan iyon. "Ito po ang Opisina niyo Mam Laura. So excuse me po," ngumiti ito at iniwan na ako. Inapak ni Lara ang mga paa papasok sa loob ng Opisina ng aking kakambal. Maganda at maaliwalas ang loob. White and dark bown ang pinag- halong pintura sa pader. Inaapakan ko ngayon ang marble tiles at sa bandang kanan ko naroon ang white desk, and swivel chair at sa ibaba ang malaking brown carpet. Pinalandas ni Lara ang kamay sa magandang desk, na naka-patong doon ang dried flower na naka-lagay sa vase. Ilang books at mga documento sa isang tabi, at isang monitor ng Apple brand na Pc. Sa likuran naroon naman ang napaka-ganda at lawak na glass window na matatanaw ko talaga ang nag lalakihan na mga building sa labas. Sa tabi naman naroon ang white drawer, at nakapatong ulit ang bulaklak katabi ang isang isang litrato ni Ate Laura. Mayron din na mga paiting sa pader, at maliit na lounge na pwede kang umupo at mag pahingga sandali. Sobrang ganda at linis nang silid na kahit siguro alikabok mahihiyang dumapo doon dahil na rin sa linis ng bawat sulok. "Wow ang ganda naman." "Mukhang na-miss mo po Mam ang Opisina mo." Natigilan si Lara ng marinig ang hindi familiar na boses sa likuran. Nakita ko ang babaeng naka-suot ng magandang kasuotan at hindi lamang nag lalayo ang edad naming dalawa. Mabait at maganda ang babae, at napaka-hinhin ang pananalita nito. "Sino ka? May kailangan ka ba?" Kumunot ang noo nito, at alangan na ngumiti sa akin. "Si Mam talaga palabiro." Lumapit ito sa gawi ko.. "Ako po si Janine Bernardo ang secretary po ninyo. Siya nga papa po dinalahan po kita ng coffee. 1 table spoon of sugar and 1 teaspoon of coffee, gaya po nang parati niyong hini-hiling sa akin.." buong ingat nitong nilapag ang tasa ng kape sa desk at hindi inaasahan na natabig nito ang tasa, na hudyat na tumapon ang laman no'n. Namuo ang takot sa mukha ni Janine ng mabasa ang ilang papeles na naka-patong sa desk, na kina-taranta naman nito. "I'm sorry talaga Mam, hindi ko sinasadya." Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang basang desk, at pag-katapos nilayo ang documento para hindi na ito, gaanong mabasa. Tinulungan ko na si Janine dahil baka tuluyan na itong himatayin sa labis na takot. "Ayos lang naman iyon. Tulungan na kitang mag-linis." Presinta ko at lalo lamang itong natakot. Napaka-likot na ang mata ni Janine na anumang segundo iiyak na talaga ito sa harapan ko. "Pasensiya na talaga M-Mam Laura, hindi ko po talaga sinasadya.Huwag niyo po akong sisantehin sa trabaho ko, M-Mam dahil kailangan ko talaga ng trabaho po. Sorry talaga, sorry." Pinag-dikit na ni Janine ang palad at lumuhod na ito sa harapan ko, na kahit na rin ako nagulat sa ginawa nito. "Mam, sorry talaga po, hindi ko na po uulitin, aayusin ko na po sa susunod ang trabaho ko." Patuloy nitong pag-makakaawa, at sa puntong ito umiyak na si Janine sa harapan ko. Ha? Anong nangyari? Naguguluhan na si Lara kong bakit ganun na lang ang akto ni Janine, na para bang napaka-laking kasalanan ang ginawa nito, na isa lamang papeles ang nabasa nito. "J-Janine, hindi mo naman kailangan na lumuhod sa harapan ko." Lumapit ako sa gawi nito at ginagaya ko itong tumayo. Ayaw pa nga nitong tumayo, pero mabuti na lang nakumbinsi ko ito. "Bakit ka umiiyak? Hindi naman ako galit." Napa-kurap ito sa sinabi ko at nahihiwagaan na bakit ganun ang trato ko dito, na dapat sana pagalitan ko na dapat ito. "It's alright, hindi naman ako galit at hindi naman kita sisantehin sa trabaho.." "P-Po?" Pinunasan nito ang luha sa mata at ngumiti ako nang ubod ng kay tamis. "Ginugulat mo naman ako sa ginawa mo. Bakit naman ako magagalit? Isa lamang papel iyon at hindi maman importante sa akin iyon. At isa pa hindi mo naman sinasadya na mabasa ang gamit ko, kaya't okay lang talaga." Ilang segundo napa-titig si Janine sa mukha ko na para bang naka-kita ito ng multo sa kaniyang naging itsura. "P-Pero Ma---" "It's alright, hindi ako galit promise." Tinig ko. "Ayusin mo na lang muna iyang kalat, pupunta muna ako sa banyo." Paalam ko at iniwan ko na ito. Hindi pa rin ako naka-ligtas sa paraang pag-titig ni Janine, na sinusuri ako. Pag labas ko nang Opisina humarang naman sa aking dinaraanan ang dalawang tauhan ni Calix. Naka-suot ito ng uniforme at nakakatakot ang kanilang itsura. "Bakit na naman ba?" Himutok ko dahil alam kong sisirain na naman nila ang araw ko. Seriously? Hanggang dito, bwi-bwisitin pa nila ako? "Saan kayo pupunta? Mahigpit na pinag- uutos ni Sir Calix na bantayan namin ang kilos at saan kayo pupunta Mam Laura." "Sa banyo bakit?" Pag tataray ko sakanila dahil naiinis na ako na parati na lang sila naka-buntot parati sa akin. Kaylan ba ako mag kakaroon ng kalayaan? "Nakaka-loka naman kahit privacy kong umihi dapat ko pang ipag-paalam sainyo? Wala na ba akong kalayaan na gumalaw at kumilos ngayon? Hello? Sa tingin niyo pa ba kaya may plano pa talaga akong tumakas na ngayon parati kayong aso naka-buntot sa akin?" Pinandilatan ko sila dahil nag-sasawa na ako na parati ko na lang sila nakikita sa tuwing pag-gising ko. "Sige na kumilos kana!" Pag tutulak nito at tangka ko sana itong bibigwasan. Punyeta, kailangan talagang may pa tulak effect? "Heto na, heto na. Hindi lang makapag-hintay. Atat na atat lang?" Himutok ko pa lalo dito at nag martsa na ako papunta sa banyo. Kakainis talaga. Daig pa nila Amo kong magalit. Pumasok na si Lara sa loob ng comfort room at ako lang ang mag-isa doon. Pumasok na ako sa cubicle dahil kanina pa talaga ako naiihi. Ilang segundo lamang rinig ni Lara ang yabag ng mga paa papasok sa loob, na hula ko hindi lamang ito nag-iisa at may kasama ito. Rinig ko ang pag-uusap ng dalawa, pero hindi naging interesado si Lara doon. Ilang sandali lamang umiba ang pag-uusap ng dalawang babae, na tantya ko nag aayos ito ng kanilang sarili na naka-harap sa salamin Grabe naman, hanggang dito pala sa Opisina, pag chismissan pa talaga ang inaatupag nila? "Nakita mo ba kanina? Pumasok na kanina sa Opisina ang demonyita!" Pag-bubukas ng usapan ng isang babae. "Ha? Demonyita? Sino naman?" "Sino pa ba kundi si Mam Laura na iyon." Himutok ng babae na mukhang galit na galit ito sa aking kakambal. "Huwag ka ngang maingay Kira at baka may makarinig sa ating dalawa at masisante pa tayong dalawa." "Wala akong paki-alam kong marinig man tayo ng ibang tao, dahil totoo naman ang sinasabi ko na masama naman talaga ang ugali nang babaeng iyan. Hindi mo ba naririnig sa ibang staff kong paano tra-tuhin ni Mam Laura ang mga empleyado niya kaya't lahat sila alam kong gaano kasama si Mam Laura." Nakikinig lamang si Lara sa pinag-uusapan ng dalawa na hindi ako gumawa ng anumang ingay para hindi madistorbo ang kanilang pag-uusap na dalawa. "Kina-katakutan siya ng mga empleyado dito, dahil sa napaka- sama nang ugali ng babaeng iyan. Kapag naka- gawa ka ng pag- kakamali at kapalpakan sa trabaho mo, hindi ka lang niya pagagalitan, kundi sasaktan at isisisante ka pa niya sa trabaho. Ganun kasama ang ugali kaya ni Mam Laura. Akala ko makaka-hingga na tayo ng maluwag dahil ilang buwan siyang hindi pumasok sa trabaho, na hindi na natin siya makikita muli. Pero mukhang impyerno na naman ang sasapitin natin ngayon sa pag-babalik niya..." "Minsan ko na rin narinig ang kwento na iyan, na masama ang ugali ni Mam Laura. Pinahiya nito ang janitor nang hindi sinasadya daw, na matapunan ng tubig ang heels ni Mam Laura." "See I told you, demonyo ang babaeng iyan! Alam mo na ba ang kwento kong bakit, nag pakasal si Sir Calix at Mam Laura?" "Hindi." "Ayon sa kwento-kwento, nag pakasal ang dalawang iyan dahil nabaon lamang sa pag-kakautang ang step father ni Mam Laura sa mga magulang ni Calix kaya't ang kabayaran nag pakasal ang dalawa.. Alam mo, malakas ang duda ko na hindi naman mahal ni Mam Laura si Sir, Calix na pini-perahan niya lang si Sir." Tinig nitong muli at hindi makapaniwala si Lara sa aking narinig. "Kaya't kong ako sa'yo Joan, huwag kang mag lalapit kay Mam Laura kong gusto mong tumagal sa pag-tra-trabaho mo dito.. Hays, kainis ilang buwan nang hindi pumapasok si Martin!" Himutok nitong muli. "Bakit?" "Kasi ilang buwan na hindi pumapasok si Martin, na sa akin naipasa ang mga ginagawa niya. Tagal niya naman mag bakasyon pramis!" Anito. "Tara na nga at bumalik na tayo sa trabaho natin." Sunod na lang narinig ni Lara ang yabag ng mga babae palabas at doon na ako nag karoon ng pag-kakataon na lumabas sa aking pinag-tataguan. Kagat-labi si Lara at hindi makapaniwala sa aking narinig. Ano? Masama ang ugali ni Ate Laura? Impossible. Hindi totoo ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD