Chapter 14 Kasalukuyan nasa sala pa ring nag-uusap si Calix kasama ang mga magulang nito. "Nahanap mo na ba ang salarin sa pag nakaw ng million na halaga sa kompaniya ko?" Sa isang iglap naging nakaka-takot ang itsura at dating ni Lorenzo. Katabi nito ang asawang si Claridad at napaka-taray ang dating at prostura. Perinting naka-upo lamang si Calix sa couch, na sanay na sanay sa presinsiya ng kaniyang mga magulang. "Sa ngayon wala pa.. Wala pa akong nakuhang lead sa mga tauhan na inutusan ko." Cool na tinig ni Calix, na hindi nagustuhan ni Lorenzo kong ano man ang sinabi nang anak. "Bilisan mo na ang pag-hahanap sa hayop na iyon at baka tuluyan na iyon naka-takas ng bansa." Mabait na tao si Lorenzo, ngunit masama at nakakatakot kong magalit. Kaya't sa pamilyang Villasquez, isa rin it