Chapter 2

2172 Words
Chapter 2 LARA'S POV Tulala at hindi makapag-isip ng matino si Lara ng sandaling iyon. Sa tuwing pini-pikit niya ang kaniyang mga mata, nanumbalik na naman ang mga alala na kaniyang nasaksihan kagabi. Ang alala kong paano pinatay ni Calix ang isang lalaki. Ang alala na pag putok ng b***l, na nag bibigay nuot at kilabot sa kaniyang kalamnan. Matapos ang insidente na iyon, hindi siya gaanong naka-tulog ng maayos sa labis na takot, na ngayon katabi niya lamang sa iisang kama ang lalaking pumatay lamang ng inosenteng tao kagabi. "A-Ano bang nangyayari sa akin?" Napa-hilamos sa mukha si Lara at nanginig ang kaniyang kamay sa labis na takot. "Ano ba itong gulong pinasukan ko?" Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Lara sa higpit ng pagkagat niya doon. Naka-sandal ang likurang bahagi ni Lara sa kama at wala pa din siyang planong lumabas. Hindi niya alam kong makakaya niya pa bang salubongin si Calix, matapos ang nangyari kagabi. Paano kong sunod niya naman akong patayin? Paano kong ako na ang isunod niya, kapag nalaman niyang hindi ako totoong asawa niya? Paano kong? Pinilig niya ang kaniyang ulo, para iwaksi ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ayaw niyang isipin ang mga bagay na iyon dahil hindi na talaga siya mapakali nang husto. Kailangan kong maka takas dito. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Kulang na lang mapa- talon si Lara sa gulat ng marinig ang pabagsak na pag bukas-sara ng pintuan. Kasunod rin ang mabibigat na yabag ng mga paa, na nanumbalik ang kaba at takot na lumukob sa dibdib ni Lara ng mapag-tanto niya lamang kong sino iyon. Walang iba kundi si Calix. Ang kaniyang asawa. Tahimik at napaka-dilim ng mukha ni Calix na nakakatakot ang kaniyang itsura. Naka suot ito ng blue office suit na, nag bigay hubog ng maganda nitong pangangatawan. Sa bawat yabag ng mga paa ito, nag pakaba pa lalo ng husto sakaniya. Para itong hari, na dapat mong sambahin at galangin. Sa tuwing nakikita niya si Calix, kakaibang takot ang binibigay nito sa aking kalamnan. Huminto si Calix malapit sa wardrobe at tila ba hindi napansin nito ang aking presinsiya. Pinapanuod lamang ni Lara na nag aayos si Calix ng tie nito, na halatang papasok na ito sa kaniyang trabaho. "s**t!" Iritadong napa-mura si Calix, n animo'y hindi nito makuha-kuha ang pag-ayos ng tamang tie sa suot nito. Kulang na lang takasan ng bait si Lara ng bumaling ng tingin sa gawi ko si Calix, at sa paraan ng kaniyang pag-titig na kaya nitong palambutin ang aking mga tuhod. "Anong tini-tingin mo? Fix my tie!" Mang-uutos nitong tinig, na dapat mo itong sundin at gawin. "O-Oo." Garalgal kong tinig at bumaba na ako sa kama, na kahit sa loob-loob ko, pinang-hihinaan na talaga ako nang husto. Napaka-lakas na rin ng pintig ng aking puso sa bawat yabag ng aking mga paa palapit kay Calix. Kulang na lang himatayin ako sa takot na mag tama ang aming mga mata. Napaka dilim at nakaka-takot ang kaniyang mga mata. Iyon ang klase ng mga mata, na hindi mo na nanaisin na makita pa. Mga matang nag babanta parati sa aking buhay. Binigay sa akin ni Calix ang tie, at ganun din ang panginginig ng aking mga kamay na mahawakan iyon. Sa totoo lang talaga, hindi ko alam kong paano gawin ito. Kong paano ko ayusin ang tie niya. Labis akong nababahala na baka masinghalan at saktan niya ako, kapag, hindi ko makuha-kuha ng maayos ang pina-pagawa niya sa akin. Kahit may distansya ako kay Calix, amo'y na amoy ko ang mabango at mamahalin na pabango na ginamit nito. Hindi pa rin ako naka-ligtas sa nakaka-panindig balahibo niyang pag-titig. Nanginig ang aking kamay, na sinimulan ang pag-ayos ng tie ni Calix, na kahit wala naman talaga akong alam sa bagay na ito. "B-Bakit mo iyon ginawa?" Panimula kong tinig, para iwasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. "B-Bakit mo siya pinatay?" Umanggat ako ng tingin at domoble pa ang takot sa aking dibdib ng lalo pang tumalim ang mga mata nito, at naka-kunot ang noo ng aking asawa, na animo'y hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. Tila nag-sisi pa tuloy ako kong bakit tinanong ko pa ang sensitibong tanong, na alam ko naman na ikakagalit niya. "Dahil gusto ko. Nararapat lamang na ang isang taong kagaya niya, namamatay!" Matalim na tinig nito, na para na itong diyos, na hahatol ng buhay na kahit na sino. "Malaki ang atraso niya sa akin. Kulang pa ang buhay niya para sa kabayaran ng nagawa niyang kasalanan sa akin!" Matalim at puno ng galit ang tinig ni Calix. Ilang beses na rin nag kamali, at manginig ang kamay ni Lara, na hindi niya talaga makuha-kuha ang tamang pag-aayos ng tie ng asawa "Kahit na, hindi mo dapat iyon ginawa.." lalo pa tuloy ngumisi si Calix sa aking sinabi. "G-Ganun kana ba kasama, para pumatay ng inosenteng tao? Paano mo nagagawa iyon Calix? May pamilya din siya, na mag hahanap sa kaniya. May pamilya din na mag hihintay sa pag babalik niya, tapos ikaw.. Kikitilin mo na lang ang buhay niya ng ganun-ganun laman---" "You don't know him, to say he is f*****g innocent!" Napa-singhap ako ng hinuli nito ang aking siko. Ganun na lang ang takot na lumukob sa dibdib ko ng makita ang nakaka-takot na mga mga mata ng binata. Gusto ko nang mag lupasay sa harapan ni Calix, sa labis na takot na lumukob sa aking dibdib. "If nothing good comes out of your mouth, you better keep your mouth shut! If you weren't my wife, I might have killed you long ago!" Anito at sa pag kakataon na ito hinawakan niya ang aking panga ng sobrang diin at puno ng pang-gigil. Nag simula na rin mangilid ang aking luha sa aking mga mata ng makita muli ang nakakatakot at mala-demonyo nitong mga mata. "C-Calix, nasasaktan ako. Bitawan mo ako p-please." Taimtim na pag-mamamakaawa ko, pero tila ba nag bingi-bingihan lamang ito. "C-Calix." Naiiyak kong pag mamakaawa dahil lalo pa nitong hinigpitan ang pag kakahawak sa aking panga, na anumang segundo babaliin niya iyon sa labis na gigil at galit na kaniyang nadarama sa akin. "Pero hindi muna kita papatayin, dahil may pakinabang ka pa sa akin Laura!" Bahagyang pinalandas ni Calix ang kaniyang kamay sa aking pisngi, na kina-pikit ko naman ng aking mga mata. Ayaw kong salubongin kong gaano kasama at nakakatakot na nilalang ito sa aking harapan. Inis nitong binitawan ang aking panga at kulang na lang tumalsik ako sa lakas ng impact ng pag-bitaw niya sa akin. Nang-hihina akong napa-hawak sa pader para mag karoon ng suporta na hindi tuluyan bumagsak sa labis na kaba na aking nadarama. Lumapit sa gawi ko si Calix, at iritadong hinablot sa kamay ko ang hawak kong tie. "Ako na nga ang gagawa. Hindi ka naman marunong mag ayos!" Tiim-baga nitong tinig at hindi na lang ako umimik. Nandoon pa din ang sindak at takot na lumukob sa pag katao ko na pinag-mamasdan ang aking asawa. "What else are you doing, get out of the room!" Dumaongdong ang malakas nitong sigaw na mataranta ako sa takot. "Get out! Now!" Bulyaw nito sa akin, na mapa-talon ako sa labis na takot at gulat. Wala ako sa loob na nag mamadali na lumabas ng aming silid na dalawa. Pabagsak kong sinarhan ang pinto ng aming silid at kasabay ang pag-agos nang luha na kanina ko pa pinipigilan. STILL LARA'S POV Pinag lalaruan lamang ni Lara ang kubyertos sa plato na kaniyang kinakain. Napaka-lalim ng kaniyang iniisip na hindi rin siya maka-isip ng matino. Naka-lapag sa lamesa ang magarbo at masasarap na pagkain, na kong iisipin mo lagpas sampu na tao ang kakain ng mga iyon, na mag-isa lamang siya kakain. Dumaan sa isang tabi si Lilith at nilapag ang hinanda nitong mix fruits. "Lilith." Tawag niya dito. Lumapit sakaniya ang dalaga at nag vow sa aking harapan, tanda ng pag-galang. "Yes po Mam Laura?" "Si Calix, nandiyan pa ba siya?" Malilikot ang mga mata ni Lara ng sandaling iyon. Natatakot pa din siya sa presinsya ni Calix talaga. "Pasensiya na po Mam at kakaalis lang po ni Sir Calix, papunta sa kompaniya. Mukhang nag mamadali nga po siya kanina eh." Tugon nito na maka-hingga na siya ng maluwag. Nabunutan ng tinik ang kaniyang dibdib na ngayon hindi niya makikita ito buong mag-hapon, at baka maaga siyang takasan ng bait kapag nag kataon. "Ganun ba? Sige." Alangan akong ngumiti dito. Dapat handain ko na ang aking sarili para mamaya. Kong paano ko haharapin si Calix, pag uwi nito lulan ng trabaho. "Mam, may nag hahanap po sainyo sa labas." Tugon ni Manang at sinadya pa talaga na lapitan ako, para ipamalita ang bagay na iyon. Ha? May nag hahanap sa akin? Sino naman kaya? Hindi kaya si Calix iyan? Pinilig ko ang aking ulo, para iwaksi ang aking iniisip. Imposible naman na si Calix iyon, dahil kakaalis niya pa lang ng Mansyon. "Sige lalabas na ako." Nag vow muli sa akin si Manang at tumayo na ako para puntahan ito. Inayos ko ang suot kong damit na kahit ganun, maging maayos naman ang aking itsura, kapag kaharap kong sino man ang mag-hahanap sa akin. Nag lalakad na kami ni Manang at may nakaka-salubong kami na mga ibang katulong na abala sa iba nilang ginagawa. Nabalot na rin ng takot at matinding pangamba ang aking sarili ng sandaling iyon. Hindi ko alam kong bakit ganito na lamang kalakas ang pintig ng aking puso,na hindi ko mawari. "Sino daw siya Manang?" Pabulong kong tanong kay Manang, na nasa unahan ko lamang ito. "Tiyak na matutuwa po kayo kapag makiya niyo siya." Simple at maka-hulugang tinig nito, na hindi ko pa din mahulaan ang ibig nitong sabihin talaga. "Talaga? Sige Manang." Hinatid ako ni Manang sa sala, at nauna na itong umalis. Naiwan na lamang ako sa sala at doon ko nakita ang dalawang bulto ng isang tao na halatang kanina pa nag hihintay sa akin. Naka-upo sila sa couch at napaka-rangya at mamahalin ng kanilang kasuotan. Awtomatiko naman, tumayo sila ng ako'y makita para salubongin lamang. Napa-baling ng aking tingin ang isang lalaki na naka-suot ng Americana na kasuotan na kulay kayumanggi na suot na bagay sakaniya. Matangkad ang lalaki at malaki ang pangangatawan, at hindi rin pamilyar ang itsura niya sa akin. Sa bawat kilos at galaw ng lalaki halatang galing ito sa mayaman at disenteng pamilya. Guwapo ang lalaki at masasabi ko na nasa 58 years old na nga ito at halatang may lahi na foreigner dahil kay talim at walang bahid na emosyon ang kaniyang mga mata, kahit na siguro ibang tao matatakot dahil na rin sa talim at nakakatakot nitong dating. Hindi ko pa din mahulaan kong sino ito. At kong ano ang pakay niya sa akin. Napa-baling naman ng aking tingin ang isang babae, na kasama lamang ng lalaki. Naka suot ng itim at magandang kasuotan na halatang maldita ang dating nito. Matangkad at makinis ang kaniyang balat, at napaka-ganda niya talaga. Naka-suot din ito ng mga perlas at nag kikinang na mga dyamante na kaniyang kasuotan. "Magandang umaga po." Masaya kong bati sa kanila para salubongin sila ng matamis na ngiti sa aking labi. Nawala ang matamis na ngiti sa aking labi ng makita kong sino iyon. Ganun na lamang ang kabog ng aking dibdib ng makilala ko kong sino iyon. Sandali. Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip? "M-Mama?" Iyan na lamang ang aking naibigkas ng makita ko si Mama. Ang aking Ina. Ang matagal ko nang gusto ko ng makita. Sabik ko na siyang maka-sama. Sabik ko na siyang mayakap at mahawakan. Uminit ang sulok ng aking mga mata, at nag babadyang mga luha. Hindi na maipinta ang labis na emosyon na saya ang aking naramdaman ng muli ko siyang makita. Matagal ko nang panahon na inaasam na makita siya. At sa pag kakataon na ito, kaharap ko na siya ngayon. Ngayon mismo. Totoo ba ito? Ang Mama ko? Buong emosyon kong hinakbang ang aking mga paa palapit sa aking Mama. At sa bawat hakbang na aking ginawa, ganun din ang pag kasabik kong ikulong siya sa aking bisig. Ilang taon ko siyang ninais na maka-sama. Lumapit ako kay Mama para bigyan lamang ito ng mahigpit na yakap. "M-Mama. Miss na miss ko na po kayo. Mam--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng binigyan niya ako ng malakas at malutong na sampal, na labis ko naman kinabigla. Kulang na lang mahilo ako sa lakas ng impact. Hinawakan ko ang kabila kong pisngi, at ramdam ko pa rin ang kirot na nanuot sa aking balat ng sandaling iyon. Tila ba kinurot ang aking puso ng makita ang matabang at nanlilisik na mga mata ng aking Mama, habang naka-pako ang tingin sa akin. "Walang-hiya ka! Wala ka talagang utang na loob!" Matalim na tinig nito at kasabay ng pag duro niya sa akin. At pag-agos ng luha sa aking mga mata, na kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Anong nagawa kong kasalanan? Bakit ang sakit-sakit ng puso ko? Bakit Mama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD